Hi mga ka-tsikot

Ask ko lang po ano po ba magandang gawin kasi po last night July 17, nagpa-gas ako sa Petron along aurora blvd. After ma-fill, nilagay na ng gas boy yung takip niya, tapos ang tagal tagal ikot parin siya ng ikot. Lumabas na ako para tignan tapos saka sinabi sa akin na "sir, di pantay yung lagay ko, na-stuck".
Tinignan ko ayun stuck nga. Tinawag niya pa yung guard para tumulong pero wala parin. Sabi ko nalang na babalik ako at male-late ako sa work.
Nag-email ako sa Petron after nun at mabilis naman sila sumagot. Kaso tinanong ako kung ano gusto ko mangyari, di ko din alam isasagot ko. Mga ka-tsikot, ano po ba dapat ko gawin after maayos? Pwede ba ako humingi ng danyos (tama ba tawag dun) kasi abala sa akin yun babalik pa ako ngayon sa kanila. First time din po kasi nangyari sakin to.

ganito po kasi yung takip ng vw beetle ko