New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 10 of 14
  1. Join Date
    Aug 2005
    Posts
    576
    #1
    mga sirs, share ko lang...

    last night while cruising along quezon ave. malapit na sa Delta (galing ako EDSA), biglang may nag-swerve na White Honda Civic with plate no: UCT-724. muntik na tinamaan sa may passenger side ang simpleng ride ko. buti na lang wala akong katabi sa driver's side kasi ang instinct natin eh umiwas pakaliwa.

    naisip ko nag-mamadali lang sya kaya niya nagawa yun pero hindi pala, after Roosevelt Ave. biglang syang huminto, so I hit the brake hard para hindi sya tamaan. Fortunately, hindi ko sya nasalpok at wala din sumalpok sa likod ko. nasa bandang kanan pala sya malapit sa gitna ng Q. Ave. Ako naman 2nd innermost lane.

    Di ko alam kung bat sya huminto, naka-stop na rin ako. Bigla syang nag U-Turn going directions ng EDSA. Huminto muna sya sandali bago uli tumakbo, nakababa yung bintana nya at nakangisi pa. Parang sabog yata. Sinigawan nga ng jeepney driver ng "Ang galing mo".

    Di ko alam kung sabog ba sya sa drugs o sa utot. O wala lang ka-valentines date kaya ganon.

    Kaninang umaga while papasok nakita ko ulit sya sa may
    EDSA (Southbound) after Balintawak. Sir Arvic was able to take a picture. Post ko na lang po pag ready na. Sabi nga nya "Gago talaga mag-maneho."

    Para sa driver nung Honda Civic UCT-274. Pasensya ka na kung may mali akong nagawa sayo kagabi. Pero kung wala ka lang magawa sa buhay mo wag ka nang mandamay ng iba. Sa mga posible nakaka-kilala sa kanya pakisabihan na lang po.

  2. Join Date
    Jun 2006
    Posts
    6,105
    #2
    Baka tinakas nya lang yon at ngayon lang nakapagmaneho.

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    40,096
    #3
    wala akong problema!!! bakit? ikaw ano problema mo???




















































    hehehhehe joke lang po...baka meron kayong nagawa na hinde niyo alam...kaya nagalit....

  4. Join Date
    Aug 2005
    Posts
    576
    #4
    Quote Originally Posted by shadow View Post
    wala akong problema!!! bakit? ikaw ano problema mo???

    hehehhehe joke lang po...baka meron kayong nagawa na hinde niyo alam...kaya nagalit....
    sa pagkaka-alam ko eh maayos naman ang aking pagma-maneho kagabi.

    mukhang ganon talaga siya mag-drive kasi kaninang umaga singit ulit sya ng singit. parang bang t*t* na kung saan masikip don gustong pumasok...

  5. Join Date
    Apr 2005
    Posts
    978
    #5
    nakita ko nga kanina kung papaano mag drive etong taong ito... sobra na pa iling nalang ako...

    hindi lang isang beses nya ginagawng maningit ng alanagin kundi habit na niya...

    Hope he gets his lesson very soon!!!

  6. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    7,970
    #6
    eh ano ngayon??? ano plate mo???













    joke lang din, usual way ko rin yang q. ave near delta at q. ave near
    roosevelt. taga dyan kami ni boeing eh hehehehe. kinis kasi ng aspalto.
    maraming ganyang drivers usually mga feeling speed kahit abusado na
    dating.
    tama si arvic makakatapat din yan. masiba yang klaseng yan.

  7. Join Date
    May 2006
    Posts
    8,357
    #7
    Nakasinghot ng katol yun

  8. Join Date
    Dec 2002
    Posts
    1,542
    #8
    baka dating PUV driver...kaya nagalit din yung kapwa nya PUV driver

    Tama ginawa mo sir SG, you kept your cool

  9. Join Date
    Jan 2007
    Posts
    187
    #9
    pag nakita nyo ulit, iwasan na lang. wag na kayo dumikit kasi baka makadisgrasya pa sya at madamay pa kayo. tao nga naman. ingat ka sobra pero meron naman sobra barumbado na mababalewala yung pinag aralan mo at mapapamura ka na lang... baka first time lang nakapag maneho ng civic.

  10. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    407
    #10
    tama si viper iwasan nyo na lang baka nga nag hahanap lang nang damay yan...sakit sa ulo at katawan abutin nya

Page 1 of 2 12 LastLast
UCT-724: Anong problema mo?