naalala ko tuloy yung barkada ko dati sa college sabi ba naman sa akin some years ago nung umpisa pa lang yang towing racket na yan, e bibili daw siya ng tow truck at magandang business daw yun, at meron na sya pulis na kilala na sasama sa tow truck nya. nagiinuman kami nun at naglalaro ng mahjong, siya miron sa tabi. e kakagaling din namin mag-firing nun. ginawa ko kinuha ko si ceska sa bag sabay tutok sa ulo nya. "barilin na kita ngayon pards para di na kita hahanapin pa in the future! galit ako sa mga towing e!" add pa ng mga ka-mahjong ko, "tuluyan mo na yan yebo, tulungan ka namin maghukay dyan sa likod." biro lang op kors, di loaded si ceska. pero since pang famas ang acting ng lolo nyo e muntik na atakihin sa puso ang loko.
di na nya tinuloy ang towing business nya hehehehe!