New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 10 of 12
  1. Join Date
    Jan 1970
    Posts
    22
    #1
    nung dec 17 nabundol yung hipag ko sa isa sa mga kalye ng makati. hindi ko maalala yung pangalan ng kalye mismo basta may gerry's grill daw yun. gabi nun patawid siya galing sa gerry's at nasa gitna na siya ng two lane road. dahil nasa gitna na siya nakatingin na siya sa kanan niya para tignan kung may paparating. ayun bigla na lang may narinig siya na busina sa likod niya at tumilapon na siya. yun pala may ogag na naka kotse na matulin ang takbo na pinilit pang sumingit kung saan papalakad ang hipag ko kaysa sa ipina na lang sa kanan ang kotse niya.

    at syempre alam mo naman ang mangyayari sa ganyan. yung driver pinangunahan pa siya ng galit. nakuha ng hipag ko yung pangalan ng amo ewan ko lang kung hahabulin pa niya. pero nakakainit ng ulo yung ginawa nung driver dahil nanadya mag sideswipe e. ako man may mga pagkakataon na matulin ang takbo ko pero hindi naman ako ogag na ipipilit pa ang kotse ko sa direction na nilalakad ng pedestrian. buti na lang galos lang natamo na sugat ng hipag ko kundi nako baka nag hurumentado na kami dito.

    kaya ayun sana magkatulo yung driver na yun para kapag niromansa niya yung amo niya pareho silang magkaka STD.

  2. Join Date
    Mar 2005
    Posts
    2,019
    #2
    may mga taong ganyan talga... pagpasensyahan mo nalang bro

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    14,822
    #3
    dami ngang ganyan mga tarantado.

    sa harap ng siena dati... grade school pa ata ako...

    nasa gitna na ako ng kalye... may nagpumilit ng kotse... ayun... tinamaan ako... buti na lang nga (tulad ng hipag mo) na galos lang. pero nakaka trauma pa rin yun.

    ===

    kaninang umaga... sa axis, munoz. naka redlight na (para sa pedestrian)... yung motor sa tabi ko, nag beat pa rin ng red light... halos tamaan niya yung mga tumatawid nang mga tao.

    dami talagang walang pakielam sa mga pedestrian na tumatawid.

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,829
    #4
    dapat ihabla ng hipag mo yung driver para madala yung ogag na yun.

  5. Join Date
    Oct 2004
    Posts
    2,315
    #5
    hindi dapat pagpasensyahan yan mga yan. Ikaw na nga nabangga pagpapasensyahan pa. E pano kung mamatay ka dahil sa wrecklesness niya. Dapat ikulong yan mg ayan para magtanda

  6. #6
    tama, dapat ireklamo nyo para makasuhan yan ng reckless driving resulting to injury(tama ba???) kung hindi mauulit pa yan, baka makapatay pa.

  7. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    354
    #7
    kailan po ito??

    yan ang mga driver na may karamdaman(na-iihi, na-eebs..ano pa ba?? )

  8. Join Date
    Aug 2005
    Posts
    549
    #8
    dapat kasi may humps kahit mga maliliit na kalye..

  9. Join Date
    Jan 1970
    Posts
    22
    #9
    nung december 17 ng gabi. december 18 pa man din bday ng hipag ko. kaya ayun kumain kami lahat sa labas may mga gasgas pa siya. medyo na trauma ata siya ayaw na yatang habulin pa e gusto na lang kalimutan. tatay niya gusto habulin yung driver. haaaay anyway ingat na lang tayo lahat at kunin na sana ni lord lahat ng ganun na driver.

  10. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    354
    #10
    buti na lng walang internal injury.. sana nga tinuloy habulin..

    since ayaw cguro ng Hassle ng hipag mo.. for this unfortunate event sana hinabol..

    para nga magtanda uyun driver..

Page 1 of 2 12 LastLast
yung mga speeding sa maliit na kalye