nung bagong palit sa mga traffic lights yung mga arrow sign na at wala pang timer, nahihirapan talaga ako lalo na sa tanghali kasi di ko malaman kung anong kulay na. colorblind kasi ako kaya nahihirapan ako pag natamaan ng sinag ng araw yung traffic lights na arrow, pero yung old na traffic lights na tatlong bilog hindi talaga ako nahihirapan. pero nung dumaan na ako sa ilalim ng nagtahan bridge papuntang sta.mesa galing naman ako mendiola nakita ko yung may timer na traffic lights at sabi ko pa sa sarili ko na " ito gusto ko may timer na at di na ako mahihirapan ". at nung nag countdown na ang timer naghihintay kami mag go, pagdating ng coundown 5,4,3,2 syempre handa na ako bumirit at 1,0 birit kaagad, wow dalawa lang pala kami dumiritso nasa gitna na kami sa kalsada iba pala nag go pero nag zero sa timer namin. mabuti nalang naka motor ako madali lang maka singit pero si manong enforcer naka abang na sa kabilang kalsada.
Kontrolado ng mga T.E. yan mga traffic lights dyan lalo na palagi congested ang lugar at dami dumadaan basta rush hour (7AM - 9PM) ayon lang naman ito sa napansin ko pag dumadaan ako dyan.
these timers shouldn't be controlled by traffic enforcers. malapit pa sa disgrasya yang ganyan.
the countdown timers are programmed (supposed to be) based on a TRAFFIC IMPACT STUDY. not by any sensors or whatsoever. may takdang haba o iksi ng countdown per time of day (rush hour) and day of the week (working days, weekends). but i believe hindi ito ginawa (or pina-study) ng govt natin dahil mahal ang ganun. so, lumalabas, mano-mano or kung ano ang nakikita ng TE sa kalsada. so balewala ang "technology" or pagiging automatic ng stoplights kung kontrolado din ng tao.
meron kalye sa likod ng ust. forgot the street. check ko ulit pag napadaan ako. kung mangagaling ka ng quiapo ang tumbok nun lacson na. anyways, ang lokong mga traffic enforcers, nasa ilalim ng signal lights na naka off. ilang beses ko n napansin tapos biglang maninita ng mga dumadaang vehicle. kung ikaw ang motorist, mag dadalawang isip ka kung mag go-go ka or hindi kasi bka bigla kang sitahin ng mga buwaya.
It is useless to have timers kung ganyan lang din. Maraming estudyante sa grade school magtatanong nito, kung bakit hindi marunong magbilang yung traffic lights, bakit pagdating ng "1" eh napakatagal ng transition (these counters show number of seconds left).
Yes, I've seen many timed intersections, not just along espaņa, that have that kind of defect. Isipin mo minsan from 11 nagiging yellow bigla then red.