Sa tagal ko din sa daan IMO, karamihan talaga ng rider mga pasaway..

One time Nakasunod ako sa isang elf truck, mabagal almost 40 kph lang along marikina, 2 lane hiway na may bike lane, nag senyas na ako sa truck na oovertake ako medyo gumilid na yung truck konte para paunahin ako, so naka bwelo nako para mag overtake, habang pa overtake may rider padating kasalubong kahit na malayo pa siya, nag flash ako ng headlights, in split seconds binilisan ni rider at sasalubungin ako hindi siya gumilid, as in gulat na lang ako malapit na at wala siyang balak tumabi, ako ang natakot para sa kanya.

Nagmamadali ako bumalik sa lane likod ng truck dahil gipit na ako, nung halos makabalik na ako tinaas niya yung kamay niya sakto sa side mirror ko para hampasin sa lakas ng impact mabuti na lang hindi nabasag side mirror. yung katabi ko sa harap napa sigaw sa lakas, nagawa ko na lng tingnan siya sa rear view mirror palayo. malalakas talaga loob ng karamihang rider feeling nila marami silang buhay lalo na kung makasingit.