New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines



Page 1 of 11 12345 ... LastLast
Results 1 to 10 of 101
  1. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,306
    #1
    Bakit hindi hinuhuli ang mga undisciplined pedestrians?

    Basta basta na lang tumatawid kahit hindi pa nila time to walk across the street. Tapos yung mga mmda at pulis masyadong busy sa mga motorista lang ang tingin. Ang masama pa, parang norm na ito sa atin. Whenever we see a pedestrian wrongly crossing our path, nakasanayan na natin mag-yield to them, kaya tuloy lalo nila ito ginagawa.

    Minsan pa they cross in groups, kaya may lakas sila ng loob tumawid kahit sa mga wide roads even if hindi pa sila 'go'. Sila pa galit pag binusinahan mo. Bakit pag tsikot nag-beat ng red light, huhulihin, pero pag pedestrian OK lang? That's an accident waiting to happen! Ang masaklap pa, dito sa Pinas, the one in the car is almost always WRONG, even if it wasn't the driver's fault.

  2. Join Date
    Apr 2005
    Posts
    115
    #2
    Hehe, kanina lang may muntik akong mabangga. Pagbaba nung pasahero ng jeep, walang tingin tingin biglang tumawid eh ang bilis pa naman ng dating ko. Mga 2 dangkal nalang siguro layo niya sa bumper ko, napahakbang pa nga sa gulat dahil akala niya tatamaan ko siya. Maraming nakakita kaya ayun, sinigawan siya ng mga tambay ng "g*go, hindi ka Diyos!". Hindi na pumalag kasi marami ngang nakakita.

    Maluwag nga masyado sa mga pedestrians dito. Katabi nalang pedestrian lane ayaw pang gamitin. Yung iba sobrang sablay tumiming at kung mamalasin eh tatamaan mo talaga. Yung iba naman, tumatawid sa ilalim ng overpass! <---may sayad na tong mga to.

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,306
    #3
    Naalala ko tuloy sa EDSA. I was cruising at around 90 kph tapos biglang may sumulpot sa harap ko, I stepped on my brakes as hard as I could. Buti na lang naka-seatbelt ako. And good thing walang naka tailgate sa akin. I could have sworn my tires screeched, but I couldn't hear it very well because I was too busy yelling "P*TANG INA" at the top of my lungs. Swerte lang sya medyo mabilis reflex ko.

  4. Join Date
    Aug 2005
    Posts
    994
    #4
    may mga nakikita rin po ako palaging mga peds na tumatawid sa major roads even though may nakasulat pa dung malaking sign sa mga island "WALANG TAWIRAN NAKAMAMATAY"!!! langya, kaya nga may overpass e! pag katamaran nga naman ang pinapairal!

  5. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,078
    #5
    Quote Originally Posted by zidane21
    may mga nakikita rin po ako palaging mga peds na tumatawid sa major roads even though may nakasulat pa dung malaking sign sa mga island "WALANG TAWIRAN NAKAMAMATAY"!!! langya, kaya nga may overpass e! pag katamaran nga naman ang pinapairal!
    Bro ZIdane , balewala sa kanila iyan mga nakasulat sa malaking sign board
    .kung iyon may mga fences or barb wire na ..natatawiran pa rin nila ..talaga madami ang pasaway

  6. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    200
    #6
    aside from pedestrians crossing anywhere they please...nakakaasar rin yung "cha-cha" ng auto & pedestrian. pano? ganito yon...

    SCENARIO: driving down a street, you see a pedestrian crossing w/ utter disregard that you're coming, you don't slow down thinking that the pedestrian will stop. then when you're near him na...

    1. you slow down, he slows down
    2. you both stop
    3. you both wait who will move first
    4. you both move
    5. you both stop & wait again
    6. you both move
    7. you both stop...then either sesenyas ka para makadaan yung pedestrian or yung pedestrian sesenyas para makadaan ka na

    bow :D

  7. Join Date
    Mar 2003
    Posts
    272
    #7
    May near miss na ring nangyaring ganyan sa akin....busy yung girl sa kaka-text ng biglang tumawid pagkababa ng tricycle. buti na lang side mirror lang ang tumama sa elbow nya at natumba dahil sa pagkagulat! Swerte pa rin nya at ganun lang ang nangyari!

    I was wondering....ano kayang kaso ang isasampa sa akin ng mga ogags na pulis kung may nangyari sa girl na na-sideswept ko?

  8. Join Date
    Jun 2005
    Posts
    4,313
    #8
    Ano na ba ang status duon sa EDSA Crossing na nanghuhuli ng jaywalking. Parang hindi na yata nila ini-implement yon.

  9. Join Date
    Aug 2005
    Posts
    994
    #9
    pasikat lang po yun ng mmda sa harap ng media! wala naman talagang hinuhuling mga jaywalkers pag off the camera e!

  10. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    19,565
    #10
    hindi lang pedestrians, pati mga pasahero ng mga jeepneys.

    kahapon lang, meron jeepney sa harap ko huminto para magsakay ng pasahero. pag andar nya after mga 5 meters, huminto na naman. meron palang pumara at bababa! ganun na ba katamad mga tao at talagang dapat tumapat dun sa pupuntahan nila yung sasakyan para bumaba? sarap talagang batukin or sagasaan!!!
    Signature

Page 1 of 11 12345 ... LastLast
Undisciplined pedestrians