Quote Originally Posted by smooth
sa baclaran, minsan buong kalye na ang nahaharangan ng mga buses. pag gabi pa, ginagawang terminal ng jeep ang kalye. mga MMDA walang ginagawa. nakatingin lang. pero subukan mong huwag mag-seatbelt o kaya e dumaan diyan ng color coding ka. tatlo, minsan apat pa, ang nagkukumahog na MMDA na huhuli sa yo. parang katapusan ng mundo kapag di ka nila nahuli samantalang ang mga buses at jeep kitang kitang lumalabag sa trapik rules.

minsan nanunood ako sa trapik diyan. mga buses nag-U-Uturn kahit stop. halos banggain pa nga ang mga MMDA at mga pulis sa pag-Uturn e. dedma pa din ang mga MMDA. pero one time, may sumabay sa mga bus na private car na nag-Uturn. pucha, kagulo ang mga lintek na MMDA at pulis sa paghuli dun sa pobreng kotse.

puro kotong lang kasi nasa isip ng mga ogag na MMDA at pulis diyan e
Simple lang yan bro, sa private may makokotong. Sa mga PUV/PUJs kamot ulo lang ang ibibigay sa kanila.