New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 20 of 35
  1. Join Date
    Oct 2008
    Posts
    469
    #1
    Good Day Tsikot.

    I got towed kanina June 25, 2010 at 5.30PM. I park my Innova infront of RAON Shopping Center, cause doon ako tinuro ng mga Nag Paparking Boy Doon. Marami nakapark na pahilera doon, ako ang pinaka nasa unang hilera. Iniwang ko lang sandali dahil may binili ako at alam ko naman na Safe doon dahil madalas ako nag papark doon, pagbalik ko, namutla ako dahil wala na yung auto ko, my inabot sakin yung mga bata at kunin ko daw po yung auto ko sa Towing. Nag Init talaga ako dahil sunod sunod kami naka park doon, yung akin pa na chambahan. Siguro nakita po nila na bata nag mamaneho.

    Pumunta ako sa towing place, mga 2 KM ang layo, pag dating ko doon, nakita ko mga pulis nag iinuman at nag Vivideoke sa looban, naka uniform na BLUE Polo Shirt. May lumapit sakin lalaki, nag usap kami sa parang Brgy Hall nila, my only complaint, bakit ako lang ang na tow but marami kami naka park doon, sabi ng mama, "ikaw kasi nachambahan", i said, were both proffessional sir, im graduating college student, alam natin ang tama at mali, ang tanong ko sir, bakit ako lang ang tinow, sinabi ko rin po na, magbabayad ako, basta i tow niyo lahat iyon, nabitawan ko rin na salita is, "dahil po ba nakita nyo bata ako, madali niyo ako mapeperahan?", natahimik yung mama. For End, wala ako binayaran, nakikiramdam pa.

    Q: I know I got illegal parking, but halos 20 cars nakaparada sa kahabaan ng quiapo, pwede ba ako lang huhuluhin at itotow nila?? Reason kasi nila, ako raw nasa unang pila.

    Utos raw ni Mayor Lim na i-tow mga sasakyan doon, ang tanong bakit sasakyan ko lang, at baka nasira pa nila yung suspension ko dahil, kinalad kad siguro nila, automatic pa naman yon.

    WALANG ISIP MGA TOWING NA YAN. MASAMA MAN, yang mga nag totow sa quiapo, karmahin sana kayo!! At wag kayo mamili ng I-to tow niyo! Kung may granada lang binebenta sa quiapo, hagisan ko towing truck niyo!
    Last edited by joseph20; June 26th, 2010 at 12:49 AM.

  2. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    1,973
    #2
    dapat na nakunan mo ng video yung inuman nila sabay tawag sa abs or gma para matangal na mga yan

  3. Join Date
    Oct 2006
    Posts
    148
    #3
    Isa lang siguro ang truck nila pang tow na nasa area. Hindi naman kaya hilahin sabay sabay ng isang truck ang lahat ng nag iillegal parking. Syempre yung nasa unahan ang itotow nila. Bakit naman nila uunahin yung nasa gitna?

  4. Join Date
    Jul 2008
    Posts
    935
    #4
    Siguro naman hindi na lingid sa kaalaman mo na kurap ang mga pulis at may lagayan dyan sa mga parking sa Quiapo. Tsambahan lang din talga dyan. Sa totoo lang bawal magpark dyan dahil daanan ng sasakyan pero magtataka kung bakit napakaraming nagpapark dyan db? Karamihan sa mga yan ay "regular customers" na ng mga pulis kaya alam nila kung sinong huhuliin at sinong hindi.

  5. Join Date
    Mar 2009
    Posts
    21,667
    #5
    --doublepost--

  6. Join Date
    Jun 2007
    Posts
    995
    #6
    Kaya ako pag pupuntang Quiapo at wala namang bibitbitin na mabigat sa halip na dalhin at doon ko iparada sasakyan doon na lang ako nagpaparada sa may Metropolitan Theatre at mag jeep na lang ako going to Quiapo/Raon. At least doon sa Met may guwardiya 20 pesos lang bayad.

  7. Join Date
    Mar 2009
    Posts
    21,667
    #7
    Dapat sa susunod mo na punta, sabihan mo yung parking boy. Naabala ka pa dahil hindi niya sinabi sayo na may tinotow duon.

  8. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    40,599
    #8
    kung bawal naman talaga mag park doon eh tama lang na tow ka. ang reason kung bakit ikaw lang eh gaya ng sabi mo ikaw ang nasa unahan.

  9. Join Date
    Nov 2008
    Posts
    4,642
    #9
    Sa Isetann ka na lang magpark sir next time. As much as possible pinakamalapit sa mga entrance at guard para mas safe kahit papaano.

  10. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    1,973
    #10
    actually ang mga parking boys at mga snatcher dun sa quiapo ay mga bata din ng pulis. known fact yan sa mga taga raon... dati yung kapatid ng bayaw ko na snatch relos. pag datig sa police station... tanong ng pulis ano itsura ng tao, anong oras at saan. wait an hour... maya maya ayan na yung pulis dala yung relos nya... wala yung snatcher so magbibigay ka pa ng pang kape... taga raon pa kami nyan ha.

    kaya mga pulis dun pag xmas di makalapit sa mga tindahan dun kasi wala naman sila ginawa... even Mayor Lim did nothing to clean raon st. lagi nila nililinis ang carriedo pero ang vendors dun lilipat lang sa evangelista at raon.

  11. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #11
    Uy...buti na lang napadpad ako sa thread na ito.

    Sa Raon ko kasi nabili yung Videoke player namin. Papagawa ko roon. Saan ba ang nearest pay parking doon? Ayokong ma-tow.......

  12. Join Date
    Oct 2008
    Posts
    469
    #12
    Nainis lang po ako, pagbalik ko with my car, may nakapark doon sa pinag parkingan ko kung saan ako na tow, pero hindi nila ma-itow, actually, yung 2 truck ng coca cola yung nasa unahang gilid ko. May point is, sinabi ko sa mama na, magbabayad ako kahit 1k, itow natin lahat ng mga naka parada doon, at dalhin natin dito, but sabi ng mama, hindi raw nila kaya kasi isa lang towing nila, sabi ko po, kasi nag iinit ako noon, " wala ako pakielam kahit isa lang towing niyo, i-tow natin lahat ng nandoon at pag multahin niyo, wag kayo mamimili ng mapeperahan niyo", hindi nalang kumibo yung mga pulis at mama na kausap ko, kala po siguro nila, pag bata, kakayanin kayanin nila, but i talked them professionally, the way I served or talked my complaints to them.
    Nawala ang amats ng mga pulis na yon, my Mobile ng MPD pa na naka park sa Inuman.

    For short, wala ako binayaran, sayang lang gas ng towing truck nila. Madalas po ako nagpapark doon kasi, doon ako bumibili ng mga IC's and Electricals, sa tagal tagal ko na nag park doon, ngayong pa ako na tow.

    Anyways, I share this para babala na rin po, I know my faults, but wala sila sa ayos mamili ng itotow nila. SORRY FOR THEM. Humanda sila sa June 30, I shall return.hehe.

  13. Join Date
    Jul 2008
    Posts
    222
    #13
    Anyways, I share this para babala na rin po, I know my faults, but wala sila sa ayos mamili ng itotow nila. SORRY FOR THEM. Humanda sila sa June 30, I shall return.hehe.
    [/QUOTE]


    Aabangan ko ito hehe! ano kaya ang mangyayari?

  14. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    53
    #14
    ano na nangyari sa ating mga pinoy... kun sino pa ang nagkamali, siya pa ang galit.... at nagbabanta pa...... gusto pa mandamay ng ibang tao...haaay

    sana, kung nagkakamali tayo, sinasadya man o hindi, tanggapin natin ang kaparusahan. at huwag na tayo mandamay ng iba..... maski saang korte ka magpunta, hindi depensa na hindi ka pwedeng huliin o multahan dahil lamang meron pang ibang lumabag na hindi hinuli o namultahan...

  15. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    40,599
    #15
    Quote Originally Posted by joseph20 View Post
    wala ako pakielam kahit isa lang towing niyo, i-tow natin lahat ng nandoon at pag multahin niyo, wag kayo mamimili ng mapeperahan niyo"
    "dahil po ba nakita nyo bata ako, madali niyo ako mapeperahan?"
    but i talked them professionally, the way I served or talked my complaints to them.
    very professional indeed...

    I know I got illegal parking, but halos 20 cars nakaparada sa kahabaan ng quiapo, pwede ba ako lang huhuluhin at itotow nila?? Reason kasi nila, ako raw nasa unang pila.
    answered your own question.
    Last edited by shadow; June 27th, 2010 at 07:28 AM.

  16. Join Date
    Jan 2009
    Posts
    393
    #16
    while i understand what the TS is trying to convey, i don't quite agree. a mistake is a mistake, fess up and move on. don't point fingers at others (though it's the easy thing to do)

    you said that it was your first time to get towed after parking there for the longest time (though you know that it's illegal). just be happy that you weren't towed then, just now. move on.

  17. Join Date
    Dec 2008
    Posts
    73
    #17
    ang daming ganito na nababasa ko sa goon squad.
    sila ang naunang gumawa ng mali pero sila pa ang galit

  18. Join Date
    Aug 2005
    Posts
    576
    #18
    the truth really hurts! masakit talaga umamin sa pagkakamali...

    anyway, pasalamat ka na lang bro dahil nabawi mo yung sasakyan ng walang bayad...

  19. Join Date
    Jul 2007
    Posts
    57,764
    #19
    Hindi ba nakakasira ng sasakyan pag tinow ng naka hand brake pa?

  20. Join Date
    Jun 2007
    Posts
    995
    #20
    Quote Originally Posted by Cathy_for_you View Post
    Hindi ba nakakasira ng sasakyan pag tinow ng naka hand brake pa?
    sa likod na sasakyan ikinakabit nila yung towing hitch o baka may tinatangal ang mga towing crew para ma release yung brake...magagaling sila sa ganun

Page 1 of 2 12 LastLast
Towing infront of RAON