I was watching Bitag last Saturday and they featured Road Eye(?) Towing Services, na bigla na lang nag-tow ng isang FX sa Fairview area. I think the driver, along with his young kid, dropped off something kaya nag-park saglit. When he saw na tino-tow na yong sasakyan nya, iniwan muna anak nya, at hinabol nya yong mga nag-tow, pero di na sya tinigilan at dinala na sa impounding area yong FX nya.
Nagsumbong sya kay Ben Tulfo ng Bitag. Pinuntahan mismo ni Tulfo ang impounding area at pagkakita sa kanya nung mga nag-tow, nagtakbuhan at biglang hindi mahagilap. Hinanapan yong towing company ng mga required documents para makapag-tow sila at kung may kasama ba silang autoridad. Walang mapakita ang mga hinayupak. In the end, ni-release rin lahat yong mga naka-impound sa mga owners na nandun, dahil mukha ngang hindi sinunod mga panuntunan bago i-tow ang mga sasakyan.
So, yong mga nabibiktima ng illegal towing, lalo na dyan sa Maynila, tawag na lang sa Bitag. Medyo maangas nga itong si Ben Tulfo minsan, pero he produce results most of the time.
Mas exciting pang panoorin itong Bitag kesa sa XXX at Imbestigador.