New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines



Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 10 of 16
  1. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    16
    #1
    Ok, hindi naman talaga issue yung pagkakatama sa side mirro ko. Ang hindi ko nagustuhan ay yung attitude na ipinakita sakin nung driver.

    Hindi ko alam name nung street, pero perpendicular siya sa West Ave. at may church sa kanto. Nandito rin yung building na ang tagal ng ginagawa.

    Bale ~200 meters away from the stoplight, ginagawa yung kalsada so medyo masikip. Hindi ko masiguro kung 2 lane pa ba yung road kasi 1 lang yung nakasalubong ko kanina at hirap na hirap makalusot considering na maliit lang yung kotse (Honda City). Habang nakapila, may isang puting Pajero (ECP 32*, hindi ko na ilalagay yung last digit... 1,2 o 3 lang pagpipilian...) na nagpumilit sumiksik sa gilid ko dahil nainip na ata sa pagpila at kahihintay. Napansin ko na mabilis ang dating niya at nakasampa na sa mga pinagbungkalan. Akala ko nga masasabit niya ako, pero bigla siyang kumabig at sa kasamaang palad ay inabot yung side mirror ko. Hinintay ko siyang prumeno at bumaba ng auto para humingi ng dispensa, pero nagtuluy tuloy lang siya. Hindi ko na pinansin kasi maliit lang naman yung tama ng side mirror ko, tinandaan ko nalang yung plate number para mapost ko dito. Hehe.

    ~30 meters away from the stoplight, inabot ako ng red at nagkatabi kami. Nakaparada siya sa tabi ng simbahan. Since katabi ko naman na, naisip kong sabihin sa kanyang tinamaan niya yung side mirror ko just in case hindi niya napansin. Ibinaba ko yung bintana at kinawayan ko siya.

    Siya: "Bakit?"

    Ako: "Tinamaan niyo ho yung side mirror ko." (mas matanda kasi siya)

    Siya: "Saan mo gustong dalhin? Irereport natin?"

    Ako: Hindi maganda yung pagkakasabi niya, presko.
    "Hindi niyo na ho dapat ipinilit yung Pajero niyo, kita naman natin na
    masyado ng masikip yung kalsada kasi may ginagawa."

    Siya: "Pareho lang naman tayong may damage eh."

    Ako: Ok, ang presko talaga.
    "Kayo ho ang nakabangga, hindi issue kung pareho tayong may
    damage."

    Siya: "Kaya nga humingi ako ng dispensa."

    Ako: Hindi naman siya humingi ng dispensa.
    "Hindi naman ho kayo prumeno nung tinamaan niyo yung side mirror
    ko para humingi ng dispensa."

    Siya: "Kaya nga aksidente, wala tayong magagawa."

    Ako: Ang labo ng mga sagot niya kaya aalis nalang ako.
    "Pupunta pa naman ho kayo ng simbahan at may bata sa tabi niyo
    pero ganyan ang ugali niyo."

    Ayun, namutla siya pagkatapos ng last statement ko, napahiya ata sa sarili. Anyways, wala sanang Tsikoteer na tumulad sa kanya. Hindi na huminto at humingi ng dispensa, hypocrite pa.

  2. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    209
    #2
    dami talagang bastos na driver..tsktsk..last week ng palabas ako ng subd namin un pajero sa harap ko binabaan un driver ng revo.kasi malayo pa un revo kaya clear naman para kumaliwa binilisan ng revo para di makadaan un pajero, muntik na nya mabanga un pajero..e tapos tumigil un pajero sa harap ng revo,bnabaan sya ng bintana ng driver ng revo tapos pnapaalis sya dun sa dadaanan nya.kaya ayun pnuntahan nya pa un driver.sigawan pa sila
    Last edited by papao; October 10th, 2005 at 02:14 AM.

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    4,387
    #3
    ang labo nga kausap ng mga ganyang tao. tsk tsk. pag minamalas ka talaga minsan ganyan mangyayari sayo. buti na lang minor lang ung damage. ingat na lang sa susunod. kaso kahit maingat ka ung iba naman hindi maingat. kaya sana wag ka na lang malasin sa susunod. hehehe

  4. Join Date
    Aug 2004
    Posts
    1,626
    #4
    Quote Originally Posted by cvc6
    "Pupunta pa naman ho kayo ng simbahan at may bata sa tabi niyo pero ganyan ang ugali niyo."
    baka kaya magsisimba, to ask forgiveness for his sins...

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    665
    #5
    sana dinagdagan mo pa ng
    "ang ginagawang mali ng matanda ay tama sa mata ng bata"

  6. Join Date
    Jul 2005
    Posts
    151
    #6
    buti nalang ang haba ng pasensya nyo, which is great, kung may kunting damage k sa car sa kanya un pagkatao, mas malala...keep it up man...

  7. Join Date
    Dec 2004
    Posts
    116
    #7
    ganyan din ang nangyari sa akin minsang sakay ako ng maxi-scooter ko....biglang nag-cut isang Honda Civic sa harap ko at mismo sa tapat ng bahay nila sabay hinto......bumaba ako sa motor ko then ask him bakit sya barumbado? Nagmamadali daw sya.....
    siya: may reklamo ka ba?
    ako: OO, sabay sunggab sa kanya, sabay sapok...dugo agad ang ilong....hehehe, umawat ang esmi nya (***y)...at sila ang nag-away!

    kaya pla nagmamadali ay nag-aaway silang mag-asawa sa kotse....nadamay lang ako!

    hingi ng paumanhin yung misis ng gagong driver.

  8. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    14,824
    #8
    Tsk tsk tsk.

    Dami talagang ganyan sa daan.

  9. #9
    It good that you kept your cool, keep it up. :cheers:

  10. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    6,796
    #10
    people like him who give catholics a bad name...haaayyy..

    hipokrito nga.sobra.

Page 1 of 2 12 LastLast
Tinamaan yung side mirror ko...