New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 20 of 58

Hybrid View

Previous Post Previous Post   Next Post Next Post
  1. Join Date
    May 2012
    Posts
    1,042
    #1
    tuwing umuulan, nawawala nga ang mga namamalimos. napalitan naman ng mga binatilyong naglilinis ng salamin ng auto.

    they work in couples or in threes. isa o dalawang taga punas ng windshield saka isang taga banlaw na may dalang timba. marunong din silang mang-profile ng motorista. kung mag isang babae, may kasamang babae o sa tingin nila, kaya nilang daragin, sapilitang lilinisan ang wind shield mo kahit ayaw mo o hindi mo naman talaga kailangan. kadalasan pang mga naka maliliit na kotse o van saka mga sasakyang di masyadong dark ang tint ang dinidilehensyahan nila. akma pang babaliin ang wiper arm/blade ng auto mo kung ayaw mo silang bigyan ng barya. it's almost like extortion.

    common along roxas boulevard/mia road intersection.

    any other places you might want to warn about? how do you ask them away?

    any stories to share?

  2. Join Date
    Nov 2009
    Posts
    2,938
    #2
    What I do is I leave a space in front of me para kapag papalapit na sila abante konte at busina.

  3. Join Date
    Nov 2009
    Posts
    12,364
    #3
    Parang yung thread na street beggars harrasing motorists.

    regarding windshield squad sa:

    intersection ng araneta avenue and ramon magsaysay meron din pag umuulan.

    pagbaba ng nagtahan bridge coming from sampaloc meron din nyan.

    kung pwede lang sila sagasaan.

  4. Join Date
    Oct 2012
    Posts
    1,736
    #4
    Some of these street urchins will try and steal your side mirror in the dodgier parts of town. Watch out everyone.

  5. Join Date
    Feb 2010
    Posts
    558
    #5
    Quote Originally Posted by beni23 View Post
    What I do is I leave a space in front of me para kapag papalapit na sila abante konte at busina.
    ganito rin ako

  6. Join Date
    Sep 2007
    Posts
    8,452
    #6
    Parang may ganitong thread na dati.

    Places to look out din sa mga ganito ay Mayon corner Bonifacio at Bonifacio going to Chinese Gen.

    Sent from my GT-N7100 using Tapatalk 2

  7. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    451
    #7
    sa pasay, talamak yan, meron sa airport road, sa tambo, sa roxas blvd. What I do is, gamit yung strobe ng tactical light, ilawan ko mga mukha, ayun, alis naman agad.

  8. Join Date
    Jul 2011
    Posts
    1,711
    #8
    sa may area ng Uniwide Costal Mall (NAIA RD cor COASTAL RD), ung mga TE dyan hindi ka din tutulungan kahit mag reklamo ka.

    kung hindi mo maiwasan, ang gawain ko na lang sinasabihan ko na ung side mirror ko na lang ang linisin nila para no need for them na sumapa sa car ko (tipical kasi sumasampa ung nagsasabon para maabot ung gitna ng windshield).

    Hindi din effective ung maglagay ka ng space sa harapan mo, kasi ung car na katabi mo either sisingit sa harap mo, or pag abante mo susundan ka pa din.

    Same group din yan na pag maaraw naman punas alikabok daw sa windshield.

  9. Join Date
    May 2012
    Posts
    1,042
    #9
    ^yup... dyan din ako sa coastal mall area nakaka-tiyempo lagi pero sa gabi lang (11pm onwards ako napapadaan). todo distance ako pag umaambon/ulan (2-3 buses away na layo). nagtataka yung ibang auto sa una kung bakit ako nakatigil sa halos gitna hanggang sila naman ang kikikilan.

    mukhang magandang idea nga ang tac light...

  10. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    2,372
    #10
    ang badtrip pa nito pag hindi ka nagbigay ng tip its either iiwanan ang sabon sa windshield mo at aalis na din. hahahahaha.

  11. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    3,754
    #11
    Quote Originally Posted by kapitan88 View Post
    sa pasay, talamak yan, meron sa airport road, sa tambo, sa roxas blvd. What I do is, gamit yung strobe ng tactical light, ilawan ko mga mukha, ayun, alis naman agad.
    Dyan mismo sa road na yan pag ka sundo sakin from airport.. ang linis linis ng salamin ko mas lalo nag dumi sarap sapakin ng binatilyo na yon kung hindi lang ako pinigilan nasapak ko na talaga nag bukas na ko ng pinto

  12. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    2,372
    #12
    Quote Originally Posted by NightRock View Post
    Dyan mismo sa road na yan pag ka sundo sakin from airport.. ang linis linis ng salamin ko mas lalo nag dumi sarap sapakin ng binatilyo na yon kung hindi lang ako pinigilan nasapak ko na talaga nag bukas na ko ng pinto
    ingat ingat boss, baka madale ka ng bukas pinto gang medyo madami na din sila dyan.

  13. Join Date
    Sep 2009
    Posts
    4,600
    #13
    Quote Originally Posted by testament11 View Post
    Parang may ganitong thread na dati.

    Places to look out din sa mga ganito ay Mayon corner Bonifacio at Bonifacio going to Chinese Gen.

    Sent from my GT-N7100 using Tapatalk 2
    sinasabi ko pulis ako dun sa estasyon tabi ng petron.
    minsan wala sila.

  14. Join Date
    Sep 2007
    Posts
    8,452
    #14
    Tsaka what's the use ng paglinis ng windshield pag maulan na. Alam na nga nilang maulan eh sige pa rin ng linis. Minsan may gumanyan sa akin sa Bonifacio cor. North Cemetery. Bigla kong nagspray sa windshield sabay wiper. Pabuhos na sana yun bata pero hindi na niya tinuloy. Kaso ang nakakainis na part, kakalinis ko lang ng sasakyan ko :um:

    Sent from my GT-N7100 using Tapatalk 2

  15. Join Date
    May 2012
    Posts
    1,042
    #15
    Quote Originally Posted by testament11 View Post
    Bigla kong nagspray sa windshield sabay wiper. Pabuhos na sana yun bata pero hindi na niya tinuloy. Kaso ang nakakainis na part, kakalinis ko lang ng sasakyan ko :um:

    Sent from my GT-N7100 using Tapatalk 2
    That might just work... magawa nga pag nasalubong ko nanaman ang squad mamaya sa MIA Road. hehehe...

  16. Join Date
    Nov 2008
    Posts
    4,642
    #16
    Quote Originally Posted by cpsolt View Post
    That might just work... magawa nga pag nasalubong ko nanaman ang squad mamaya sa MIA Road. hehehe...
    Muriatic acid dapat laman ng reservoir mo pag pinunasan pa rin salamin mo.


    Sent from my iPhone using Tapatalk

  17. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    1,119
    #17
    Madami sila sa Quirino Ave papuntang Osmena.

    One time hindi mainit ulo ko at nakita ko na mukhang mabait yung bata so pinabayaan ko lang at binigyan ko ng barya. Nang nagpasalamat siya, sabi ko na may sabon pa naiwan sa kabila side, ayun pinunasan naman niya. Mabait na bata talaga hehe

  18. Join Date
    Oct 2004
    Posts
    62
    #18
    Yung along Quirino and Osmena hi-way mga teenager na na pwede na mag trabaho, ewan at bakit ayaw mag banat ng buto. First time ko hindi ako talaga tinantanan kahit sinabi ko na na huwag. Minura pa ako ng hindi ko bingyan, bababain ko sana kaya lang baka salisihan naman ako ng maga kasama, next na daan ko dun ganun pa din ayaw umalis sa bintana ko.
    Ang ginawa ko kinuha ko yung folding knife ko and pinapakuha ko yung barya sa tapat ng steering wheel para sasaksakin ko tlga yung braso nya pag pinasok. Nagtaka sya kung bakit dun ko pinapakuha, nakahalata and umalis na lang ng bubulong bulong. ka stress...

  19. Join Date
    Mar 2011
    Posts
    31
    #19
    Intersection ng Araneta and Aurora Blvd. tapat ng SM Centerpoint. Just a few hours back talagang hinde ako tinigilan miski mag busina and knocked on my window signaling na "huwag". So para hinde na lang ituloy, inabutan ko ng coins apat na tig piso plus may mga .25 centavos cents, tinapon pa yung mga .25 cents, choosy ang mga loko.

  20. Join Date
    Mar 2009
    Posts
    21,667
    #20
    Nakakagago dyan sa quirino may pulis lang sa kanto hindi man lang sitahin mga bata. Obvious naman na nandun mga paslit na nambuburaot ng kotse

    Sent from my GT-P7310 using Tapatalk 2

Tags for this Thread

Wind Shield Squad