from abs-cbn
"Ikinuwento ng biktima na ikinulong umano siya ni Lorenzo sa loob ng isang boarding house sa Quezon City at paulit-ulit na pinagsamantalahan.
"Yung biktima at that time 16 years old. Kinulong ng isang buwan, pinagpasasaan at nagbunga nga daw," sabi ni Marcelo.
Ayon pa sa biktima, nagpakilala ang suspek bilang isang "Bong Lorenzo" na suking kustomer sa pinagtatrabahuhan niyang canteen noon.
Nag-aya anya si Lorenzo ng inuman sa boarding house at doon siya pinagsamantalahan.
Plano ng biktima na maghain ng kasong rape at illegal detention laban sa suspek.
"Nung malaman na nakakulong dito, nagsadya kaninang madaling araw. Nagkaroon ng komprontasyon at itinuro itong si Wilfredo Lorenzo," sabi ni Marcelo.
Kakasuhan din ng biktima si Lorenzo ng kidnapping dahil dinukot din umano nito ang dalawang taon niyang anak noong 2006."
fishy nga. syota yan, iniwanan nung nabuntis.





Reply With Quote
