New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines



Page 2 of 11 FirstFirst 123456 ... LastLast
Results 11 to 20 of 101
  1. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    1,267
    #11
    Ibang klase na talaga ang pedestrians dito sa atin. Kahit naka GO ang traffic light lakas loob pa ring tatawid. Minsan nag aala MMDA pa kasi ikaw ang bibigyan ng hand signal na STOP. Kala ata nila basta't nasa pedestrian lane sila pwede silang tumawid anytime.

  2. Join Date
    Aug 2005
    Posts
    994
    #12
    dapat po jan sa mga peds na yan itapat yung bintana natin sa kanila at barilin natin ng watergun!! :bwahaha:

  3. Join Date
    Jun 2005
    Posts
    4,313
    #13
    As for me, I still respect pedestrians rights. I allow them to cross the street when I see them already in the process of crossing, whether on or out of pedestrian lanes. It's good I always bring a lot of patience when I'm driving.

  4. Join Date
    Apr 2004
    Posts
    6,685
    #14
    dami ko nang experience sa ganyan. Sila na nga mali, sila pa galit. I just hate those pedestrians na tamad gumamit ng overpass at makikipag patintero sa mga cars. Sa EDSA-NIA approaching SM North ang daming tumatawid dun. There was a time na dumaan ako ng gabi dun pero medyo tama lang takbo ko nang biglang may tumawid. Tapos nun, kung ikaw makasagasa tapos sila ang mali, ikaw pa rin ang mali at magpapa ospital. There was a time sa Buendia-Mapua stop light. Nung pag GO namin, may tumawid pa, eh tumapat sa car ko, so binusinahan ko, tapos nagalit siya, sinigawan ko "nakita mo na ngang nag green na yung light samin tumawid ka pa!". Madalas nangyayari ito sakin sa umaga kaya minsan nakakasira ng araw.

    Ganun pa rin ba yung law na pag may tumawid sa maling tawiran tapos ikaw nakasagasa, ikaw pa rin at fault? di ba dapat palitan na yung law na yun?

  5. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,078
    #15
    Quote Originally Posted by boybi
    hindi lang pedestrians, pati mga pasahero ng mga jeepneys.

    kahapon lang, meron jeepney sa harap ko huminto para magsakay ng pasahero. pag andar nya after mga 5 meters, huminto na naman. meron palang pumara at bababa! ganun na ba katamad mga tao at talagang dapat tumapat dun sa pupuntahan nila yung sasakyan para bumaba? sarap talagang batukin or sagasaan!!!
    sinabi mo pa !!! .....naalala ko ng college ako ..

    may isang pasahero pinahinto ang jeep akala namin baba ..

    iyon pala para makabili lang ng newspaper sa mga newsboy sa kalye .

    pag baba namin sa University Belt ..

    dami naman nag titinda sa side walk ng jaryo

  6. Join Date
    Aug 2005
    Posts
    994
    #16
    hahaha! ako rin dati... tumawid ng wala sa ped xing dun sa greenhills shoppesville pinituhan ako ng sekyu at binusinahan ng 2 tsikot!! pahiya tuloy ako!! lakas kasi ng ambon during dat tym kaya nagmamadali akong pumasok sa parking area!!

  7. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    628
    #17
    what i do when i see people like that, i tell the passengers of my car how it is a big nuisance to drivers. my mother is a very bad pedestrian herself, takot tumawid kaya atras abante, nakakainis ... ayun, medyo nababawasan na kasi sya din naiinis na din sa mga pasaway na pedestrians when she is with me while driving around.

  8. Join Date
    May 2005
    Posts
    497
    #18
    Okay lang sana pagbigyan yang mga tumatawid na yan, kaso ang masaklap imbes na magmadali tumawid, para pang namamasyal sa luneta eh

  9. Join Date
    Jan 2005
    Posts
    5,915
    #19
    Matagal na akong asar na asar sa mga yan, kaya lang, tuwing may lumalabas na batas tungkol diyan, may magpapasikat na namang pulitiko na magrereklamo na hindi raw makatao ang multa sa mga jaywalkers, kaya ayon ang lalakas ng loob kahit saan saan tumatawid.

  10. Join Date
    Jun 2005
    Posts
    161
    #20
    Quote Originally Posted by Bry
    Bakit hindi hinuhuli ang mga undisciplined pedestrians?

    Basta basta na lang tumatawid kahit hindi pa nila time to walk across the street. Tapos yung mga mmda at pulis masyadong busy sa mga motorista lang ang tingin. Ang masama pa, parang norm na ito sa atin. Whenever we see a pedestrian wrongly crossing our path, nakasanayan na natin mag-yield to them, kaya tuloy lalo nila ito ginagawa.
    I think it's the same for both drivers and pedestrians. Sino sa inyo ang naka-experience na habang tumatawid ka sa pedestrian lane sa mga malls, merong ogag na driver na talagang isusugod pa rin yung kotse niya kahit nakita na niyang maraming kang dalang shopping bag. Many times, bubusinahan ka pa as if sinasabing "mamaya ka na tumawid sa pedestrian lane, padaanin mo muna ako!". Dapat, a driver should make a full stop on a pedestrian lane and give way to pedestrians first (especially on crossings that don't have pedestrian traffic lights).

    Ang hindi ko lang mapaliwanag eh yung mga PNCC employees who insist on crossing the entire stretch of the South Luzon Expressway just to get to the other side. Ilang beses ko ng nakita itong mga ito.

Page 2 of 11 FirstFirst 123456 ... LastLast
Undisciplined pedestrians