New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 2 of 3 FirstFirst 123 LastLast
Results 11 to 20 of 21
  1. Join Date
    Nov 2007
    Posts
    2,566
    #11
    dami tlaga balasubas sa daan.. at least you keep your temper let Karma do the paying

    O.T
    dito sa amin may kapitbahay kami nakabili ng motor, eh di pa ata halos marunong mag motor ..
    1. pag pasok sa village (eh since matarik ung papasok ) sumemplang sya
    2. nung nakapasok na, since may sharp curve sumemplang ulit
    3. nung paakyat naman muntik naman na nya mabunggo ung poste
    - kaya ang LTO natin panalo tlaga sa pag issue ng lisensya


    this kind of Rider ang nakakatakot sa daan

  2. Join Date
    Jun 2009
    Posts
    6
    #12
    nangyari din sakin yan dati kaso nung inabutan ko sya sa parking pinagsisipa ko pintuan nya pero ayaw pa rin lumabas. dumating yung mga guards para awatin ako tsaka hulihin pero nung inexplain ko na sa head security nila napagalitan pa yung mayabang na driver.

  3. Join Date
    Dec 2009
    Posts
    1
    #13
    Quote Originally Posted by xtremerider View Post
    Fellow tsikoteers;

    Beware of the car Honda Civic model 2007, color alavaster silver with Plate no: ZLB958...

    Heres the story:

    I was trying to cross the other side of the road just this morning when the driver of this car almost try to hit me. He's fast approaching and trying to park at the building parking...

    Nasa bungad lang ako ng entrance parking nung building ng bigla syang kumabig ng hindi man lang nag menor...Maraming nakakita sa behavior nitong "ewan ko kung san natutong mag drive ito"...

    Sa driver nitong Civic..."Pare...sa susunod kung 'na ta2x e' ka man eh mag dahan dahan ka! Hindi lang ikaw ang may sasakyan. At wag sanang mangyari sau yang ginawa mo sakin eh matuluyan ka pa...Mag ingat ka sa pagmamaneho mo at bawasan mo yang yabang sa katawan.
    I accept with information:it happens around 6:45 am today, yong mga nakakita nga tinanong pa ko kung kilala ko daw at nag bibiro lang na sasagasaan ako! but he did try...umiwas na ako pero dun din sya pumunta sa pupuntahan ko.
    ___________________________
    Courtier conseil financement immobilier achat | Demande credit simulation plan de financement immobilier | Calcul pret projet financement immobilier travaux

  4. Join Date
    Apr 2008
    Posts
    537
    #14
    last year naranasan ko na rin sa car park sa SM north ng naantay ako ng aalis na sasakyan sa isang slot na parking space dahil kasi magpapasko kasi nun at nagkataon sale nun at kasama ko ang mga kapatid ko at tatay ko.

    habang nagiikot ako may nakita akong isang magpamilya na pasakay sa isang van syempre ang ginawa ko dali-dali ako gumawi sa nasabi ko at nung nandoon na ako wala naman sasakyan ibang nag aantay syempre pumarada ako malapit sa paalis na sasakyan sabay baba sa kotse at tinanong ko kung paalis na sila sumagot naman sa akin oo.

    nung nakaalis na inihanda ko na ang sasakyan ko para iparada sa parking slot na may umalis na sasakyan at ang ginawa kong pag parada ay paatras dahil nga kasi pag umalis na ako sa paradahan ay madali na lang dahil nakaporma na nga naman ang sasakyan ko na paabante palabas sa pinaparkingan ko.

    kaso nung paatras na ako bigla na lang na may nagmamadaling pumaparada sa paparadahan kung at tipong nagmamadali dahil narinig ko pa ang gulong na pinakamot pa pero dahil sa medyo naka una na ang likod ng sasakyan ko at paparating palang na may kabilisan parehas kami hindi magkasya sa isang slot, bigla naman baba ang driver na nasabi kong sasakyan na nagpakamot pa ng gulong bago mang agaw ng paradahan at ang sabi " pre nakita mo naman na medyo nakauna na ako sa'yo at isa pa kanina pa kami nag aantay dito habang nag-iikot sa buong floor ng paradahan na'to, ano ka ba?"

    pero ang sabi ko naman " pre obvious naman na nakikita mo ang paraan ng pag pag-parada ko paatras so ibig sabihin nyan ay kanina pa ako nag aantay dito at isa pa kaya ganyan din ang porma dahil kanina pa ako nakahinto dito dahil ako lang ang nag-aantay ng nakahinto ang sasakyan" pero hindi naman ako nagtaas ng boses nung sabihin ko yun pero yun nakainitan ko sobrang taas ang boses kulang nalang ay tangayin ako sa lakas ng tono nya.

    tapos kinuha ang baril nya sa loob ng kotse nung makita naman ng mga kapatid ko at tatay ko dali naman silang bumaba at hinawakan ang cellphone w/ cam para yung iba kukunan sya pic at pati plate no. sa kotse nya at yun iba naman ay tatawag sa pulis..... kinabahan ako maski papaano nun dahil ang ikinatatakot ko baka madamay ang isa sa mga kapatid ko or yun tatay ko pero buti na lang pagkuha ng baril sabay isiniksik lang sa pantalon nya, kahit ganun lang ang ginawa nya ay alisto pa rin ako sa kung ano ang magyayari at nagsalita sya ng ganito " ano gagawin natin dito mag-mamatigasan na lang ba tayo dito? " sabi ko naman kayo kung ano ang gusto nyo kung ang patigasan ba natin walang alisan ng sasakyan?...... aba sige!"

    pagkatapos kong sabihin yun gusto na sana iwanan ang sasakyan at sabihan pa kami na "bahala na kayo dyan" ang sabi ko naman "bahala talaga kami dito, basta ba walang sisihan ha?" mga ilang segundo lang sya rin ang hindi nakatiis at galit na inalis ang sasakyan at may banta pa na ganito " may araw ka din ", nung nagsabi pa sya nun tipong nag aantay pa ng sagot dahil hindi pa sya umaalis kaya sinagot ko rin sya ang sabi ko naman na papilosopo " talagang may araw ako kung gusto mo buwan at taon pa, baka ikaw wala yan" sabay alis sya.


    akala ko matapang talaga dahil may baril yun pala parang panakot lang nya yun at akala naman nya basta basta naman matataranda or mawawala sa focus sa oras na makita ko ang baril nya.

  5. Join Date
    May 2009
    Posts
    564
    #15
    Mas bagay yata yang kwento mo sa "what you hate the most" or "parking etiquette" para di matabunan, magandang kwento e.

    Tsk tsk tsk... another irresponsible gun owner-- makes other responsible gun owners look bad.

    Bawal na bawal ang mga ginawa nya: una, pinakita nya FA nya. ONe should never display one's firearm in public places, that's stated in our PTCFOR. You can actually charge him with light threats kaya lang aksaya lang yun ng panahon since very light lang din ang punishment.

    Next, sinukbit nya sa pantalon nya. Bawal na din ang IWB as stated in our PTCFOR.

    Hay naku... sana naputukan na lang yun sa itlog nya or kahit sa hita man lang para magtino.

    Can I use your post para post ko din sa mga PROGun sites na pinupuntahan ko? Sana mabasa nya para mahiya naman sya sa balat nya.

    TIA!

  6. Join Date
    Sep 2008
    Posts
    102
    #16
    *boy_tino: ^^di ka natakot na baka balikan nya yung sasakyan nyo pag iniwan nyo na sa parking?

  7. Join Date
    Apr 2008
    Posts
    537
    #17
    Quote Originally Posted by praetor91313 View Post

    Can I use your post para post ko din sa mga PROGun sites na pinupuntahan ko? Sana mabasa nya para mahiya naman sya sa balat nya.

    TIA!

    cge i-post mo yan

  8. Join Date
    Apr 2008
    Posts
    537
    #18
    Quote Originally Posted by kerf View Post
    *boy_tino: ^^di ka natakot na baka balikan nya yung sasakyan nyo pag iniwan nyo na sa parking?


    hindi ako natatakot kung balikan nya ang sasakyan ko para makaganti man lang kahit sa sasakyan namin, pero ang ikinatatakot ko nung time na yun baka abangan kami sa labas ng SM para gumanti at pagbabarilin kami gaya ng sinabi ko ng una baka madamay pa ang isa sa mga kapatid ko or baka ang tatay ko ang madamay

    buti sana kung ako lang ang matatamaan ng bala or mapapatay ok lang kasi ako naman ang naka enkuwentro nya.


    kung sasakyan lang ang gagawan nya ng masama or gagantihan nya maaari magalit din ako pero kasi pag ganung sitwasyon mas nilalawakan ko pa ang isip ko, kasi para sa akin buhay pa rin ang mahalaga lalo na yun buhay ng kasama mo na wala namang kinalaman alitan, di ba?

    kung sakali man ginawa nyang balikan ang sasakyan ko para doon ibuhos ang ganti nya sa akin lalo lang nyang pinatunayan na duwag sya at hindi nya kayang gantihan mismo ng harapan ang nakaalitan nya at isa pa pinalabas nya rin na para syang batang inagawan ng kendi or laruan na wala namang value ng kanyang kalaro in short isip bata sya kung ganon.

    ang sasakyan napapalitan kahit sabihin pa natin na ginastusan mo ito or pinahalagahan mo pa ito ng sobra, pero ang buhay hindi napapalitan kahit kelan.

  9. Join Date
    May 2008
    Posts
    62
    #19
    Dapat i-post mo parin yung description nung naencounter mong hampas lupang driver. (e.g. plate no, model ng sasakyan, itsura ng supot na driver) Kahit na walang ginawa sa inyo, the fact na nag threaten sya, e dapat mabigyan ng warning ang lahat ng tsikoteers regarding sa barbaric behavior nito. ang sarap siguro balitaan pag nasa news na yang driver na yan na nahulian ng illegal possesion of firearms or frustrated murder.

  10. Join Date
    Jan 2009
    Posts
    981
    #20
    Dami talagang mayabang porke me baril.

Page 2 of 3 FirstFirst 123 LastLast
Wild Driving