New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 20 of 23
  1. Join Date
    Nov 2009
    Posts
    5
    #1
    Hi mga ka-tsikot

    Ask ko lang po ano po ba magandang gawin kasi po last night July 17, nagpa-gas ako sa Petron along aurora blvd. After ma-fill, nilagay na ng gas boy yung takip niya, tapos ang tagal tagal ikot parin siya ng ikot. Lumabas na ako para tignan tapos saka sinabi sa akin na "sir, di pantay yung lagay ko, na-stuck".
    Tinignan ko ayun stuck nga. Tinawag niya pa yung guard para tumulong pero wala parin. Sabi ko nalang na babalik ako at male-late ako sa work.
    Nag-email ako sa Petron after nun at mabilis naman sila sumagot. Kaso tinanong ako kung ano gusto ko mangyari, di ko din alam isasagot ko. Mga ka-tsikot, ano po ba dapat ko gawin after maayos? Pwede ba ako humingi ng danyos (tama ba tawag dun) kasi abala sa akin yun babalik pa ako ngayon sa kanila. First time din po kasi nangyari sakin to.

    ganito po kasi yung takip ng vw beetle ko

  2. Join Date
    Sep 2007
    Posts
    1,778
    #2
    kung di naman nasira hingi ka na lang ng extra gas para sa abala mo pa bumalik sa kanila. kung nasira hingi ka kapalit at gas ulit para sa abala.

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    29,354
    #3
    If your car is damaged, ask for compensation. Usually it will be paid in "product" like fuel or services from that station.

  4. Join Date
    Jul 2006
    Posts
    8,555
    #4
    Vice grip ang katapat nyan. Tapos bumili ka ng bagong gas cap, get a receipt and show it to the gas station manager for a refund, (in cash or kind). Hopefully hindi na damage ang threads ng gas tank mo mismo.

    Next time when filling up, especially when you're driving an "older" car, take time to go out and open the gas tank yourself. Most of the gas boys right now are just too careless (i.e. nasanay sa quick release gas caps ng mga bagong kotse).

    My gas cap is the lockable type, wherein it needs to be opened by the ignition key. So I really need to turn off the engine, go out and open it. They are more careful when they know you are watching them.

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    40,599
    #5
    Pagawa mo sa casa and bill them, then free gas or change oil pwede na yun

    Sent from my iPad using Tapatalk HD

  6. Join Date
    Aug 2011
    Posts
    674
    #6
    Quote Originally Posted by shadow View Post
    Pagawa mo sa casa and bill them, then free gas or change oil pwede na yun

    Sent from my iPad using Tapatalk HD
    Hindi na yata tatanggapin or wala na yatang casa ang Volkwagen Beetle. :D

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    40,599
    #7
    Beetle pala hinde ko nabasa,

    Sent from my iPad using Tapatalk HD

  8. Join Date
    Nov 2009
    Posts
    5
    #8
    Salamat po sa mga nagreply! Naayos na din po siya kahapon. Ang dali po kausap ng petron pati mismo nung may-ari ng petron na pinuntahan ko. Inayos po nila agad tapos after ko po magtanong ano po pwedeng gawin after maayos kasi may pasok din ako sa school kahapon tapos dun na ako dumeretso kasi baka hindi na din umabot sa school kasi nga wala ng gas. Ayun nilagyan po yung sasakyan ng 10L ng XCS.

    Nung una nahiya pa ako magtanong pero sabi ko wala naman mawawala saka naabala din talaga ako. Siguro nga pag "older" car dapat ako na mismo magbubukas. Salamat po ulit sa mga advice!

  9. Join Date
    May 2006
    Posts
    8,357
    #9
    Quote Originally Posted by mafiaboy22 View Post

    Bawas sa suweldo ng gas boy sa susunod mag-iingat na yun.

  10. Join Date
    Nov 2009
    Posts
    1,756
    #10
    Quote Originally Posted by mafiaboy22 View Post
    Salamat po sa mga nagreply! Naayos na din po siya kahapon. Ang dali po kausap ng petron pati mismo nung may-ari ng petron na pinuntahan ko. Inayos po nila agad tapos after ko po magtanong ano po pwedeng gawin after maayos kasi may pasok din ako sa school kahapon tapos dun na ako dumeretso kasi baka hindi na din umabot sa school kasi nga wala ng gas. Ayun nilagyan po yung sasakyan ng 10L ng XCS.

    Nung una nahiya pa ako magtanong pero sabi ko wala naman mawawala saka naabala din talaga ako. Siguro nga pag "older" car dapat ako na mismo magbubukas. Salamat po ulit sa mga advice!

    Kahit bago bro, may mga gas boy na wala ring gaanong concern, bara-bara kung kumilos, kaya lang yung iba e medyo ngengot talaga. Wala kang magagawa dun kundi turuan mo ng konti kung paano magbukas, magsabit ng cap, at magsara!

    In short, aware dapat lagi ang mga MV owner pag nagpapagas.

  11. Join Date
    May 2006
    Posts
    8,357
    #11
    Quote Originally Posted by Noel Salisipan View Post
    Kahit bago bro, may mga gas boy na wala ring gaanong concern, bara-bara kung kumilos, kaya lang yung iba e medyo ngengot talaga. Wala kang magagawa dun kundi turuan mo ng konti kung paano magbukas, magsabit ng cap, at magsara!

    In short, aware dapat lagi ang mga MV owner pag nagpapagas.
    Pag sedan ipinapatong sa bubong ang gas cap

  12. Join Date
    Nov 2009
    Posts
    1,756
    #12
    Quote Originally Posted by Syuryuken View Post
    Pag sedan ipinapatong sa bubong ang gas cap
    Hehehe, nice example!
    kaya kung maganda pa pintura ng car mo, maiinis ka talaga. Good thing, maraming bagong car ngayon na magkadugtong na ang takip at roskas.

  13. Join Date
    Sep 2006
    Posts
    227
    #13
    Quote Originally Posted by Noel Salisipan View Post
    Hehehe, nice example!
    kaya kung maganda pa pintura ng car mo, maiinis ka talaga. Good thing, maraming bagong car ngayon na magkadugtong na ang takip at roskas.
    ang mahirap naman nito, di din nila kinakabit sa sabitan....papabayaan lang na nakabitin...kaya madalas tumatama-tama sa body ng kotse...resulting to scratch marks....
    kaya ako, nilalapitan ko agad ang attendant para alam nya na ino-observe ko sya..kapag di niya sinabit...ako nagsasabit at sinasabi na ganito ang tamang paglagay..para at least, matututo sya and pati sa ibang magpapakarga, alam na nya ang dapat na gawin.....

  14. Join Date
    Mar 2009
    Posts
    21,667
    #14
    Practice ko talaga kapag magpapa-gas ako bumaba ng sasakyan and watch them.

    Wala naman mawawala eh. Mainit din naman sa loob ng kotse kasi papatayin yung makina. So might as well step out and watch their actions. With that, mas magiging cautious sila sa ginagawa nila.

  15. Join Date
    Jul 2006
    Posts
    8,555
    #15
    OT:

    May kakilala ako dati, nag pa gas sa may Caltex Wilson. Sinabi nya sa gas boy "silver". Ito naman si gas boy, siguro puyat at pagod, ang nahugot at nakarga diesel ........... Ayun, tumirik sa EDSA si pobre. Baba tangke, bayad ang Caltex station.

  16. Join Date
    Nov 2009
    Posts
    1,756
    #16
    Quote Originally Posted by lowslowbenz View Post
    OT:

    May kakilala ako dati, nag pa gas sa may Caltex Wilson. Sinabi nya sa gas boy "silver". Ito naman si gas boy, siguro puyat at pagod, ang nahugot at nakarga diesel ........... Ayun, tumirik sa EDSA si pobre. Baba tangke, bayad ang Caltex station.
    Yan ang worse, abalang malaki!
    Yun nga lang may konsuelo bandang huli, libre full tank at nalinis pa tangke mo.hehehe

  17. Join Date
    Mar 2009
    Posts
    21,667
    #17
    OB thinking:

    Baba na kasi kayo ng tsikot niyo, kaya kayo tumataba e simpleng baba lang ng kotse ayaw niyo pa. Exercise din yan para mga taba nyo maging pawis at mabawas-bawasan. :hysterical:

  18. Join Date
    Nov 2009
    Posts
    1,756
    #18
    Quote Originally Posted by pobreparin View Post
    ang mahirap naman nito, di din nila kinakabit sa sabitan....papabayaan lang na nakabitin...kaya madalas tumatama-tama sa body ng kotse...resulting to scratch marks....
    kaya ako, nilalapitan ko agad ang attendant para alam nya na ino-observe ko sya..kapag di niya sinabit...ako nagsasabit at sinasabi na ganito ang tamang paglagay..para at least, matututo sya and pati sa ibang magpapakarga, alam na nya ang dapat na gawin.....
    Maliit na bagay lang pero nakakainis lalo na pag tino-toyo ka.
    Hindi man lang gumamit kahit konting common sense!

    Anyway, tama si Renzo, kailangang bumaba na rin at tingnang mabuti kung tama nga ginagawa ng gas boy. Check na rin ang gulong baka may dapa na.

    Isa pang case, since nagbo-volunter namang silang maglinis ng wind shield kaya madalas ko na ring ipalinis dati lalo na yung salamin sa likod. Bad thing, kaya pala may gasgas yung rear spoiler ko dahil sa panlinis nila!

  19. Join Date
    Sep 2009
    Posts
    4,600
    #19
    .................

  20. Join Date
    Sep 2009
    Posts
    4,600
    #20
    yung sa kakilala ko, nalimutan ikabit yung cap. sa next refill niya hinahanap sa kaniya nung pumpboy yung cap.
    medyo layo pa naman daw nung huling pinagasan niya.

Page 1 of 2 12 LastLast
Help please.. Had an issue with Petron gas boy..