New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 10 of 19
  1. Join Date
    Aug 2005
    Posts
    4
    #1
    Gandang araw ng sir n mam... Last August 21 pa po nangyari ito sa harap ng balitawak market south bound. May Jeep na nag cut sa harapan ko, nakapreno naman ako after 5-10 seconds nung akmang uusad n ako bigla na lang kumalampag yung sasakyan ko, lumabas ako para tingnan at sa kamalasan wasak ang likuran ng kotse ko

    Eto ang pix ng kotse ako at nung nakabangga:

    http://www.*********.com/i/?832elav17xw1nej
    http://www.*********.com/i/?9ij05uwaa1jc7qj
    http://www.*********.com/i/?zabjf9mbkyfwks0

    SOP punta kami sa presinto para sa police report. dahil pareho kami walang insurance napagkasunduan at nangako na lang ang driver na sasagutin nya ang pagpapagawa hindi naman ako tinatakasan ng driver ang kaso lang sa twing magtetext ako ang reply sa akin eh medyo gipit pa daw siya magtetext na lang daw siya pag nakadiskarte na ng pera.

    Una siyang nakapagbigay mga after 3 weeks mula ng mabangga nya ko 3K tapos nasundan yon ng 5K after a week ang problema mula non di pa rin nasusundan, di ko naman mapagawa dahil medyo gipit sa pera ngayon dahil kakagaling ko lng sa pagpapagawa ng bahay at nasunog after 3 weeks namin na mlipatan... nadamay sa sunog dahil sa mga squatter na nakatira sa likod ng subdivision namin... ung kotse at mag ina ko lng ang nakaligtas sa sunog... eh lagi akong nabubuwisit tuwing makikita ko ang kotse ko...

    puro pasensya na lang ba para sa mahihirap


    pano ba magandang gawin mga sir n mam

  2. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    622
    #2
    1. Magpadala ka ng demand letter galing ng abogado, maglagay ka ng deadline, at kapag hindi sya tumupad ay magsasampa ka na ng kaso.

    2. Makiusap ka na lang at tulad ng sabi mo maghintay sa text nya.

  3. Join Date
    Mar 2010
    Posts
    420
    #3
    sir, mukhang bago naman yung vios nyo bat walang insurance?..
    Since pareho kayo na wala nun best choice mo na lang mag padala ng demand letter.

  4. Join Date
    Oct 2008
    Posts
    1,093
    #4
    Quote Originally Posted by prooksz View Post
    puro pasensya na lang ba para sa mahihirap
    Welcome to the club.

    That's pretty much the entire point when dealing with PUV's. Puro pasensya na lang.

    Which is made worse since most of the time, sila pa yung mga mayabang, matapang at nagwawala na akala mo sila yung tama.

  5. Join Date
    Jul 2005
    Posts
    83
    #5

  6. Join Date
    Sep 2008
    Posts
    102
    #6
    parang bago pa vios mo ah. walang insurance? sayang naman kung di mapaayos..

  7. Join Date
    Jul 2008
    Posts
    935
    #7
    Ei guys...tanong ko na rin...kung sakaling nabangga kayo ng PUV pwede bang ipa-impound yung sasakyan nila hanggang hindi natatapos yung babayaran nila..?

  8. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    3,872
    #8
    Quote Originally Posted by erick_214 View Post
    Ei guys...tanong ko na rin...kung sakaling nabangga kayo ng PUV pwede bang ipa-impound yung sasakyan nila hanggang hindi natatapos yung babayaran nila..?
    My knowledge is a little rusty. From what I can remember, the police will impound the vehicle but you have around 24-48 hours to file a criminal complaint. The vehicle will be considered as evidence and cannot be released except upon order of the court.

  9. Join Date
    Aug 2005
    Posts
    4
    #9
    Nakukunsumi na talaga ako... nag text si mamang driver di pa daw sya naischedule sa 5-6

    Liable din kaya ang operator ng Fx taxi sa aksidente/bayaran ng damage

  10. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    39,162
    #10

    Dapat may insurance ang kotse mo.

    Enough na iyang ibinigay sa iyo bilang participation fee.

    Ipasok mo na sa repair shop ang kotse mo...

    11.5K:cheers2:

Page 1 of 2 12 LastLast
Wala masingil sa nakabangga =(