Pansin ko nga mas dumami ngayon ang balasubas na mc riders. Madalas gamit ko yun underbone ko kapag short trips at lintek ang overtake sa kaliwa at kanan na nagkakarera pa. Gawin ba kaming obstacle course kapag slow moving ang traffic! Lintek! Wala man lang lingon sa pag weave kahit alanganin isingit pipilitin pa din! Minsan tuloy parang ayoko na magmotor! Idadamay pa ko ng ibang kabaro na hindi nag-iingat!