Sa mga mahilig gumamit ng cellphone to either call or text habang nagmamaneho, tigilan na ninyo yang ugali na yan. Una, hindi kayo magaling magmaneho habang nasa phone kayo. Di ninyo napapansin na bumabagal kayo or driving in between lanes na kayo or hindi na kayo alerto sa mga kotse katabi ninyo. Kung sasabihin mo na hindi ka naman ganoon kapag driving while on the cellphone ka, in denial ka. Di mo lang napapansin yan dahil nga nasa phone ka!
Pangalawa, bawal po ito base sa House Bill No. 4571. Ang bad trip lang nito, kitang kita ka nagmamaneho na nasa phone. Yun mga iba nga walang tint ang kotse, so mas obvious. Pinagyayabangan mo ang katangahan mo. Kapag ni-re-remind ka ng mga kasamahan mo sa kalsada na bawal yan, ikaw pa ang galit. Walang driver exempted sa batas na ito.
Ang pinakalupit ay naka motorcycle at nag-te-text!! Mas mabuti pa kaya na saksakan mo na lang sarili mo para patay ka na kaagad, kaysa mag-damay ka pa ng iba.
Kung kailangan ninyo sagutin ang phone, tumabi ka na lang muna o kaya mag-invest ka sa isang hands free kit. Pakita mo naman na responsable ka.
So next time gagamitin mo ang phone mo habang nagmamaneho at may lumapit sa iyo at sinaksak niya sa bunganga mo ang cellphone mo, wag ka na mag taka.