Guys I'm having an issue with my CRV sa rear tire nya. Soon magiging problema din ito. Meron ba mga CRV owners na nag nenegative yung rear camber ng gulong nila? Kung titignan mo sa likod yung gulong eh ganito ang hitsura

/..o..\

Im sure in the long run magiging manipis ang inner side ng gulong at dilikado kasi di ko always natitignan eh.

Nagpalit na po ako ng bushing sa rear last month para sa camber and take note hindi po naaadjust ang rear camber nito. At first sabi ng honda i need a new coil spring, nung kinabit nila eh andyan pa raw. Second kinabitan nila ng bagong rear shock absorber with new coil spring saka lang bumalik ulit sa normal ang camber. lahat yung eh aabot ng 28k+ Eh kaso 3 years ago pa lang ako nagpalit ng rear shocks at since then di masyado nagagamit CRV ko ni nakaranas ng overload. Tingin ko kasi namemera lang yung sales/service attendant ko kasi alam nila makakabili ako at sure akong may commission sila sa mga spare parts.

Sa mga 2nd Gen CRV owners naka experience ng ganito ano ba ginawa niyo para masulosyonan ang negative camber?

Im planning to fit a new aftermarket camber kit na pwede ma correct ang camber nito. Ok lang kaya ito?
Im planning to buy new rear shocks like KYB, mas mura kasi eh. Ok lang kaya ito or may maganda pa at mura?
Now I'm having a problem as to where I can purchase a new rear coil spring. May alam ba kaso kung saan?

Guys I know napakarami ng tanong ko. Ayaw ko na kasi iasa sa Honda casa ang CRV ko, hindi ako satisfied sa service nila. Sabi pa ng isang SA eh tabingi na raw rear axle ko, malabo na yata mata nun.

OT: bago palang ako nagpa rust proofing, nakita ko yung sunday eh di man lang nilinisan yung under chassis before sila nag spray ng anti corrosion compound/paint. ayun pati lupa at bato nalagyan ng rust proofing.