New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 20 of 22

Hybrid View

Previous Post Previous Post   Next Post Next Post
  1. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,077
    #1
    Freshman lasog sa pick-up


    Lasog ang katawan ng isang 16-anyos na freshman student ng University of Santo Tomas (UST) makaraang masagasaan ito habang papasok sa nasabing unibersidad kamakalawa ng umaga sa Malabon City.

    Namatay noon din ang biktimang si Nica Charlene Ardiente, BS Chemistry student sa UST at residente ng #18 Interior 3, Vicencio St., Brgy. Niugan, nasabing lungsod sanhi ng tinamong matinding pinsala sa katawan.

    Kasalukuyan namang nagsasagawa ng manhunt operation ang mga elemento ng Northern Traffic Enforcement Group (NTEG) laban sa hindi nakilalang driver ng asul na pick-up type vehicle at may plakang WET-686 na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

    Batay sa ulat na nakalap mula sa NTEG, dakong alas-6 nang maganap ang insidente sa may kahabaan ng Gen. Lunasol St., Brgy. Concepcion, Malabon.

    Lumalabas sa imbestigasyon ni SPO2 Edgar Lim, may hawak ng kaso, kasalukuyang nag-aabang ng masasakyan ang biktima upang pumasok sa eskuwelahan nang aksidenteng malaglag ang isang gamit nito sa kalsada.

    Ayon sa mga nakasaksi, akmang pupulutin na ng biktima ang nahulog na gamit nang hindi napansin ang paparating na pick-up dahilan upang masagasaan ito kung saan ay tumilapon ng may ilang metro ang biktima.

    Nabatid pa na sa halip na huminto ang driver upang tulungan ang biktima ay walang pakundangan nitong pinasibad ang sasakyan tahak ang direksyon ng Caloocan City.

    Ilang residente naman ang agad namang nakakuha ng plate number ng sasakyan at ipinagbigay-alam ang nasabing insidente sa pulisya.

    Agad nakipag-ugnayan ang NTEG sa Land Transportation Office upang makilala at masakote ang nagmamay-ari ng nabanggit na sasakyan upang managot sa nasabing insidente.
    >
    >
    >
    >
    please let us help her by including on our daily prayers

    At sana mahuli na or makunsensia naman sana kung sino man iyon.(buti KAHIT PAANO NAKUHA ANG PN)...bata pa iyon baka maraming maganda pag kakataon pa sa buhay ng freshman na iyon

  2. Join Date
    Oct 2004
    Posts
    1,488
    #2
    grabe kawawa naman...BS chemistry sa UST?sayang susunod sana sa yapak namin...BS chem din kasi ako sa UST...let's pray for her soul to rest in peace...

  3. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,077
    #3
    Quote Originally Posted by BlueGirl
    grabe kawawa naman...BS chemistry sa UST?sayang susunod sana sa yapak namin...BS chem din kasi ako sa UST...let's pray for her soul to rest in peace...



    OT:

    blue girl = antoinette ???

    may napanood kasi ako ..taga crayola factory ..

    kung ikaw ang na interview doon ..

    .ang show nga pala ay sa USAPAN BUSINESS..

  4. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    2,848
    #4
    my God...so sorry to hear this... surely i'll include a fellow tomasino in my prayers.....

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,310
    #5
    tsk, dami tlagang loko loko sa malabon...alam ko ung lugar na un kse taga malabon ako. Mejo may kaluwagan ang daan dyan kaya cguro walang pakundangan magpatakbo ng sasakyan ang karamihan, pero dami ding tao sa lugar na yan. I'll be on the lookout for that plate #. May her soul rest in peace, and sana magka justice

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,942
    #6
    Moving to Goon Squad Forum...

  7. Join Date
    Oct 2003
    Posts
    2,973
    #7
    kawawa naman..UST student pa..last year, ka-batchmate ko sa medicine nabangga din ng truck along lacson st. patawid siya from mcdo to UST (i think) di siya nakita sa harapan ng truck ayun...fortunately, she survived but had to take the rest of the schoolyear off to recuperate..

  8. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    284
    #8
    well it's an accident and it's nobody's fault.. ogags lang talaga ang driver at hindi tinulungan yun bata.. let us all pray for both their souls..

  9. Join Date
    Jan 2005
    Posts
    687
    #9
    god bless her soul!

  10. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    3,299
    #10
    Oh my.....another young life lost. Nakakaawa naman.

    Like ts1n1ta, I'll include a fellow Tomasino in my prayers.

  11. Join Date
    Jun 2005
    Posts
    4,313
    #11
    Another case of hit & run. Drivers who were involved in this kind of accidents ran away, to avoid na magulpe sila. So dapat yung mga tao, instead na mambugbog tulungan na lang ang driver na madala sa ospital ang victim.

  12. Join Date
    Mar 2005
    Posts
    2,019
    #12
    kawawa naman yung student, langya talaga yung driver na yun. walang puso... makonsensya ka naman!

  13. Join Date
    Jun 2004
    Posts
    135
    #13
    Hindi pwedeng sabihin na aksidente yan, katangahan ng isang walang isip na driver. hawak nya manubela tapak nya gas at preno at binigyan sya ng pag iisip at ng mga mata ng dios so kontrolado nya ang lahat, kung alam ko na matao sa lugar kailangan ko bang 50km/hr o dapat ko bang mag alalay sa preno. I'm sure na mabilis sya magpatakbo kaya di nya nakuhang mag brake o bulag dalawa nyang mata.

    Minsan kahit may pedestrian crossing kahit nasa MALL na, may nakikipag unahan pa rin sa mga tao ang ilang ogag na driver di na lang umalalay at magbigay daan, why? mauubusan ba sya ng kalye?

    Minsan ako nag signal na ng pakanan lalo pa akong ginitgit , OGAG na driver, subukan mo sa kanya gawin. Isang oras ba ako kakanan at di nya ako mapagbigayan, wag kang mag signal, biglain mo, galit din.

    Then kapag may nabundol o nabanga, sasabihin "Aksidente eh" OGAG

    So in short madaming OGAG at TANGAng driver Uhog ang nasa ulo di Utak

    So kawawang UST student pangarap nya at ang pinahirapan ng parents nya wasted lahat dahil lng sa walang isip at di tao na driver.

  14. Join Date
    Jun 2005
    Posts
    460
    #14
    Cool ka lang dre. But you're right, God gave us all wisdom, to control the way we live, work, etc. But sometimes people tend to forget that wisdom to the point of ignoring His warnings. What we should do is to pray everytime we go out.

    I graduated also from UST (cafa) at alam kong delikado talaga sa umaga dahil sa pagmamadali ng mga tao. Kung dika masasagasaan, kakaladkarin ka naman ng jeep pag sakay.

  15. Join Date
    Jan 2005
    Posts
    4,865
    #15
    buti na lang nakuha plate number. may araw din yan. poor girl.

  16. Join Date
    Oct 2004
    Posts
    2,315
    #16
    wawa naman. May nabasa din ako mag ina naman namatay dahil yun anak tumawid nabundol ng bus tapos sumunod yun nanay truck naman ang nakabundol pareho patay.

  17. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,375
    #17
    OT:
    muffer,
    kung kakanan ka, and assuming you're in the right lane (the rightmost lane), how could another car not let you pass?
    or maybe you're in the wrong lane, kaya hindi ka makadaan coz you're already "swerving"

    another thing, pedestrians tend to take their time (parang nasa luneta) when crossing the street. this could be causing the drivers not to let the pedestrians cross. people here doesn't see the urgency when crossing streets. i, for one, get irritated by this kind of behaviour. kung padaanin mo naman and after ilang seconds (more than ten secs), if you don't have the initiative to block/ go thru the crossing people, they wouldn't let you pass.

    BTT:
    when driving thru high traffic areas with pedestrians, it is better to maintain a manageable speed-- a level that you can stop and control your vehicle.

    and for the pedestrians, always look right and left, then signal your intent to cross before crossing. para sigurado ang buhay.

  18. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,077
    #18
    iyan mga pedestrians naman kasi minsan mga pasaway ...

    parang nang aasar pa ..babagalan mag lakad (pwera doon sa mga oldies)

    parang di takot masaktan or iniisip nila na iiwas ang auto

    kasi malaki babayaran ng driver



    tsk tsk tk ...di ba nila naiisip na mahirap kung mabaldado ka or mabalian ...

    ang sakit siguro isipin iyon tumama ang katawan sa bumper at sumadsad ka sa kalye

    kung iyon nga mauntog ka lang masakit na ..

    iyon pa kaya banggain ka ng tumatakbo na auto

  19. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    2,848
    #19
    sila nga hari ng daan eh... pedestrians. kahit businahan mo parang walang naririnig. kaya minsan nakakairita.

  20. Join Date
    Jun 2005
    Posts
    460
    #20
    Nakakatakot yung sig ni tsinita. Mahirap mairita to baka mangagat, hehe. Dina po ko tatawid baka matyambahan ako, hehe.

Page 1 of 2 12 LastLast
kawawa naman freshman ng USTe