New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 3 of 3 FirstFirst 123
Results 21 to 28 of 28
  1. Join Date
    Feb 2011
    Posts
    23
    #21
    actually nag-iisip ako na bawasan yung 3k na hinihinge ko kasi dahil sa awa pero pag naiisip ko na pag ginawa ko yun, baka di madala.

    mabuti na yung maghirap silang maghanap ng pera para malaman nila na hindi lahat ng bagay kaya nilang takasan.

  2. Join Date
    Oct 2007
    Posts
    2,113
    #22
    GOOD! tama yan nang madala yang mga bwiset na yan, napaka barumbado magmaneho pag naka disgrasya tatakasan tapos pag nahuli magmamakaawa, kaya lumalakas loob dami kasi pinapabayaan nalang,wag ka maawa kahit dalin pa mga anak nila ganon din nangyari sakin bumper din, parang tulong ko nalang daw sabi ko tinutulungan ko lang yung karapat dapat tulungan mga gaya nyo NEVER! Pag sakin sisingilin ko lahat pati perwisyo pag ayaw kakasuhan ko di baleng gumastos ako

  3. Join Date
    Mar 2011
    Posts
    45
    #23
    Sana pinicturan mo si driver at pinost dto nung nabanga kayo

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    40,092
    #24
    walang mangyayari kung puro awa paiiralin...kaya hinde nadadala mga hayop na yan eh.

    walang connection yun kahirapanan niya sa ginawa niyang pagtakas.

  5. Join Date
    Feb 2011
    Posts
    23
    #25
    Maayos ko naman na kinausap yung asawa at ako pa ang humingi ng pasensya na kailangan nilang magbayad at sabi ko na kung maayos sana yung ginawa nung asawa niya nung binangga niya kami di kami hahantong sa ganito.

    Naging matigas na rin kasi ako sa ganito kasi before naman binangga yung honda city namin sa may tagaytay ng isang scooter nung magpapark na kami sa may Bag of Beans. Yung driver nung motor kasama yung asawa niya at anak niya na nakapuwesto sa harap nung driver. Nakatutok masyado dun sa kotse namin kahit nakasignal na yung kapatid ko na kakanan na siya, nung magbreak yung driver ng motor, di na nacontrol nung driver yung motor niya kasi muntik humagis yung anak niya na nasa harapan at dumiresto yung motor sa bumper namin, ang resulta, yupi at butas ang bumper.

    Tumabi naman at nakipag-usap, bago pa lang nagmamaneho ng motor kaya daw di natantya. Eto na, nagmamakaawa na pagpasensiyahan na lang daw namin at aksidente daw at wala silang pambayad. Yung mother ko nagmatigas ang sabi niya, "ang lakas ng loob niyong tumutok tapos pag nakadisgrasya kayo wala kayong pambayad ", umiyak na yung asawa at kesyo ganito at kesyo ganyan. Kinuha ko na yung lisensya nung driver at mukhang may balak umalis. Naghanap yung asawa ng mahihiraman ng pera habang naiwan yung driver. Pagbalik may dala ng 2 lalakeng mukhang goons, yung isa ninong daw niya, kala siguro masisindak kami, e palaban nanay ko, ang binibigay sa amin 3000 lang e ang premium ng nanay ko sa insurance 4500 so sabi namin hindi, para talaga madala. Iyak na naman yung babae, e nakita niya na wala ng pake yung nanay ko sa kanya at talagang di namin ibabalik yung lisensya pag di sila nagbayad, biglang naglabas yung ninong nila ng isang libo which is kulang pa rin pero mukhang talagang wala ng mapipiga pinabayaan na namin kasi 3 oras na yung nasayang sa amin.

    Nung dinala sa casa 11K ang esitimate kasi butas at kailangang ifiber ulit at align at sealant nung rear window dahil nagkaleak which I dont think na dahil dun sa bangga sa bumper ang dahilan saka palit ng reverse light. Well, CASA lahat ng puwedeng isingit isisingit.

    Thankful pa rin ako na kahit may mga ganitong mga aksidente, wala namang nasasaktan sa amin.

    *Emperor: sir, di ko na nakuhang kunan ng picture yung driver kasi sa galit ko na rin nung kinakausap ko siya tapos nung kumuha ako nung police dun naman kami tinakbuhan. yung tama dun sa kotse yun ang marami akong picture hehehehe.

  6. Join Date
    Oct 2008
    Posts
    1,093
    #26
    More often than not, the driver wouldn't have probably learned his lesson yet. The fact that he still made ridiculous excuses even when he was already seeking you for settlement shows the warped sense of logic PUV drivers seem to employ in an accident.

    "Lahat ng ibang tao ang mali, pwera lang sila."

  7. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    2,979
    #27
    Singilin mo lahat ng gastos at abala na ginawa sa inyo, hindi magtitino yan kung papalampasin ninyo... Nabangga na rin ako ng jeepney before... tatakasan din sana ako kaso hindi na tumakbo yun sasakyan nya..... after magkaareglohan kami at ipagawa yun sira ng sasakyan eh pinirmahan ko na para marelease sila ng pulis.... nagkamali ako sana pinahirapan ko yun mokong since hindi lang pala ako ang nabangga niya within that year.... meron pa na run-over na bata na namatay..... dapat sa mga ganyan pinagtatanda

  8. Join Date
    Sep 2011
    Posts
    6
    #28
    It's handy to have contact numbers at hand, para hindi na aalis sa scene ng incident as much as possible. Or call MMDA 136 hotline immediately.

Page 3 of 3 FirstFirst 123
Tinakbuhan Kami ng Isang Jeep TVV 533