Okay, this happened just this week, Wednesday I think, dec 1 2010, this Drop side truck with a plate number WPL 534 hit my father's vehicle.
This is the scenario,
Nangyari po ito sa santa rosa commercial complex malapit sa market. Nung paliko na sa kaliwa ang dad ko, nakita niya sa likod na may truck na napansin niya na medyo mabilis, nung paliko na ang truck (nasa right side niya yung truck) huminto ang dad ko dahil naisip niya na baka tamaan siya ng truck sa pagliko. At ayun nga, natamaan ng gulong ng truck ang front bumper ng IPV ng dad ko. Ngunit, diretso pa din sa pag takbo ang truck.
Hinabol ni dad yung truck at bumusina ng matagal at kinausap tungkol sa pangyayare, nung huminto sila, bumaba ang katabi ng driver, which is ang tatay daw nung nagda-drive ng truck, bata pa daw yung nagmamaneho, sinabihan ng dad ko na hindi man lang tinignan ng driver ang side niya bago siya lumiko, sabi nung may ari nung truck, bumalik daw sila dun sa pinangyarihan at tignan daw kung ano ang nangyare, naisip ng dad ko na walang kwenta kausap yung driver ng truck, dahil wala din patutunguhan iyon, tinignan niya ang truck at napansin niya na dayo lang daw yun kaya ganun. Hinayaan na lang ng dad ko, dahil sabi niya maabala pa daw siya at kaya naman niya ayusin na lang yung nasira, siya na lang daw mag papa ayos at mag papa pintura nung bumper.
To have a clearer look gumawa po ako ng sketch.
Hit and run pa din po ba yung ginawa nung truck o hindi na? Gusto ko sana managot yung truck dahil sa ginawa niya, pero sabi ni dad hayaan na daw, mabait lang talaga si dad, meron din isang thread dito tungkol dun sa kotse na nakikipag race sa kanya, which is so dumb of that car driver to race with an IPV, if you could still remember that.