my fellow tsikot readers and posters. bago pa lang ako nag post dito pero salamat sa mga sagot at reply niyo talagang nakakatulong. anyways just want to share an experience i had the other week. it was a sunday pauwi ako with my 2 year old daughter galing kami makati. well sa kalayaan ako nag daan para labas ako c5 kasi taga marikina ako. well habang nasa kalayaan my jeep na mabagal sa harap ko so umiwas ako nag swerve ako to the left kasi nasa leftlane ako. di ko napansin ung scooter na medyo nagitgit ko. nak namputsa galit na glit ang loko binusinahan ako na akala mo walang bukas. so bumusina din ako. tapos ang sama ng tingin. well akala ko tapos na aba pag dating sa intersection bigla akong hinarang at napapreno tuloy ako ng bigla sumalpok sa dashboard ang mukha ng baby ko so sa tingin niyo sinong hindi magagalit well hinarang niya ako tapos dinuduro ako. so syempre di ako nag patalo bigla ko inabante ang van ko natakot siya tapos bigla akong inukutan at tinabihan syempre mga tsongs lalake ako so nakipag murahan ako. so akala ko tapos nanaman un pala nag sumbong nak nam putsa ang dami nila parang mga 40ppplus na scooter n nag aabang sa c5 so medyo natkot na ako ang dami eh! hindi naman ako si superman. kahit ng sa batman baka pwede pa ako pumatol. well mayamaya pag dating dun sa stoplight sa tapat ng toyota ang dami ng nakapaligid sa akin na scooter buti na lang nag go! at hinarurot ko! buti na lang 2.0 na gas ang exceed na dala ko nung araw na iyon ang bilis ng andar namin mga 140! bwiset ang mga ito isa lang kaaway mo naging korenta! well share ko lang ito para alam niyo din na medyo hells angels na pala ang dating ng mga scooter group na ito! di mo pwede masagi at magagalit kaya dapat mag ingat ka sa kanila. kulang na lang sa kanila ung mg chainmail at mga baseball bat. bwiset talaga hagang honda libis my sumusunod un nga lang napansin niy siguro na iisa na lang siya ewan ko na kung ano nangyari. well guys and gals FYI lang.
galing ako da fort kanina.. mayroon akong nakita group of scooters. well, ang gagaling lang naman magdrive. wala akong time sa kanila pinauna ko na lang..
hmm..dee baka same gang din ung mga nakita ko kanina. dapat sa mga un binabaril. lalakas ng mga loob mag swerving eh.
i know that group, i'm a fellow scooter rider myself, once they tried to convince me to join them kse i used the same scooter as most of them kaya lang di ko type trip nila......
di naman sa nangungutya o kampi sa kabila...pero if I were in his shoes(scooter) and I was not really swerving or doing bad in my driving and here you are suddenly swerving up my front and almost hitting/killing me in an accident.....woudn't I be feeling the same way as he did? (actually I would feel the same way as he did!)
...I'll probably curse and confront you the same way as he did and probably ask help from the same scooter group as he might have done....
the things was....WAS IT THE SCOOTER GUYS FAULTS in the first place...hindi naman di ba?...it was you who was not driving properly (swerving to your right without checking if it was clear)
I think driving is a responsibility that everyone should know....even if you are on the right of way or did the wrong thing....
Maybe it might have not been that bad, if you admitted and apologized to him that you didn't saw him coming when you swerve to your right (because of that slow jeep)....who knows...
Just my two cents...hope not to offend you or anybody. Peace out.
yun na nga lang ang pasalamat ko. di kami napahamak. well mas maigi talaga eh mag ingat na lang at wag papainit ng ulo. last resort ko yung sagasaan ang mga hayop hehehe.
P.S.
tanung lang paano mo mapapastay sa car seat ang baby na super kulit hehehe.
give your kid a toy or perhaps something to eat. keep em strapped in her/his car seat at all times. also di dapat siya na sa front passenger seat nakapuwesto. Pero dahil nga kayo 2 lang sa van, parang ang hirap kung sa likod mo siya ilalagay. Pag medyo long distance yung travel, make sure me kasama pa kayo isa pa passenger to take keep your kid company sa likod.
regarding the scooter boys, i am glad di mo pinatulan yung 40 riders kundi kuyog ka. Ako pinapangalangin ko parahin yan ng flying squad tapos impound yung mga scooters nila.
A simple hand gesture of raising the whole palm inside or outside the vehicle will give a signal of apology or gratitude. If you did accidentally cut the scooter, raise your hand as if to tell the offended party that you are sorry.
Sometimes hand signals do work to let people know that you are cool headed driver. :D
i agree with wildthing, kung alam mong mali ka admit mo yung mali mo. di naman ata mahirap magsabi ng sorry eh. mas ok na yung iwas gulo lalo na may kasama kang bata.
Originally posted by Ungas A simple hand gesture of raising the whole palm inside or outside the vehicle will give a signal of apology or gratitude. If you did accidentally cut the scooter, raise your hand as if to tell the offended party that you are sorry.
Sometimes hand signals do work to let people know that you are cool headed driver. :D
Agree din ako sa mga sinabi ni Wildthing and Ungas.
Instead of binusinahan mo siya, mas tama kung apologize ka nalang, ngayon kung inasar ka parin after you apologized saka mo na murahin.
actually binusinhan niya ako. mga sir alm kong medyo nasingitan ko siya pero sino ba sa atin ang hindi pa nasingitn at lahat ba ng sumingit sa atin eh bubusinahan natin at haharangin. well alam kong medyo naging pabaya ako sa pag kabig pero mga sir alam naman natin ang kalsada dapat mag share tayo sa lahat at i love natin ang kapwa driver natin. di naman sinasadya. hehehe! pero will keep that in mind pero i am a polite and defensive driver i follow all the road rules. hehehe! naks drama. pero sa totoo lang aminin din niya matapang lang siya dahil madami sila. hehehe! ok ok siguro my kasalanan nga ako mahirap lang umamin. pero mga sir dapat kung sino lang ang nasagi mo siya lang magalit! hehehe! well nasa denial stage pa kasi ako eh! hehehe! basta ingat lang tayo sa kanila alam naman natin kung paano mag sisingit ang mga iyan baka my magaya pa sa akin. pero ung suggestion sa flying squad dapat nga siguro baka karamihan sa kanila eh wala pang lesensiya tapos ung iba sa kanila alang helmet. pero sa totoo lang nag sousour grape na lang ako! LET'S SHARE THE ROAD! peace man!
pare siguro minalas ka lang at isang gang yung nakalaban mo. I would have done the same thing if i was in your position. mali din naman yung ginawa nya na munura ka dapat binangga mo na lang
may ganyan sa maros hway!!... i was coming down on the road ng cogeo.. when these group of scooter guys.. convoy ek ek... came... dala ko was a van... syempre.. uso ang mga paghinto ng mga jeep sa gitna ng kalsada.. so dahan dahan naman akong kumaliwa para lumusot.. i was still on the right side of the road (2 lanes eh).. etong mga scooter guys na ito.. i guess malalakas ang loob. .sumalubong na.. ako.. dahan dahan pa rin sa paglipat s inner lane.. lusot na eh.. ayun.. busina.. wang wang "alarm".. isipin mo.. naglabasan na sa mga scooter na yun. in short.. na break ang convoy nila kasi they had to go back to our lane from counterflowing... aba!.. pilit pa rin silang overtake sa kaliwa at sa kanan.. para mabuo ang convoy... heto naman ako.. maluwan na sa harap.. nakagitnang gitna pa rin yung dlawang scooter na nasa harap.. subok akong umovertake.. nde kaya.. tangina.. ang luwang na sa harap.. ayaw pa rin magpalusot... nagsimula na silang magpatalong talon ng scooter (yung parang jerking movement of acceleration).. ako.. nakatingin lang.. mainit na ulo.. pero nde ako bumubusina or anything... just trying to find the opening where i can overtake... when i reached the intersection of cogeo and masinag.. well.. nauna na sila.. kasi ako naipit na ako dun sa mga jeepney dun eh...
ang kinaiinisan ko.. scooter na nga.. single file.. pero nakagitna pa sila na tipong both lanes are occupied.. bwiset!!... ang liit liit na nga ng sasakyan nila.. para pa rin silang mga truck ng basura kung makakain ng kalsada....
P.S... ang kawawa sa laaht ng ito.. yung mga kasama ko sa van. .hehee. puro mura ang narinig nila sa akin.. bwahaha....buti na lang nde rinig sa labas yung mura ko...:p