New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 5 12345 LastLast
Results 1 to 10 of 48
  1. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    41
    #1
    hi guys,

    ako naman ngayon. galing akong binondo to pick up a machine for my mom's medical treatment. i was heading back to makati, kakalampas ko lang nung jones bridge and was about to enter the underpass leading to taft when this beige/gold corolla with plate number WTG 707 cut into me and hit my front bumper. nasa tamang lane naman ako (rightmost) nung ki-nut ako. iniwasan kasi nila yung mga jeep na nagbababa at nagsasakay dun. derederetso sya pero hindi sila makaabante dahil sa mga jeep so hinarang ko sila just before the underpass. mga 10:25pm siguro nangyari ito.

    bumaba ako at bumaba yung driver. tatlong tsinito sila sa kotse. nung una pa ayaw ako kausapin at nasa cellphone na kagad sya. so habang busy sya, tiningnan ko yung mga auto. may gasgas yung front right bumper ko simula yung dulo hanggang harap (trooper yung dala ko). yung sa kanya naman, lubog yung left rear panel nya.

    binalikan ko yung driver at tinatawag ko yung attention nya. may isang kotse pang dumaan at binuksan yung bintana at sinigaw na "mayabang yang mga yan." finally nung hinarap ako nung driver, turns out na hindi sya masyadong marunong mag tagalog or ingles. bumaba din yung nakasakay sa harap na passenger at ganun din, hindi ko din maintindihan. finally, bumaba yung nakasakay sa likod. marunong naman mag tagalog. tapos, nagulat ako at sya pa yung galit, claiming na kasalanan ko daw. mainit na yung ulo nya, amoy alak pa.

    nung ayaw nyang huminto, sabi ko tatawag na lang ako ng pulis para maareglo na lang ng maayos. sabi nya, "o sige tawagan mo sila!" tapos, pumasok silang lahat sa kotse, mukhang aalis. so hininto ko muna sila. tinanong ko kung saan sila pupunta at sumenyas pa yung driver na iinom pa daw sila (so i guess nakakaintindi din pala ng tagalog). buti na lang at hindi muna sila umalis. tiningnan nila yung damage sa mga auto, at nakuha ko din yung pangalan nung nakasakay sa likod. JERRY SO daw sya.

    mamaya maya, may huminto sa likod nila na black ford explorer with plate number XRV 938. tatlong fil-chinese ang bumaba, amoy alak din. yung isa, kinakausap ako (matino naman) at gustong makipagareglo. nagtratrabaho daw sya sa insurance. sabi ko okay lang sa akin yun para iwas hassle, kaya tinatawagan ko yung pinsan ko na sa isuzu nagtratrabaho para makakuha ng rough estimate kung magkano ang cost of repair. ino-offer-an ako ng 2k daw for it, kaso sabi ko na sa participation pa lang ng insurance, kulang na yun.

    so habang hinahantay ko sumagot yung pinsan ko, nagulat na lang ako at biglang pinaalis nila yung corolla. sabi nya sya naman daw yung bahala so okay lang. yung isang kasama nya, binibigyan ako ng pero, tinanong ko kung magkano nga yung inaabot at ayaw kong tanggapin hanggang makausap ko yung pinsan ko. bigla silang nagalit at umalis.

    sinundan ko sila sa taft. eto pa, nung huminto dahil sa stoplight, yung nakasakay sa likod, bumaba at hinila yung nagmamaneho. mukhang lasing na lasing na kasi at gusto sigurong magpalit. kaso tigas ulo nung driver, ayaw magpapalit. naiwan din ako dahil sa mga stoplight.

    anong dapat gawin ko sa tingin nyo? hindi ko pa napa blotter kasi pagod na pagod na ako at ang dami kong linakad ngayong araw. gipit na gipit pa ako sa oras dahil sa sakit ng nanay ko.

    para sa mga nagtataka, hindi po ako kumukuha ng picture nung binangga ako.

    sana matulungan nyo po ako dito. although maliit lang (ata) yung damage, nakakapikon lang talaga at ako na nga yung naagrabyado, ako pa yung talo.
    Last edited by Huli Ka; May 21st, 2006 at 12:49 AM. Reason: changed title

  2. Join Date
    Mar 2005
    Posts
    8,837
    #2
    baka yan din yan mga nangugulpi

  3. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    41
    #3
    Quote Originally Posted by oldblue
    baka yan din yan mga nangugulpi
    hindi naman siguro. medyo nakakanerbyos nga yung jerry so, at nung dumating yung explorer. btw, yung explorer hindi yung sportrac.

  4. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,078
    #4
    paging sir FIREBLADE & Co.


    OT : sana gumaling na din ang Mommy mo

  5. Join Date
    Jan 2005
    Posts
    6,076
    #5
    Dapat pinablotter mo ng hit and run yan.

  6. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    41
    #6
    Quote Originally Posted by BoEinG_747
    paging sir FIREBLADE & Co.


    OT : sana gumaling na din ang Mommy mo
    salamat.

  7. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    41
    #7
    Quote Originally Posted by falken
    Dapat pinablotter mo ng hit and run yan.
    dapat nga, kaso bagsak na talaga katawan ko. pati na din utak ko.

  8. Join Date
    Jan 2004
    Posts
    3,362
    #8
    Puwede pa yan pa-blotter.

  9. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    25,068
    #9
    Baka mga illegal aliens mga iyan tapos yung nasa explorer ang protector. Bakit ayaw magpatawag ng pulis? Tapos standard procedure magpakita ng Driver's license, OR at CR...

  10. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    2,849
    #10
    tsk ang alcohol nga naman...

Page 1 of 5 12345 LastLast
WTG 707 binangga ako