Kagabi lang nabiktima rin ako ng mga ito sa may kanto ng Aurora blvd at 15th Avenue sa Cubao. Sakto pagdating ko green sabay nag-red. Nakita ko agad yung mga binatilyo kaya mag-beat the red light na sana ako. Alanganin lang talaga kaya inilayo ko na lang sa pinakakanan. Aba, at hinabol pa rin ako at sabay pahid ng di ko alam kung tubig na may tide, joy o shampoo ba yun. Di ko talaga binigyan at habang lumalayo siya tinitingnan ko kung me reresbak sa kanila. Dati nakapagbigay din ako dito kasi ba naman mukhang maton na di gagawang mabuti yung nagsabon ng windshield. Tinaas pa talaga wiper. Dali-dali ko na lang binigyan para tumigil na.