last year naranasan ko na rin sa car park sa SM north ng naantay ako ng aalis na sasakyan sa isang slot na parking space dahil kasi magpapasko kasi nun at nagkataon sale nun at kasama ko ang mga kapatid ko at tatay ko.

habang nagiikot ako may nakita akong isang magpamilya na pasakay sa isang van syempre ang ginawa ko dali-dali ako gumawi sa nasabi ko at nung nandoon na ako wala naman sasakyan ibang nag aantay syempre pumarada ako malapit sa paalis na sasakyan sabay baba sa kotse at tinanong ko kung paalis na sila sumagot naman sa akin oo.

nung nakaalis na inihanda ko na ang sasakyan ko para iparada sa parking slot na may umalis na sasakyan at ang ginawa kong pag parada ay paatras dahil nga kasi pag umalis na ako sa paradahan ay madali na lang dahil nakaporma na nga naman ang sasakyan ko na paabante palabas sa pinaparkingan ko.

kaso nung paatras na ako bigla na lang na may nagmamadaling pumaparada sa paparadahan kung at tipong nagmamadali dahil narinig ko pa ang gulong na pinakamot pa pero dahil sa medyo naka una na ang likod ng sasakyan ko at paparating palang na may kabilisan parehas kami hindi magkasya sa isang slot, bigla naman baba ang driver na nasabi kong sasakyan na nagpakamot pa ng gulong bago mang agaw ng paradahan at ang sabi " pre nakita mo naman na medyo nakauna na ako sa'yo at isa pa kanina pa kami nag aantay dito habang nag-iikot sa buong floor ng paradahan na'to, ano ka ba?"

pero ang sabi ko naman " pre obvious naman na nakikita mo ang paraan ng pag pag-parada ko paatras so ibig sabihin nyan ay kanina pa ako nag aantay dito at isa pa kaya ganyan din ang porma dahil kanina pa ako nakahinto dito dahil ako lang ang nag-aantay ng nakahinto ang sasakyan" pero hindi naman ako nagtaas ng boses nung sabihin ko yun pero yun nakainitan ko sobrang taas ang boses kulang nalang ay tangayin ako sa lakas ng tono nya.

tapos kinuha ang baril nya sa loob ng kotse nung makita naman ng mga kapatid ko at tatay ko dali naman silang bumaba at hinawakan ang cellphone w/ cam para yung iba kukunan sya pic at pati plate no. sa kotse nya at yun iba naman ay tatawag sa pulis..... kinabahan ako maski papaano nun dahil ang ikinatatakot ko baka madamay ang isa sa mga kapatid ko or yun tatay ko pero buti na lang pagkuha ng baril sabay isiniksik lang sa pantalon nya, kahit ganun lang ang ginawa nya ay alisto pa rin ako sa kung ano ang magyayari at nagsalita sya ng ganito " ano gagawin natin dito mag-mamatigasan na lang ba tayo dito? " sabi ko naman kayo kung ano ang gusto nyo kung ang patigasan ba natin walang alisan ng sasakyan?...... aba sige!"

pagkatapos kong sabihin yun gusto na sana iwanan ang sasakyan at sabihan pa kami na "bahala na kayo dyan" ang sabi ko naman "bahala talaga kami dito, basta ba walang sisihan ha?" mga ilang segundo lang sya rin ang hindi nakatiis at galit na inalis ang sasakyan at may banta pa na ganito " may araw ka din ", nung nagsabi pa sya nun tipong nag aantay pa ng sagot dahil hindi pa sya umaalis kaya sinagot ko rin sya ang sabi ko naman na papilosopo " talagang may araw ako kung gusto mo buwan at taon pa, baka ikaw wala yan" sabay alis sya.


akala ko matapang talaga dahil may baril yun pala parang panakot lang nya yun at akala naman nya basta basta naman matataranda or mawawala sa focus sa oras na makita ko ang baril nya.