New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 4 1234 LastLast
Results 1 to 10 of 31
  1. Join Date
    Apr 2009
    Posts
    1,677
    #1
    Guys post ko lang dito, ingat kayo dito sa 0g*g na ito, kanina lang muntikan na akong mag-collide heads on sa isang jeep dahil lang dito sa driver na ito.

    along F. Martirez (going to Mandaluyong City Hall), 2 lanes ito, katabi ko siya at kasabayan. yung nasa harap niya since tricycle mabagal kaya biglang nanggitgit para lang makaabante, edi ako muntikan na akong ma-sideswipe, bukod sa maiipit ako sa pader, maiipit pa niya ako, eh bulok na ang auto nitong hinayupak na ito. so binusinahan ko at inunahan ko. parang nagalit na hindi ko pinasingit, inungusan ako nung nakabwelo at talagang isa-sideswipe ako, ito talaga malapit na akong tamaan nun. tapos ito, yung papuntang makati ave na bridge, nasa right side siya at left side ako, bigla ba naman kumabig papuntang left lane at siyempre iwas ako pakaliwa rin at dahil doon muntikan na akong maaksidente heads on sa isang jeep, yup muntikan na, talagang galit na galit ako obviously, kaya nung nagkatraffic, kinuhanan ko ng picture yung plate number pati yung portion ng ride side niya. mag-post ako ng pic dito.

    mga sir, kung sino may kakilala dito, paki-sabi naman sa akin, hindi acceptable yung muntikan na akong maaksidente dahil lang sa t*r*n+*dong ito. ty.

    safe driving tsikoteers!

  2. Join Date
    Nov 2007
    Posts
    1,410
    #2
    Madami talagang mga ganito, magalit na tayo ng sandali pero pag isipan natin "may mapupuntahan ba itong galit na ito?" Nakakinis nga pero wala sa ating mga kamay para baguhin ang mga drayber na ganito sa daan.

  3. Join Date
    Apr 2009
    Posts
    1,677
    #3
    Quote Originally Posted by ans_lim168 View Post
    Madami talagang mga ganito, magalit na tayo ng sandali pero pag isipan natin "may mapupuntahan ba itong galit na ito?" Nakakinis nga pero wala sa ating mga kamay para baguhin ang mga drayber na ganito sa daan.
    sir hindi simpleng kalokohan at kasamaan ng ugali ang pinakita niya eh, like I said, muntikan ako mag-collide sa jeep heads on sa alto ko (siguradong durog ako walang duda) dahil lang sa hindi siya nakasingit sa akin (siguro kaya lalong nainis dahil hindi nakasingit sa liit ng auto ko). pero nung muntikan na akong mabangga at nakitang galit na ako, biglang nagmamadali na iwan na ako. pero nahabol ko at nakunan ko ng picture. alam niyang mali siya nung panahon na yun.

    that time, nakipaglaro ako kay kamatayan dahil lang sa kag*guh*n niya, hindi acceptable ito.

  4. Join Date
    Mar 2008
    Posts
    467
    #4
    Sir pag ganyan paunahin mo na lang. Although ireport mo recklessness sa kinauukulan baka sakaling actionan. May karma din yan.

    Keep your cool sir and be safe!

  5. Join Date
    Apr 2009
    Posts
    1,677
    #5
    Quote Originally Posted by emms1121 View Post
    Sir pag ganyan paunahin mo na lang. Although ireport mo recklessness sa kinauukulan baka sakaling actionan. May karma din yan.

    Keep your cool sir and be safe!
    thanks sir, safe driving din po sir!

    ang akin lang, hazard sa atin ang mga ganitong klaseng tao (hindi lang hazard muntikan na nga akong madurog)

    kung simpleng gitgitan lang katulad ng mga jeep/taxi/bus, palalagpasin ko lang iyan dahil araw-araw naman iyan, pero yung nalagay ka sa alanganin, I don't know, pero kahit sino magagalit ng todo.

    safe driving tsikoteers! keep your cool palagi pips.

  6. Join Date
    Apr 2009
    Posts
    1,677
    #6



  7. Join Date
    Nov 2010
    Posts
    266
    #7
    buti naman di kayo naaksidente...
    marami ngang mga ganyang drivers dito kaya ako pinagbibigyan ko na lang kesa naman ako ang mapahamak or maaksidente...

  8. Join Date
    Oct 2005
    Posts
    5,467
    #8
    mukhang japeyks pa plate number if not specialized plates.

  9. Join Date
    Oct 2008
    Posts
    85
    #9
    Quote Originally Posted by emms1121 View Post
    Sir pag ganyan paunahin mo na lang. Although ireport mo recklessness sa kinauukulan baka sakaling actionan. May karma din yan.

    Keep your cool sir and be safe!
    i always harbor on this idea.

    nauubos din ang swerte, isang araw na lang, mababalitaan mo na lang na... hehe

  10. Join Date
    Apr 2007
    Posts
    21,343
    #10
    Erpats ng former schoolmate ko yung owner nyan!

    Kung siya/sila parin ang owner ngayon ha. Pero minsan nakikita ko yan hilig mag counter flow pag malapit na sa gate ng school namin noon.

Page 1 of 4 1234 LastLast

Tags for this Thread

WWE 333 98-99 Honda Accord Maroon