
Originally Posted by
misseksaherada
Masama ba ginagawa ko sa mga 4+ lanes na hi-way, yung nearest u-turn agad pinipilit ko (e.g. Commonwealth, Marcos Hi-Way ng Cainta)..
(1) Sa Commonwealth, kapag lalabas na ako UP Ayala Technohub, ang lapit na ng U-Turn.. Hinahabol ko yun, kaya lahat ng sasakyan bubusinahan ako sa mabagal ko na change lane hanggang makarating na ako sa fast lane.. [emoji28]
(2) Ganito din eksena kapag manggaling man ako Felix Ave. or Ligaya/Manggahan Pasig.. Pag-join ko sa Marcos Hi-Way, mag change lane na naman ako na mabagal papunta fast lane.. Katakot-takot na busina uli..
Dahil nasanay na ako, pinagtatawanan ko na lang yung mga nagbubusina sakin.. Kasi as if naman makakatulong yun sa pag-change lane ko, ikakabilis ko ba yung busina nila at lagi naman ako naka-signal din.. Kaya nga mabagal kasi ina-assess ko sa mirror ko kung pagbibigyan ba ako nung next lane na lilipatan ko kasi nga hi-way mabibilis talaga ang sasakyan..
Ano ba dapat ang tama? Talagang i-drive ko pa ba yung napaka-layo na next U-Turn?