benta ko na lang wang-wang ko. baka may gusto.![]()
May pwede ba tayong sendan nang list or pics or videos na nag wang wang, wala namang emergency or isang high profile na bigla dumaan tapos naka wang wang?
kse, na isip ko din. maganda may isang gov office na mag asikaso sa mga bagay na ito.
HTH
email mo pre kay bogeyman... :DOriginally posted by axishift
May pwede ba tayong sendan nang list or pics or videos na nag wang wang, wala namang emergency or isang high profile na bigla dumaan tapos naka wang wang?
kse, na isip ko din. maganda may isang gov office na mag asikaso sa mga bagay na ito.
HTH
wow pati motor may wang wang.... sabitan nga natin pag daanOriginally posted by quiksie
may naencounter ako niyan kahapon lang.
I was driving my dad's pajero. May umovertake sa akin na motor. Inunahan niya kami kasama na yun sa harapan ko. Dahil mabagal ang kotse sa harap ko ive decided to overtake the slow car infront of me.
Si motor malayo palang nasa kabilang lane nagswerve para lumiko e ang layo pa ng likuan niya isa pa hindi siya sumignal. Ayun binusinahan ko Dahil oovertake ako. Nung nasa likod na siya biglang nagwang wang ang gago. Parang pinagtakpan ang kanyang katangahan. Ordinary na motor lang yun may wang wang pa! Tigilan ko sana pero malayo na ako.![]()
i think yung new tv patrol can accept those kind of videos. may segment kasi sila doon titled "citizen patrol" wherein ikaw yung gagawin nilang reporter, the you report the illegal usage of such things.
okay lang ba magre-report ako pero naka maskara ako para hindi ako balikan nung niri-report ko?![]()
talo kayo sa nangyari sakin last year..may nag u turn na taxi kinain ang buong kamias...binusinahan ko nang matagal....aba..WINANGWANGAN AKO!!!
diko alam kung ano gagawin ko eh..natameme talaga ako!
cool lang mga people.... mag hi blood na kayo kung mga calesa at pedicab dito sa binondo ang may wangwang na..
*glenn, baka lispu yung may-ari/driver
nung sat naman sa may juan luna, binondo, may revo na gustong sumingit sa kin, hindi ko pinasingit kasi kasusulpot niya pa lang sa may eskinita, ako e may ilang minuto nang nakapila sa trapik, aba, wangwang boy pala
akala yata matatakot niya ko, e matagal na kong takot. sitting pretty lang ako, habang wangwang siya nang wangwang.
ok tenks!Originally posted by mazdamazda
email mo pre kay bogeyman... :D
Gray Honda Civic hatchback with plate number TFY-801.
This was the car that some low-life a*hole was driving this morning along the stretch of Marcos Highway, between Masinag and Sta. Lucia. Pinatunog yung kanyang wang-wang para lang makalusot sa trapik.
Swerte lang niya nasa gilid ako. Kung nagkataong ako yung nasa harap niya, 'di ako tatabi. Hayaan kong maubos yung baterya niya kaka-wangwang, bwehehehe.
EDIT: Anyone who's willing to report any illegal/abusive use of sirens and blinkers, PM me and I'll hook you up with our News division.
Last edited by Bogeyman; December 6th, 2004 at 06:49 PM.
ako nung isang araw... highlander na pampasehero... nag wang-wang sa likod ko para makalusot.
ano siya hilo? hahaha...
kanina namang umaga... may nakasabay akong nissan terrano... naka on ang hazard and headlights para maka lusot. nung nasa Kamias na kami eh pinatay rin niya at wala namang pumapansin sa kanya...
Just yesterday on my way home from work a white Expe with converted Patrol back-up coming out of Miriam was driving with all it's Wang Wang glory... mga pasahero? High school kids from Miriam (bukas pa yung bintana nila).
kagabi...
Gen3 Pajero backed up by a Gen2.5 Pajero (hazard lights on). imbis na i-follow lang niya ng tahimik yung Gen3, puro wang-wang nang wang-wang.
namfutik... kailangan mo pa ba ng wang-wang para sundan ang nasa harap mo? eh kahit ako hindi ko kailangan ng wang-wang para dikitan ko yung nasa harap ko at walang makasingit.
tapos, napansin ko... ang daming sasakyan na nakakasingit in between them (sa inis siguro)... tapos nung ako ang napagitna sa kanila, wang wang si Gen2.5. hehehe...
Kainis no!? ang maganda dyan mapadaan sa squacking area tapos hagisan ng poopoo or weewee... tanggala, ang YAYABANG!Originally posted by vinj
Just yesterday on my way home from work a white Expe with converted Patrol back-up coming out of Miriam was driving with all it's Wang Wang glory... mga pasahero? High school kids from Miriam (bukas pa yung bintana nila).
mga hunghangs, baka mas malaki pa ang TAX na binabayaran namin keysa sa inyooo!
Encountered another wang-wang boy last weekend... this time a brand new Toyota Rav 4 na white with wrap-around 3M Magic tints (wala pang plates, he had a Toyota Marikina dealer plates i think).
I first heard his wang wang when we were crossing onto Katipunan from Proj. 4... when we were on Katipunan, wang wang ulit then he tried to pass me on on my left side (although i was already on the left most lane, there was a slight space for him to squeeze in as we we're crossing an old intersection that had been blocked off near Quirino hospital heading towards Katips flyover, ginigitgit talaga ako) being in a not so forgiving state (ooopppss... bad Vinj), i did not let him pass so he almost hit the center island. After that, he passed me on the right side and tried to scare me by swerving onto my side (oooohhh i'm scared... :P).
Honestly, had he been more obedient and kind on the road by not using his siren, properly signalling and maybe flashing his lights behind me to signal his intention to get ahead instead of making gitgit and trying to force me off my lane, i would have let him pass.
ang daming f*ck netong nasabi.Originally Posted by GlennSter
Sa totoo lang... ang dapat sisihin is yang "If you can't beat them, join them" attitude na yan.
True, dapat sisihin ang mga drivers na walang hiya
True, dapat sisihin ang mga government officials
True, dapat sisihin ang pedestrian
and true na dapat sisihin din ang mga wang wang boys. Sorry to say... isa ka na doon!
If you want to do the right thing, take it out. No one among us is to be a vigilante trying to intimidate anyone.
Another syndrome? How about "The boy who cried wolf" syndrome? Everytime may gumamit ng wang wang sa paligid ko degrades my willingness to let them go. Why? Kasi more and more people use it to just intimidate the other drivers. Wala naman talagang emergency eh.
Pag nakakita ako ng police vehicle on a sunday, na kasama pamilya, at si misis naka taas ang paa sa dashboard... inang yan.. di ko pagbibigyan yan!
Pare, if you're not part of the group who can legally and officially use these wang wangs... then you are using it inappropriately. There is no such thing as an appropriate use of these things if you're not part of that group.
Sabi mo nga, namana mo yang wang wang mo. Well buti pala walang gun rack yan nung nabili mo.
There's no legal way to avoid traffic nowadays. We just have to drive a bit smarter. I'm sure everyone here has an alternative route or a favorite lane to drive in.
Sorry to vent pero hate ko talaga mga wang wangers
pareng rastasega,
3rd post mo pa lang kaya pa-uunahan na kita. bawal ang flaming dito. gusto mo mag-siga punta ka sa likod ng bahay nyo, walisin mo ang kalat tapos saka mo sindihan. pero dito sa tsikot bawal yan flaming na yan.peace dude, cool lang.