Naku death wish rider once again.hahah.wednesday night sa kahabaan ng q.ave to welcome. apat na unggoy sa isang motor. yung chikas lang nakahelmet tapos may bata nasa gitna edad parang nasa 13 na ata? harurot sa joyride sa kahabaan ng q.ave, tumatahi pa ng kalsada. di lang nakadaan sa ilalim ng underpass ng araneta gawa ng may tubig kaya inabutan sila ng stoplight at nag pang abot kami sa sto domingo pero, varoooom varoooom! panalo sa hataw!
oh the sight of monkeys careening!
Sir puro accelaration lang yang motor. Pag top speed ng kotse na ang next si rider nasa gitna na lang nanonood ng top speed.hahaha.
nakakatuwa kaninang umaga habang nakapark ako sa tabi ng mall
may mayabang na nakamotor akala mo kung sino bigla nalang nagka cut ng daan
iniwasan kasalubong na tricycle then lumipat sa tamang lane
sa sobrang bilis iniwasan nya yun bako sa daan na parang walang kasalubong
pag iwas nya napunta na naman sya sa kabilang lane imbis na iwasan ng kasalubong
na tricycle dire diretso din tricycle sa harap nya, nabigla tuloy si mayabang na motor
akala ko magsasalpukan yung dalawang motor ng mokong, biglang nagalit si yabang na nakamotor
nagrebolusyon ng malakas at nagkatinginan ng masama, akala ko magsasapakan na kanina
hahahah.Parang pelikula nga yan.hahaha.
Sana may sumigaw na "mag chicken match na lang kayo" hahaha.
Ito pala itsura nung rider na mayabang dito sa amin.hahaha.
Hindi makita yung old pic na nattach ko nung una eh.
Last edited by gearspeed; August 25th, 2013 at 02:42 PM.
Ako cage driver at rider ako, pero di ko nga gets yung may sound system pa sa motor (my preference ha, masakit sa tenga ko ang tugtog na hinaluan ng tunog ng engine block ko sa baba ko, kaya wala ako sounds sa motor ko, hindi rin ako naghe-headset music sa motor ko mahirap na baka may di ako marinig na paparating). Though ayaw ko maglagay nun sa motor ko, pero karapatan pa rin nung iba yun eh.
Regarding motorcycles to try harder to be visible on roads: ex. horn upgrades
Sa totoo lang marami sa amin nag-e-exert talaga ng effort para malaman ng cage/cars nasa paligid kami kasi alam din namin na mahirap kami makita sa daan. Kaya eto ang mga ginagawa ng iba sa amin at pinapakalat ng MC forums at MRO (motorcycle rights organization):
1) Louder horns
2) Automatic Headlight On, day and night lights on
3) We add reflectors sa bike namin
4) We wear reflector vests
Maam, actually delikado yan para sa inyo, kasi nangyari na sa car ko dati na-atrasan ng ibang sasakyan, kasi nabitiwan ang brake, di napansin umaatras sya. Word of advice lang po maam.
Regarding stopping sa ped lane, mali talaga yun. Pero may reasons why bikes prefer in front, may safety issue yun at may comfort reason din. Sana po ay mabasa nyo previous post ko explaining this weird phenomenon.
Ganyan din gawain ko na nakatutok sa harap at kung may gutter naka sagad kasi yung corolla namin dati na hit and run sa ilalim pa ng bumper yung tama hindi napansin ng dad ko.Yung kapitbahay ko nung hindi niya nasagad yung right lane niya na hit and run siya. Ayun may gasgas sa side mirror. Maingat magdrive yung kapitbahay ko na yun.Ganun pa nangyari sa kanya.Ayaw ko man gawin, tumututok na ko sa kotse sa harap kapag naka stop. Mas malaki kasi ang risk na magasgasan ng motor weaving in than maatrasan ng auto sa harap ko.
Pinaka asar pa ko pag intersection at una ako sa pila, nagkukumpulan lahat ng motor sa harap!!! Minsan aapakan pa pedestrian lane.
Sent from my GT-N7100 using Tapatalk 4 Beta
Buti dito sa amin sa madrigal bawal yung apakan mo ang pedestiran lane motor or kotse ka pa..Kaya yung mga motor nasa side or nasa likod ng sasakyan.Nung hindi ko pa alam yung bawal apakan yung pedestrian lane na yun sinagot ko yung traffic enforcer na "Ako una dapat hulihin mo yung motor dahil sumigit sa harap ko.Bakit ako huhulihin mo?"
Sagot ni enforcer delikado daw kasi yun.
Sagot ko "Delikado din yung motor na yun dahil nasa unahan ako.Kaya lang ako umusad dahil sumigit nga siya sa akin kahit na nasa unahan ako."
Yung rider umatras pa eh.hahaha.Natakot mahuli.hahaha.
Umalis na ako dahil green na.
Sana ganun lahat ng road para hindi yung may sisingit na motor sa harap mo kahit na una ka na.
Last edited by gearspeed; August 25th, 2013 at 02:50 PM.
Delikado yan, baka mag-cause ka ng accident. Kargo de konsensya mo yun kahit anong mangyari, dahil ikaw nag-introduce ng danger by slowing down with the intent to harass another driver. Sana magbago na tayo sir, di kayo may-ari ng kalsada, lahat po ng tax payers, at baka magulat ka mayayaman ang ibang naka-motor baka masmahal pa auto ng mga yan sa auto mo, at baka masmarami pa sila bahay at lupa sa iyo, at baka masmalaki pa sweldo nila sa yo at masmalaki naibigay na tax para sa paggawa ng kalsadang pinagmamadamot mo, mahiya po tayo sa balat natin, para kang nagdamot ng pagkain na di ikaw ang bumili.
Yep, some of us cage driver-bike riders understand this, kapag o-overtake ka o ca-counterflow ka either on bike or cage dapat tantyado mo at di ka makakaperwisyo. Sad to say, marami pa rin ang motor rider na di muna nag-aral ng tamang pagmamaneho. Ang dali kasi makakuha ng lisensya eh. So far marami din naman cage drivers na ganun din, araw araw may makikita ka na pasaway sa driving on both types ng sasakyan.
Yep, tama ito. Madulas nga ang pintura, I know hehe, makintab kaya yan pagbasa, alam mo na madulas, kaya kung o-overtake ako o panandaliang counter flow at di maiiwasan ang pintura, sisiguraduhin ko na walang biglang kabig, biglang preno, or sisiguraduhin na isang iglap lang nasa ilalim ng gulong ko yan.
Wanna bet, baka magulat ka? Baka manliit ka sa iba sa aming naka motor di lang iisa auto, kung kumita 6 digits na sweldo pa lang, wala pa dun negosyo ng iba sa amin. Kaya hinay hinay lang sa pang-aapi at panliliit, iba sa amin enthusiast talaga kaya preferred bikes most of the time more than our cages.
Di namin dinedepensahan kagaguhan nila, dinedepensahan namin pang-ge-generalize nyo sa lahat ng motor, name calling, pang-aapi sa lahat ng motor, pang-mamaliit sa lahat ng naka-motor, pagmamaneho nyo ng cage na di natatakot makapatay ng rider, pagdadamot sa kalsada.
BACK READ KA MUNA. Read my previous post, at ng maliwanagan ka. Sa totoo lang we check our own ranks and try hard to educate everyone riding in two wheels kaso sobrang dami at marami sa kanila wala na paki-alam sa information drive at pag-alam ng tamang driving both on cages and bikes.
TAMA. Kahit ilan gulong mo, 2 or more kung mali ka, mali ka. Kaya sa ibang bikers na kilala ko kung alam nilang sila mali sila na nagbabayad ng gastos kung may na-aberya, minsan nga share costs na lang kahit yung isang party ang mas-nagkamali. Me, di ko alam, di pa ako nakaka-aberya on my motorbike or my car/van/tricycles. Kasi lahat ng diksarte ko sa kalsada, iwas sabit, iwas bangga lagi. Gamit ko lahat ng safety features kasama na mirrors diyan, lights, reflectors, at common sense, kung di kaya, wag pilitin, malamang disgrasya kung magpupumilit. Hehe.
Tama, respeto sa bawa't isa dahil di naman lahat ay pasaway.
Ang kailangan ng bawat driver, cage man o two wheel ay proper knowledge and SKILL on driving their vehicle. Marami kasi makapagkambyo at silinyador lang ok na, kahit mali mali timing at mali malit tantya sa space at speed. Bugok ang tawag dun, mag-practice ka muna sa driving school. Yung overtake/counterflow di maiiwasan yan, just perform it with no hassles on other drivers, no accidents. Sa tagal ko na nagmamaneho on both vehicle types, wala ako aberya sa iba, minsan lang shoot ako sa kanal, pero kasalanan ko yun at walang na-aberya (believe it or not, na-shoot na ako sa kanal both on bike at car) hanggang ngayon pinagtatawanan ko pagkakamali ko hahaha.
Ganoon pala ang laki ng kita ng ibang cager... Mas dapat mag ingat sila sa kalye... Dapat di mc ang sakyan nila dahil kapag nadisgracia sila zero digit na ang kikitain nila.... Sayang ang buhay nila kung minalas... At mas kamalas malasan baka invalid pa habang buhay at doon mag sisisi.... Hindi naman maramot ang cager... Ayaw lang namin na may kasabay o katabi at may mc sa unahan....Ayaw namin na madamay sa disgrasia nyo... Maraming pwdeng nangyari... Pwdeng dahil sa init nka helmet mahilo... May tumulong pawis sa mata at lumabo na ang paningin... Sumemplang.... Magkaroon ng moisture ang loob ng helmet dahil sa ulan at init ng hininga... Lahat ng yan delikado sa riders... Pag nakataon.... Madidistract na sila...mawawala ang balance... Sasalpok sa ibang sasakyan... Ngayon sino ang magbabayad ngnperwisyo? Ang mga riders ba? Hindi... Kundi ang nadamay na cager...kawawa naman kami nadamay lang... Sa investigation? Aamin ba na lumabo ang helmet ninyo at wala kayong nakita? Syempre hindi... Dahil alam ninyo mostly may insurance ang mga cager..... Kaya dapat magkaroon din ang mga mc ng life and accident insurance... Comprehensive dapat i-require sa inyo.
Sent from my GT-P7510 using Tapatalk 4
Ser serialmaus, care to elaborate on the international standard specs of the motorcycle lanes abroad? Ive heard of lane splits. i just dont know how could it be possible for our narrow roads. Hindi ko kasi pansin Itong motorcycle lanes sa iilang Bansa na narating ko. Yung sa lane change rules, I agree. Bad trip nga eh andami dami ng u turn slots, kesyo a yaw magaksaya ng onti gasolina na lumayo ng onti, eh mag titiis ka na Lang gumitgit para maabot mo next turn. Cases in point: u-turn slots on aurora blvd in front of lrt katipunan station and c5 libis in front of road to Eastwood. Too short a distance to negotiate the next turn and too big of a bottleneck sa road users. Common place for fender benders and sagian moments.
I'm a bike rider too and sometimes I believe there's some logic to the wisdom of some big bike riders I spoke with before: they say that a bike rider should be a little faster than the current traffic speed. Otherwise, he is a hazard to himself and to anyone around him. They say LITTLE and that means a bike rider can avoid a potential danger. Stop-and-go na traffic tatakbo pa ng mabilis, at Naka open noisy pipes pa, plus siksik pa ng siksik eh malamang makakadali nga talaga.
QUOTE=SerialMaus;2211047]Visit other countries and see how a motorcycle lane is supposedly implemented, then look at ours, some have barricades that can be deadly, the lane is placed in dangerous zones, the lane condition is very bad in some areas, the lane change rules when making a turn is too short distance and very deadly, and most notably, it's not exclusive to motorcycles. We are actually fighting for our rights via MRO (motorcycle rights organization, look for us on FB).[/QUOTE]
At tanda ko nga pa ala may nag-post regarding sa motorbike riders na mukhang unggoy daw sa kaka-signal gamit paa at kamay.
Baka naman kasi part sila ng bike ride group at the time, may signals talaga sila sa bawat member ng group ride for safety ng buong group yun. And we use this in our group rides.
![]()
[/QUOTE]
Sir actually nabanggit niyo yung concerns na dapat followed sa standards, basta dangerous and adds sa danger, wala sa standard yun. Isa na dun, may ibang mc lanes sa ibang bansa, exclusive, wala sisingit na cage, like sa Malaysia well when I was in a taxi sa tollway nila, mismong tollways dun, may mc lane bawal cage, take not libre pa ang toll fee ng mc. Sa Japan, di ko napansin if may MC lane, pero may mga MC sa kalsada, take note di sila binabarubal ng kapwa nagmamaneho ng cage at di nila need makipag gitgitan sa cage. Sa South Korea when I was there, almost like Japan, so wala siguro issues between cages and riders magaganda kasi kalsada nila, maluluwag, at may respetohan. Not worth noting sa African continent na nakita ko, maluwag nga ang daan, pero nakakatakot gumala hehe so di ko na napansin if may MC or MC lanes dun. Sa google search din we can affirm that our MC lane is substandard and dangerous. Sa China, well in Beijing dahil yun lang napuntahan ko, malalawak kalsada, may bike lanes, at may bicycle lanes pero like dito, hindi exclusive eh, so gitgitan issue din sila, hehe. And may family members kami na nakatira na sa US permanently, so I hear different story about MC lanes.
Post Note: As I interviwed my uncle sa US, wala daw silang alam na MC lane, ang alam nila may Car Pool lane, and yun ay utilized din ng motorbikes. And it looks walang standard pa ata sa MC Lanes, mukhang under improvement pa ito, and searches only show one-two-three only not even 6 countries using MC lanes. We are being used as guinea pigs here sa Pinas, ampfff.
Sir, i commend your efforts to discipline your ranks, but may i remind you that we are in a democratic state. Our right to say something does not hinge on the amount of earnings we contribute to society. I may not like what you are saying but I will defend your right to say those things.
The fact remains that most of mc riders do not have manners, violate established rules and act as if they cant go wrong. These cannot just be erased due to some undisciplined cagers. If you want to rant about cagers, then please create a separate thread. This thread is about our rants against mc riders.
Sent from my GT-I9505 using Tapatalk 4