New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 20 of 21
  1. Join Date
    Jan 2012
    Posts
    25
    #1
    Mga Bossings corious lang ako...alin kaya ang pinaka madalas makita sa daan at mga parking areas? ako madalas ako makakita ng sasakayan na bagal bagal naman nakababad sa left lane and sa parking yung bang parang walang pakealam sa mundo..basta nakapark sya hindi na iniisip ung iba..kayo ano naencounter nyo today??

  2. Join Date
    Dec 2009
    Posts
    469
    #2
    Today and everyday, same drivers pa din. May ugok meron hindi. Brand new at lumang sasakyan na hindi marunong mag signal at bigla ka i-cut. Meron pagka signal gusto change lane kaagad. Puv's na nagmamay-ari ng kalsada. 2wheels na walang pakialam at biglang liliko.

    Pero sa tv, iba daw talaga ang pinoy. Mababait, palangiti at pang laban sa buong mundo ang talent. Nagiging ugok lang pag may hawak na manibela.

  3. Join Date
    Jun 2012
    Posts
    4,447
    #3
    number 1 ang jeep. basta pag nasa likod ka ng jeep extra careful. hindi mo alam kung ano ang balak gawin e. bigla magturn, stop, anywhere, anytime. tapos yung mga tricycle at pedicab na sige lang sa counter flow sa malalaking daan na mabibilis ang sasakyan. buti sana kung eskinita lang, e hindi e. malalaking daan

  4. Join Date
    Jan 2011
    Posts
    445
    #4
    Quote Originally Posted by frake View Post
    Today and everyday, same drivers pa din. May ugok meron hindi. Brand new at lumang sasakyan na hindi marunong mag signal at bigla ka i-cut. Meron pagka signal gusto change lane kaagad. Puv's na nagmamay-ari ng kalsada. 2wheels na walang pakialam at biglang liliko.

    Pero sa tv, iba daw talaga ang pinoy. Mababait, palangiti at pang laban sa buong mundo ang talent. Nagiging ugok lang pag may hawak na manibela.
    Ugok lang ang pinoy driver pag nasa pinas.

  5. Join Date
    Jul 2009
    Posts
    10,310
    #5
    As usual mga jeepney driver, sa sobrang dalas ng pagkabarumbado magmaneho ng jeepney driver eh bunting hininga na lang ginagawa ko.

  6. Join Date
    Feb 2010
    Posts
    558
    #6
    numero uno dyan yung mga puv drivers! mga sakim sa daan! nakagitna ambagal bagal! di man lang itabi pag magsasakay o magbababa! kung maka cut pa eh kala mo daig pa tinatakasan si kamatayan! jeep, bus, tricycle ganyan sila lahat. hahapitin ka pa pag lulusot o tatawid ka maipilit lagi.

    mga (feeling bigatin) naka navy sticker o pnp eh kala mo kung sino umasta sa kalsada.

    mga mabilis takbo tapos babagalan na parang may libing tapos pag lulusot ka hahataw gigitna pa.

    mga nakikipagdaldalan sa kakilala nila sa daan.

    mga naka motor na kala mo ducati dala kung tumakbo, singit dito singit dun, pag nakasabit sila pa magagalit di daw pinagbigyan.

  7. Join Date
    Jan 2012
    Posts
    25
    #7
    kanina galing ako drug store..hindi agad ako nakapark paikot ikot pa ako before nakapark...ang nakapark lang sa harap ng drug store is a motorcycle...occupied nia ang laki..

  8. Join Date
    Apr 2012
    Posts
    186
    #8
    Mga jeep na hindi na nagbubukas ng headlight sa gabi.

  9. Join Date
    Mar 2009
    Posts
    21,667
    #9
    I travel along EDSA everyday so (thankfully) jeepneys & freaks on three wheels are the least of my concern. Pinaka-badtrip ako unang una sa mga bus. Of course, morning, sobrang traffic. Two things they will do -- it's either they try to squeeze in the tightest of spots or "park" diagonally along EDSA creating more traffic for everyone.

    I also hate the fact that the number of buses that go along EDSA are more plenty than they should be.

    Next would be motorcycles, not along EDSA though. They're literally everywhere and care less about other motorists. They weave in and out of traffic like there's tomorrow! From the looks of it, they also care less about their safety. Sabagay kapag sumemplang naman sila kahit sila may kasalanan tayong naka-kotse ang magbabayad!

    Then come the taxi cabs. It seems that they don't understand the phrase "give way..."

    Then the people on bicycles. They're basically like people on motorcycles just slower & more annoying.

    Of course the people on private cars who also doesn't know the words "give way..." are on the list. But more often than not, they are driven by family drivers which I already expect to be like taxi drivers.

    After all this ranting, is there actually something new about this? Guess not.

  10. Join Date
    Jun 2012
    Posts
    85
    #10
    i dont know pero may personal grudge ako against PUVs. i just hate it pag nag signal yung jeepney na magchchange lane tapos papa lusot mo tapos di pa nakaka 10 meters eh biglang brake sa harapan mo para mag baba ng pasahero. kaya pag nag signal na yang mga ugok na yan, inuunahan ko na.

    i also hate motorcycles weaving thru traffic yung tipong kelangan mong titigan ang side mirror mo kung sasabit ba sila. pag nasabit nga kamot sa ulo lang aabutan mo walang hiya.

  11. Join Date
    Oct 2006
    Posts
    219
    #11
    Ako kanina yung sonata na Puti sa may timog avenue. Nagmamadali yata tas bumusina para makasingit dun sa isang kotse, kaso nung sa akin sisingit, di ko pinasingit, binusinahan ko, pero isiniksik pa din yung kotse nya. Nung mauna sa akin, nagmabagal at palaging nagpe preno parang naghahamon. Muntik ko na tuloy mabunggo yung likod nya dahil sa kagaguhan nya. Nainis siguro sa lakas ng busina ko hehe- black na Bosch Europa.

    Tnq 124 plaka nya, nakapangalan sa APC chemical industries sa may ortigas, kala nya di ko sya mate trace. At ang matindi pa, walang plaka sa likod, ang nakakabit sa likod nya eh euro plate.

    May araw ka din, white sonata tnq124, may makakatapat ka din, Bwiset ka

  12. Join Date
    Jul 2009
    Posts
    10,310
    #12
    Sa edsa, pag siniksik sila sa right side nila, ang gagawin sisiksik din sa left side naman nila. Buti kung may signal, wala naman.

    And the usual na ang laki ng puwang nila, pero pag lilpat la na sa lane nila pagsignal bigla ihaharurot at itututok sasakyan nila with matching busina pa at flash ng headlight.

  13. Join Date
    Aug 2010
    Posts
    224
    #13
    Most drivers talaga inconsiderate..
    Kung lagi lang iisipin sana ang kapuwa at kaligtasan ng bawat isa eh mas maayos ang lahat ng biyahe hehe..

  14. Join Date
    Dec 2009
    Posts
    469
    #14
    kahapon, tricycle ng mineral water, as in bumper to bumper ang traffic, talagang siniksik nya. tinignan ko yung driver pero hindi tumitingin sa'kin. sa isip-isip ko, eto yung mga driver na kala nila tama yung ganyang pag kasya eh sinisiksik yung gulong (or bumper) para pag andar eh mahaharangan nya yung siningitan nya. eh kasama ko si misis, kung papatulan ko yun, malamang pagbalik ko ng sasakyan may kaaway din ako (si misis). eh wala akong panalo dun sigurado..hehe

  15. Join Date
    Oct 2010
    Posts
    309
    #15
    sarili lang kasi iniisip. ganyan lagi pag sa daan, sarili lang iniisip, ako lang ang tama. mali mga.

  16. Join Date
    Jan 2004
    Posts
    121
    #16
    Quote Originally Posted by eminem6480 View Post
    Mga jeep na hindi na nagbubukas ng headlight sa gabi.
    To me, this is very annoying.

  17. Join Date
    Aug 2009
    Posts
    178
    #17
    Quote Originally Posted by e1kad2 View Post
    To me, this is very annoying.
    Ang dami ng ganito along Pasong Tamo Extension in Makati. Police and MAPSA are just letting them passed by them.

    This morning, along the intersection of BCDA Diego Silang along C5 near PEtron Gas Station, a car asking for an address from a trike driver, at the center of the intersection.....only in the Philippines.. Good Pm.

  18. Join Date
    Nov 2007
    Posts
    695
    #18
    sumakay ako fx on my way home sa pasig.sa ayala pa lang barubal na magmaneho yung driver with jack rabbit stop and go habit sobrang nakakahilo.nakikipag unahan sa mga kapwa fx driver,singit dun singit dito ang style ni manong kahit minsan almost sasayad na sya sa ibang kotse.and to my surprise bago ako makauwi inabot sa akin ang bente pesos lipat na daw ako fx kase trapik balik na ulit sya.bwisit talaga to kargado at ito ng droga!

  19. Join Date
    Mar 2012
    Posts
    1,945
    #19
    A very small portion na lang ng population ang responsible and courteous drivers... its sad to see na everyone else dont know the word "give way" I've tried to be polite to fellow road users as much as possible but what i hate most about is yung mga mahilig mag flash ng ilaw kahit kita naman nilang trapik at wala ka ng iuusad pa.. next are the fortuner drivers na sobrang yabang sa kalsada, pipinahan ka talaga na kala mo di takot makipagbanggaan na parang pedicab lang dala nila... and those na kahit nakasignal ka na ng may isang minuto di ka pa rin pagbibigyan para makalipat man lang ng lane dahil may obstruction sa lane mo... I just dont get it.. pag ako naman i would give way, di naman mauubos ang kalsada bakit kelangang hindi ka mag give way?...

    we''ll to at least spun some humor on these, you might wanna read this.

    Types of drivers | Bad drivers | People who can't drive

  20. Join Date
    Jul 2009
    Posts
    10,310
    #20
    ^ guilty ako dyan minsan, sa mga nagsisignal na di ko pinagbibigyan, pero minsan lang naman pag mainit na ulo ko at sobrang trapik na, pero after that i feel guilty naman and i remind myslef na di dapat ganon, pero most of the time pinagbibigyan ko naman.

    pero di ko talaga pinagbibigyan eh yung change lane lang para makalamang, as in kita mo nakasampung change lane na sya. lalabas ng linya ko, papasok ng linya ko, lalabas ng linya ko, papasok ng linya ko, hellloooooo!

Page 1 of 2 12 LastLast

Tags for this Thread

Kinds of driver you encounter today?