New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 9 12345 ... LastLast
Results 1 to 10 of 87
  1. Join Date
    Apr 2005
    Posts
    516
    #1
    Ang Pilipino STAR Ngayon 09/17/2006

    Binalaan ng pamunuan ng Philippine National Police-Traffic Management Group (PNP-TMG) ang lahat ng vehicle owners na huwag lagyan ng anumang stuffs, stickers o tinted plastic license plate ang plaka ng kanilang sasakyan.

    Ayon sa PNP-TMG, ang hakbang ay bilang tugon sa utos ni PNP Chief Director General Oscar Calderon na ang mga LTO license plate na nakalagay sa sasakyan ay dapat na malinis, clearly visible at madaling mare-recognize sakaling masangkot sa aksidente at iba pang illegal activities.

    "Lahat po, sibilyan, pulis, military, opisyal man o ordinaryong pulis, pinatatabi po namin sandali pagkatapos aalisin lang po namin yung kung anumang nakakasagabal sa LTO-license plate at isosoli sa car owners ang inalis na sagabal at papayuhan ang mga itong huwag ng lagyan ng mga sagabal na yan," ayon sa TMG.

    Ayon sa pulisya, ito ang ginagawang dahilan ng mga carnappers, bank robbers at ibang lawless elements, tinatakpan ang mga plaka ng kanilang mga sasakyang ginagamit sa pagnanakaw. Napuna ng LTO na dumarami na ang mga sasakyan na gumagamit ng tinted frame sa plaka ang kanilang mga sasakyan. (Angie dela Cruz)

  2. Join Date
    Jun 2006
    Posts
    6,105
    #2
    That's crazy. Bakit di na lang nila i-confiscate? or basagin na lang? alam mo naman mga pilipino, ikakabit lang yan ulit kung ganyan kabait ang enforcers.

  3. Join Date
    Jul 2006
    Posts
    3,601
    #3
    Di naman yata pwedeng basta-basta i-confiscate, pero they can fine/penalize you. Ok na ito, at least nga binabalik pa. Babala pa nga lang. Kung makulit yung mga tao naglalagay nito, maghihigpit sila. Baka huli kagad, wala na lusot lusot.

  4. Join Date
    Aug 2005
    Posts
    354
    #4
    Tama lang, yung iba kasi hindi mo na mabasa plate# dahil tinted glass cover nakalagay.

    Peace sa mga naka tinted glass cover

  5. Join Date
    Mar 2005
    Posts
    1,011
    #5
    While they're at it they might as well arrest these people. People who try to hide their plate numbers can only be up to no good...

  6. Join Date
    May 2005
    Posts
    4,819
    #6
    it's about time... sana nga lang hindi ningas-kugon...

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    4,388
    #7
    tatanggalin lang? dapat may fine rin.

  8. Join Date
    Aug 2006
    Posts
    108
    #8
    Agree ako dyan... Madami talaga pasaway na
    Filipino.

  9. Join Date
    May 2006
    Posts
    8,357
    #9
    Iconfiscate na lang dapat yung mga tinted plate covers tapos basagin na para hindi na pakinabangan.

  10. Join Date
    Aug 2005
    Posts
    576
    #10
    dapat talaga basagin nila. wag nang isoli...

Page 1 of 9 12345 ... LastLast
TMG nagbabala vs TINTED Frame sa Plaka ng sasakyan