New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 3 of 7 FirstFirst 1234567 LastLast
Results 21 to 30 of 65
  1. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    7,500
    #21
    Quote Originally Posted by wildcatz
    this happened just this morning while i was waiting for available parking at Jollibee Marikina (bayan/public market). i've been waiting for approximately mga 10 minutes na when this black ford everest with plate number ZAB 912 pulled up in front of me at nagbaba ng mga kasama. after that may umalis na suv sa parking right in front of jollibee, so i gave way as i was directly in front of it & to give the white sentra sa likod ko na naghihintay din and was there before me space to maneuver. akalain mo ung mokong na nagddrive nung everest biglang umalis at nagmaniobra, nag-u turn then nag-u turn uli such that nasa likuran ko na sya. at balak pa ata unahan ung sentra dahil dire-diretso sya dun sa available na parking. but then nakauna na ung sentra so ung everest halos perpendicular sa likod ko. then may papaalis uli na kotse sa tapat ko so umabante ako to allow it to back up. imagine my surprise nung nagmamadaling kinuha nung gagong un ung slot! bumubusina na ko non pero tuloy2x pa din sya. binabaan ko na nga at sinigawan ko na nauna ako at kanina pa ko naghihintay. dedma lang ung gago at lumapit na ung guard ng jollibee to pacify me, then he proceeded to find me another slot where i could park. nung naka-park na ko pinuntahan ko agad ung everest to confront the driver, i was there sa tapat ng jolibee and i was waiting for him sa likod lang ng sasakyan nya. alam nyo ba ginawa?? bumaba pero hindi ako hinarap, instead nakatalikod lang and there for everyone to see was yung gun nya na nakasukbit sa likuran nya, nakataas pa talaga ung jacket nya sa likod para kitangkita ko nga naman na may baril sya. tapos dumiretso na sya, take note, not sa jolibee kung san sya nakapark but two stores away, sa chowking. the nerve of this guy, d nga man lang ako ma-confront e anlaki2x pa ng katawan nya, talagang pinakita lang nya na may baril sya and that should be enough to scare me para wag sya patulan. tarantado talaga e, tinanong ko pa sa guard kung pulis ba un at kung authorized ba sya magdala at magdisplay ng baril ng ganon2x lang, d naman alam nung guard. grabe tong taong to, akala ata pagdating sa mga parking na ganon e pabilisan at unahan lang sa kung san maging available, ni wala man lang modo to show decent enough courtesy sa mga naunang naghintay sa kanya don. atat na atat na cguro at baka hindi sya orderan ng pagkain ng mga kasama nya. at d din cguro nakita na madaming naghihintay ng parking bago pa sya dumating don dahil naka-shades ang mokong kahit pa bumabagyo. tigas ng mukha na mang-agrabyado ng iba, feeling nya porket may baril sya kahit sino kupalan nya has no right to question or challenge him. watch out guys sa hambog na to, sa yabang at kapal ng mukha meron at meron syang magagalit, & when he's confronted d natin alam pwede gawin nito. cguro dahil lang madaming tao as i manage to catch people's attention sa ginawa nya at namukhaan na din sya ng guard kaya hanggang pagpapakita lang ng gun nagawa nya. but maybe under different circumstances lalabas talaga kawalanghiyaan ng taong ito. d ko nga alam kung pwede ireklamo sa pulis un e, can that be classified as gun totting? beware of this man, walang gagawing matino itong hambog na to

    cguro dapat ang ginawa mo. Tumawag ka nang pulis at sinumbong mo.

    Remember public place yung pinuntahan nya dapat wala din sya baril kahit pulis sya. Kung meron man dapat nakatago at hindi nakasukbit sa baywang nya.

    may pulis protocol na ganyan. He can be charge of possession even na pulis sya.

    Kung nakacivilian sya dapat may MO sya [ mission order to carry the gun ].

    Just my two cents.

  2. Join Date
    Jul 2004
    Posts
    439
    #22
    Lugi ka dyan. May Baril. Pabayaan mo na.

    .

  3. Join Date
    Jul 2005
    Posts
    51
    #23
    Baril? not worth it.

    Di mo kilala takbo ng utak ng mga ganyan.

  4. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,078
    #24
    tama lang iyon ginawa mo .kung mag sumbong ka pa baka balikan ka pa .
    hayaan mo na may karma naman at hindi natutulog ang nasa "Itaas"

  5. Join Date
    Feb 2006
    Posts
    21
    #25
    sorry guys, ngayon ko lang nabasa posts nyo. just got back from puerto galera (bad idea by the way, sobra anlalaki ng alon )

    anyway, back to the topic. actually medyo nahimasmasan na din ako, pero nung time na yun ang init talaga ng ulo ko e. i'm with the military & i'm entitled to bring a gun with me pero iniiwan ko lang lagi sa bahay, knowing how certain drivers could really piss you off (& wasn't i right). buti na lang, kundi baka nagkabarilan pa kami nung gagong yun. it is my belief too na hindi mo dapat nilalabas o tinututok ang baril mo sa iba kundi mo rin lang ipuputok. pure arrogance lang talaga, feeling cguro ng mga taong ganito they'll get respect and generate fear from everyone else dahil lang sa kargado sila, & that gives them an excuse for bad behavior. d nila alam having a gun just gives one a false sense of security, mayabang kang ipakita pero takot din namang gamitin. perfect example is this guy, he could have confronted me kasi i was waiting for him just directly behind his vehicle, in front mismo ng jolibee kaya d talaga sya makakapasok doon without passing by me. pero umikot pa talaga sya sa harap ng sasakyan nya, at tsaka pumunta sa dulo sa likod papuntang chowking.

    hinintay ko pa actually ng mga 20 minutes sa baba ng chowking ung loko pero wala ata balak bumaba e, sayang lang oras ko. was thinking also na akyatin ko na lang pero ayoko din kc ng eskandalo.

    i'm still thinking of what action i could take against this guy. malaman ko lang talaga na escort na pulis patola to patay talaga sa kin un. naisip ko din kc baka upperclass o mas senior sa kin e, well you know how it is in the military, kahit sila ang mali ikaw pa ang mamalasin. but a greater part of me says to just let it go, maybe next time na mangupal uli sya mas tarantado sa akin makabangga nya.

    just take a watch out for this guy, baka kayo next na pasikatan ng gago e. eventhough i believe this moron has no b_lls to actually use the gun, we'll never really know. people react differently from what they're accustomed to under certain circumstances. ingat na lang lagi guys

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    14,822
    #26
    pagnamatay sila hindi naman nila madadala yang baril na yan.. sinong babarilin nila? si satanas? :evillaugh:

  7. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    1,973
    #27
    don't get mad just get even, do the breakfluid test

  8. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    622
    #28
    kaya nga ako behave sa parking, walang kalaban laban ang oto mo pag ginawan ng kalokohan., unless d mo sya iiwan. tip lang, siguraduhin munang ala sakay na iba yung kotse, nangyari na sa kaibigan ko yan, nilalagyan ng ebak (excuse me..) yung kotse tapos biglang gumalaw yung wiper yun pala sa loob natutulog yung may ari..

  9. Join Date
    Jan 2004
    Posts
    2,329
    #29
    relax lang po tayo. di worth it. parking lang yan. but then you already had the license plate. madali lang yan kung gusto nyo magset nang booby trap. wahehehehee.

  10. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,820
    #30
    ano nga kaya gagawing nung ogag na yun kung habang nakatalikod sya sa iyo at bigla sya merong narinig na "ka-tsak" ehehehehe! malamang maihi yun sa salawal.

    alamin na adress nyan at pa-pick up mo na at magawang punching bag sa kampo!

Page 3 of 7 FirstFirst 1234567 LastLast
ZAB 912 brazenly displaying gun