New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 4 1234 LastLast
Results 1 to 10 of 35
  1. Join Date
    Oct 2007
    Posts
    423
    #1
    Yesterday, I went to a store to buy cigarettes. While walking home, I saw a L300 FB breakdown due to a flat tire. It was a service vehicle for students. The dirver was taking out his jack (nalimutan ko tawag dun sa jack nya. yung di ikot) to change the tire. So sa harap ng bahay ng kapitbahay ko nasiraan di ba? Abay di tinulungan. Pinanood lang? Andaming bata ang nasa loob ng van na bumababa then pinanood yung driver. Yung kapitbahay ko naman, nagbubutingting ng makina ng kotse. I know for sure that he can give a hand to the driver by just getting a crocodile jack to make it easier for him. I also know that he has one because he's a car enthusiast and mahilig mangalikot ng kotse. Tinanong pa nya sa driver, "Nasiraan ka ba manong? ( Ay g*go, obvius ba?). Sa inis ko, kahit na 4 houses away pa yung bahay ko, umuwi ako agad then naglabas ng crocodile jack. I helped the poor driver to change the tire para makauwi na yung mga bata. Ang hirap ng magulang na nag aalala kung nasan na anak nila di ba?
    It really feels good to help other people. Lalo na pag appreciated ka. (Sabi nung mga bata "Kuya thank you po! sabay sabay pa sila. Cute.)
    Pero the point here is talagang nairita ako dun sa kapitbahay ko. Walang malasakit sa ibang tao. Panonoorin mo lang? Tatanungin mo pa? Sarap sapatusin kahapon e.
    Talaga bang ganito na ang Pinoy ngayon? Wala na ba tayong "Good Samaritan" factor?

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,306
    #2
    Wag mo lahatin ang mga Pinoy. Ikaw tumulong ka diba? Hindi ka rin ba Pinoy?

  3. Join Date
    Sep 2007
    Posts
    1,456
    #3
    Marami na ring mga apathetic na mga tao ngayon. Pero nung tinirik ako ng kotse last year me tumulong pa naman sa akin (lakas ng ulan noon and 11 pm na ng gabi).

  4. Join Date
    Oct 2007
    Posts
    423
    #4
    I'm not generalizing. I'm just stating a point.

  5. Join Date
    Feb 2007
    Posts
    134
    #5
    marami kasing tao dyan na ang motto sa buhay e "kanya kanaya lang"...
    i'm happy na meron pang tao tulad ng ts... bow ako sayo...
    kaya nga i just try to judge people by their actions...
    sa bandang huli aabutan din yan ng karma... at least ikaw good karma...

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,306
    #6
    We shouldn't judge others so abruptly. Madaming pwedeng rason kung bakit hindi sya tumulong.

    -Malay mo wala yung crocodile jack nya? Hiniram? Nasira? Nawala or ninakaw?

    -Malay mo minamadali na nya yung binubutingting nyang makina kaya hindi na sya makatulong?

    -Malay mo he had a long day at work at pagod na sya?

  7. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    2,979
    #7
    apathetic na nga siguro karamihan sa mga kababayan natin. hanggang hindi sila directly affected, hindi na makikialam. Had some experiences na nakakabwisit talaga.

    There was this one incident kung kelan may tumumba na mama sa gitna ng busy na kalsada and instead na lapitan at tulungan eh pinanood lang ng mga tao. yun mga sasakyan iniwasan lang. hindi ko lang maintindihan kung bakit walang tumulong since sobrang busy nung area at maraming pulis so hindi mo talaga iisipin na magnanakaw or modus operandi. tapat pa sya ng simbahan at medyo trapik yun area. wala man lang tumigil at nagtanong sa mama kung ano ba nangyari. pati yun guard sa mcdo at mga manager pinanood lang. Kahit na malayo ako eh tinakbo ko yun mama dahil akala ko eh inatake sa puso. I was just using my underbone bike and im with my wife. we pulled the guy to the side para hindi naman kami makasagabal sa kalye or masagasaan pa yun mama. Funny thing is lasing pala yun mama and that was just around 1 pm. another funny thing is yun manager ng mcdo at yun guard eh parang ang sama pa ng tingin sa min at akala nila eh kamag-anak namin yun mama (we bought the guy a coffee from mcdo) I was really pissed with the mcdo crew pero i just kept my cool (di nila alam na yun may-ari ng pinagtatrabahuhan nila ang kamag-anak ko) i just shook my head and after seeing the guy aboard a tricycle, saka pa lang kami umalis.

    another incident was with the clinic that we frequent for our checkups. after magpa-checkup ni wifey, meron isang babae dun na namimilipit na sa sakitsa tyan and all the clinic attendants and the resident physician did was to administer tests and charge them a whooping 2000 pesos tapos wala naman naibigay na result. Ni wala man lang tumawag ng ambulansya or nag-offer na dalhin sa provincial hospital yun babae. wala din nag-assist man lang since mukhang pobre yun mag-asawa. my wife offered to give them a ride to the hospital dahil emergency talaga.

    around 4 or 5 in the afternoon nadala na nila sa ospital yun babae. So si misis umuwi na. around 9 pm nagtxt yun kasama nung naghihingalo dahil kulang daw yun pera nila kaya nilakasan na lang daw nya yun loob nya na humingi ng tulong. my wife went to the hospital along with several of our helpers. Ni di man lang pala sila inaasikaso the whole 5 hrs na nandun sila! si wifey ang nag-asikaso at naglalakad dun para maoperahan yun babae. appendicitis daw at pumutok na yata. kung di pa sila pinuntahan ng asawa ko baka patay na yun babae ngayon dun. Medyo bad trip ako sa provincial hospital ng bulacan. kapag may dinadala kami dun eh hindi ka talaga aasikasuhin. Several times na kami nagdala dun ng kasambahay namin at kahit na may pambayad eh talagang mas-inuuna pa ang magdaldalan

  8. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    7,970
    #8
    Ramdam ko rin yan because my 2 kids - both girls are service riders too. Last Friday lang they were delayed by more than an hour because nasira yung ride nila and the other has to return pa for them. So in short kawawa mga kids because of that. na pwede namang tulungan para mapabilis lang kahit konti… to TS okay yung ginawa mo, magaan ang pakiramdam after diba? Kung sa area ko rin nangyari yun, i would do the same. alam naman natin na hamak na mas madali gamitin ang alligator/crocodile kumpara as scissor.

  9. Join Date
    Oct 2007
    Posts
    423
    #9
    Quote Originally Posted by Bry View Post
    We shouldn't judge others so abruptly. Madaming pwedeng rason kung bakit hindi sya tumulong.

    -Malay mo wala yung crocodile jack nya? Hiniram? Nasira? Nawala or ninakaw?

    -Malay mo minamadali na nya yung binubutingting nyang makina kaya hindi na sya makatulong?

    -Malay mo he had a long day at work at pagod na sya?
    Here's the deal. I saw his garage when he was looking at the service driver. Everything was there. This kapitbahay of mine is really a pain in the ass for us. Laging pasaway. Tapon basura kung san san, balahura mag park, ang ingay sa gabi. It's impossible that he had a long day kasi bum tong ung*s na to. The thing that pissed me off was yung pagkatanong nya. "Manong, nasiraan ka ba?". Kahit naman ikaw siguro maiinins pag narinig mo yun d ba? Nakikita nya na nga yung tao na naghihirap na mag jack ng oto tatanungin mo pa ng ganun? It was really sarcastic. It f*cking pisses me off. I heard that he's a tsikot user kaya dito na ko naghuhurumentado.


    Kung nababasa mo to, alam mo naman siguro kung sino ka. Mahiya ka naman HOY!

  10. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    7,970
    #10
    Quote Originally Posted by JCBalunsat View Post


    Kung nababasa mo to, alam mo naman siguro kung sino ka. Mahiya ka naman HOY!
    naku tsikoteter ba? este tsikoteer din?

Page 1 of 4 1234 LastLast
Walang malasakit na tao.. Nakakairita...