New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 3 123 LastLast
Results 1 to 10 of 21
  1. Join Date
    Jan 2012
    Posts
    26
    #1
    Mga Bossings corious lang ako...alin kaya ang pinaka madalas makita sa daan at mga parking areas? ako madalas ako makakita ng sasakayan na bagal bagal naman nakababad sa left lane and sa parking yung bang parang walang pakealam sa mundo..basta nakapark sya hindi na iniisip ung iba..kayo ano naencounter nyo today??

  2. Join Date
    Dec 2009
    Posts
    469
    #2
    Today and everyday, same drivers pa din. May ugok meron hindi. Brand new at lumang sasakyan na hindi marunong mag signal at bigla ka i-cut. Meron pagka signal gusto change lane kaagad. Puv's na nagmamay-ari ng kalsada. 2wheels na walang pakialam at biglang liliko.

    Pero sa tv, iba daw talaga ang pinoy. Mababait, palangiti at pang laban sa buong mundo ang talent. Nagiging ugok lang pag may hawak na manibela.

  3. Join Date
    Jun 2012
    Posts
    4,448
    #3
    number 1 ang jeep. basta pag nasa likod ka ng jeep extra careful. hindi mo alam kung ano ang balak gawin e. bigla magturn, stop, anywhere, anytime. tapos yung mga tricycle at pedicab na sige lang sa counter flow sa malalaking daan na mabibilis ang sasakyan. buti sana kung eskinita lang, e hindi e. malalaking daan

  4. Join Date
    Jan 2011
    Posts
    445
    #4
    Quote Originally Posted by frake View Post
    Today and everyday, same drivers pa din. May ugok meron hindi. Brand new at lumang sasakyan na hindi marunong mag signal at bigla ka i-cut. Meron pagka signal gusto change lane kaagad. Puv's na nagmamay-ari ng kalsada. 2wheels na walang pakialam at biglang liliko.

    Pero sa tv, iba daw talaga ang pinoy. Mababait, palangiti at pang laban sa buong mundo ang talent. Nagiging ugok lang pag may hawak na manibela.
    Ugok lang ang pinoy driver pag nasa pinas.

  5. Join Date
    Jul 2009
    Posts
    10,217
    #5
    As usual mga jeepney driver, sa sobrang dalas ng pagkabarumbado magmaneho ng jeepney driver eh bunting hininga na lang ginagawa ko.

  6. Join Date
    Feb 2010
    Posts
    558
    #6
    numero uno dyan yung mga puv drivers! mga sakim sa daan! nakagitna ambagal bagal! di man lang itabi pag magsasakay o magbababa! kung maka cut pa eh kala mo daig pa tinatakasan si kamatayan! jeep, bus, tricycle ganyan sila lahat. hahapitin ka pa pag lulusot o tatawid ka maipilit lagi.

    mga (feeling bigatin) naka navy sticker o pnp eh kala mo kung sino umasta sa kalsada.

    mga mabilis takbo tapos babagalan na parang may libing tapos pag lulusot ka hahataw gigitna pa.

    mga nakikipagdaldalan sa kakilala nila sa daan.

    mga naka motor na kala mo ducati dala kung tumakbo, singit dito singit dun, pag nakasabit sila pa magagalit di daw pinagbigyan.

  7. Join Date
    Jan 2012
    Posts
    26
    #7
    kanina galing ako drug store..hindi agad ako nakapark paikot ikot pa ako before nakapark...ang nakapark lang sa harap ng drug store is a motorcycle...occupied nia ang laki..

  8. Join Date
    Apr 2012
    Posts
    186
    #8
    Mga jeep na hindi na nagbubukas ng headlight sa gabi.

  9. Join Date
    Mar 2009
    Posts
    21,667
    #9
    I travel along EDSA everyday so (thankfully) jeepneys & freaks on three wheels are the least of my concern. Pinaka-badtrip ako unang una sa mga bus. Of course, morning, sobrang traffic. Two things they will do -- it's either they try to squeeze in the tightest of spots or "park" diagonally along EDSA creating more traffic for everyone.

    I also hate the fact that the number of buses that go along EDSA are more plenty than they should be.

    Next would be motorcycles, not along EDSA though. They're literally everywhere and care less about other motorists. They weave in and out of traffic like there's tomorrow! From the looks of it, they also care less about their safety. Sabagay kapag sumemplang naman sila kahit sila may kasalanan tayong naka-kotse ang magbabayad!

    Then come the taxi cabs. It seems that they don't understand the phrase "give way..."

    Then the people on bicycles. They're basically like people on motorcycles just slower & more annoying.

    Of course the people on private cars who also doesn't know the words "give way..." are on the list. But more often than not, they are driven by family drivers which I already expect to be like taxi drivers.

    After all this ranting, is there actually something new about this? Guess not.

  10. Join Date
    Jun 2012
    Posts
    85
    #10
    i dont know pero may personal grudge ako against PUVs. i just hate it pag nag signal yung jeepney na magchchange lane tapos papa lusot mo tapos di pa nakaka 10 meters eh biglang brake sa harapan mo para mag baba ng pasahero. kaya pag nag signal na yang mga ugok na yan, inuunahan ko na.

    i also hate motorcycles weaving thru traffic yung tipong kelangan mong titigan ang side mirror mo kung sasabit ba sila. pag nasabit nga kamot sa ulo lang aabutan mo walang hiya.

Page 1 of 3 123 LastLast

Tags for this Thread

Kinds of driver you encounter today?