New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 5 of 5
  1. Join Date
    Jul 2008
    Posts
    18
    #1
    Hi mga bossing, tulong lang and opinions anu magandang gawin.

    Napansin ko lang na yun break ko pag matagal na nakatapak e lumalambot and parang umaatras na kotse kung may incline. Lately lang naman. Base sa konting research baka ata master brake cylinder.

    So anyway, pagkaintindi ko e kelangan palitan and i-bleed.

    So far napalitan pa lang sa breaking system ng kotse ko e yun break pads since nabili. Medyo may katagalan na din.

    Now inisip ko lang na habang palitan na din lang e anu pa kaya other parts ng braking system na magandang palitan na din. Inisip ko lang kase sayang lang kung isa lang palitan ko tapos i bleed lang ulit.

    Also kung meron kayo alam na magaling gumawa sa break system would be helpful, kelangan ba sa casa kaya pagawa ito?

    Salamat and hope to hear your opinions.

  2. Join Date
    Jun 2004
    Posts
    1,311
    #2
    Medyo mahal yung price ng parts sa Casa, though may promo sila for brake repairs/cleaning. Bili ka na lang ng parts sa labas, pakabit sa suking mechanic.

    Pwede mo isabay yung caliper seal kit kung disc brakes, brake drum cylinder at brake shoes sa drum brakes.

  3. Join Date
    Oct 2009
    Posts
    2,271
    #3
    wag mo ng i bleed lang drain mo na lahat ng fluid at palitan ng bago..kung papalitan mo ng break master.bumili kana ng asembly..kung may tagas naman na mga break cylinder.palitan mo nadin ng isang buo break cylinder at wag ng repair kit ang ilagay...palitan lahat ng break pad..100% pag tapak mo sa preno ipapako ka niyan sa lakas ng preno..:D

  4. Join Date
    Jul 2008
    Posts
    18
    #4
    Salamat mga bossing, yun na nga ginawa ko. Palit master cylinder and drum brake pads. Yun harap di na muna kasi nga napalitan na before pero yun na siguro next.

    Sulit na din naman pala yun master brake cylinder, more or less 15 years na din. So parang piso isang araw.

    Anyway, yun mga break lines and hose ba matagal masira?

  5. Join Date
    Oct 2009
    Posts
    2,271
    #5
    Quote Originally Posted by legato View Post
    Salamat mga bossing, yun na nga ginawa ko. Palit master cylinder and drum brake pads. Yun harap di na muna kasi nga napalitan na before pero yun na siguro next.

    Sulit na din naman pala yun master brake cylinder, more or less 15 years na din. So parang piso isang araw.

    Anyway, yun mga break lines and hose ba matagal masira?

    ung sa mga hoses naman pwede mo rin i check,,medyo balukturin mo ng 45 digrees kung may nakita kana mga bitak..palitan mo nalang.mura lang naman ang isang ganyan 150 lang ang bili ko...para iwas leak ng fluid,,

    sa mga brake kines naman dipa ako maka experience na nabutasan ng ganyan,,

96 Civic VTi brake maintenance