New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 3 123 LastLast
Results 1 to 10 of 26
  1. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    4,388
    #1
    nangyari to kanina lang sa may kamias corner edsa. stop ung traffic light, tapos bigla na lang may narinig akong kalabog. pagtingin may humalik na palang land cruiser sa likod ko, nag counter flow siya tapos saka pumasok don sa right lane, unfortunately nabangga niya ko. akala ko kupi na ung bumper ko, buti pag tingin ko wala naman. ang tagal kong tiningnan ung may-ari hinihintay kong bumaba. ewan ko kung ano nasa isip. bigla nagtanong kung tumama daw ba. hello!!! bababa ba ako kung hindi tumama. nung pagbaba niya bigla niya inatras ung kotse kasi nakikita niya na na pinipicturan na nung kasama ko. kaso out of memory na ung phone kaya hindi kagad nakunan. nakunan na lang nung naiatras na. nung pagbaba niya sabi niya wala naman tama. e madilim non, so tinitingnan ko maigi. parang wala namang damage so sabi ko sa tabi na lang kasi abala na kami sa traffic. nung patabi na ako aba hindi sumunod. nag beating the red light pa siya sa may edsa. sinundan namin hanggan sa mag abot kami. pinalo ko ung pintuan niya, bigla ba naman sabi ano daw ba ginawa namin sa kaniya. **** parang hindi niya kami nabangga ah. so sabi ko tumabi siya. nagsisigawan na kami non sa kalye. ang tagal pa rin bago tumabi, tinututukan ko lang siya. tapos nung tumabi sinipa ung kotse, buti mahina lang. ewan ko kung nagtatapangtapangan lang kasi ung itsura niya hindi mo alam kung kabado oh ano. sumasagot siya pero papunta naman siya sa sasakyan niya. ung kasama kong babae ung sumasagot, sabi tumawag na lang daw. ung gagong may-ari naman sumagot na sige magtawag ka. samantalang nagpupumilit naman siyang bumalik sa sasakyan niya. nung hinarang nung kasama ko ung lalake pabalik sa sasakyan niya. bigla siya binuhat. parang nakakabastos para sa isang babae diba. at that point naisip ko na wala na to. talagang gago tong hinayupak na to. so inawat ko na ung kasama ko.

    ang sa akin lang naman, wala ngang damage ung kotse walang dent kasi pansin naman. pero nung nasa gitna kami siyempre hindi mo rin makikita ung mga gasgas kasi madilim, baka mamaya umabot hanggang primer un sigurado repaint pa un. hahayaan ko nanaman siya basta makita na maayos ung kotse sa liwanag. kaso bigla pa tumakbo. sabi niya hindi ko raw sinabi na tumabi kami. e nag beating the red light nga siya tapos busina pa ako ng busina sa tabi niya. hindi pa siya titigil kung hindi ko pa pinalo ung auto niya.

    madali naman un eh, basta ba walang damage ayos lang saka tutal alam naman pala niyang walang tama eh bat hindi pa siya pumayag tingnan sa liwanag. ewan ko lang, parang may kutob ako na may iba pang tinatago un eh. siguro ung counterflow niya o baka may iba pa. kasi kung wala naman eh di sana hinintay niyang may dumating na pulis. saka nung sabi niyang sige tumawag pilit siyang umalis.

    ewan ko siguro na taranta ung gagong un, kasi sumisigaw na ung kasama kong babae kung bakit niya inatras ung auto.

    nakakasira ng araw. buti nung pauwi dinaan na lang namin sa tawa, kasi ang liit nung intsik na lalaki nabuhat niya ung babae namin kasama. may katabaan kasi un. hehehe.
    Last edited by flakez; September 17th, 2006 at 12:59 AM.

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #2
    You should've gotten in touch with the vehicle's owner regarding the matter. If only to tell him/her how his/her vehicle is being used.

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    4,388
    #3
    Quote Originally Posted by OTEP View Post
    You should've gotten in touch with the vehicle's owner regarding the matter. If only to tell him/her how his/her vehicle is being used.
    oops my bad. i mean ung owner. nasabi ko lang na driver kasi siya may dala pero siya talaga may-ari non.

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #4
    Bakit kaya siya tumkbo? That's wierd. Sa kanya naman pala yung sasakyan why can't he live up to what he did? Kung malakas ang loob niya sumalubong, he should at least be amenable to its consequences.

    The area is familiar with me. Madami akong kapatintero diyan dahil sa counterflowing vehicles (papuntang EDSA). I'm usually travelling in the opposite direction (galing EDSA papunta kina Glenn).

    Sinipa pa niya kotse mo at binuhat kasama mo? Kung ako iyan sinipa ko na mukha niyan. O kaya aatrasan ko ng sasakyan ko yung LC niya. Beterano na sa banggaan pwet ng Pajero ko.

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

  5. Join Date
    Jan 2005
    Posts
    4,866
    #5
    buti na lang natiis niyo na walang gawin sa kanya. hehehehe.

    i might have done otherwise. :lol:

  6. Join Date
    May 2006
    Posts
    1,049
    #6
    Kapag may ganyang incident, ano ang dapat gawin?

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    4,388
    #7
    yup, tinapik ko daw kasi auto niya. may mga kasama ako saka ayoko na rin makipag-away baka ano pa mangyari. pero mag-isa lang naman siya kaya pwede na rin ako makipag-sabayan. hehehe. ung isa kong kasamang babae ung galit na galit. tutal ung sipa niya wala rin naman nangyari, ewan ko ba kung nagtatapangtapangan lang. kasi kung ako bababa tapos sisipa ako ng kotse sigurado hindi lang dent un. ung sipa niya parang tapik lang eh. tapos nung magtatawagan na parang nagpupumilit na nga umalis. hinayaan ko na lang kasi nagkatulakan na. baka ano pa mangyari, ung kasama ko kasi sabihin na nating may posisyon. may kausap siya kanina, pupuntahan niya daw bukas humihingi ng advise. parang sa nbi ata. ewan ko lang kung ano gagawin. sabi ko hayaan na lang tutal wala naman damage. kaso ung nangyari sa kanya ung nakakabastos eh.

    gusto ko lang i-share dito para mailabas ko. hehehe.
    Last edited by flakez; September 17th, 2006 at 01:14 AM.

  8. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #8
    Quote Originally Posted by swimstroke View Post
    Kapag may ganyang incident, ano ang dapat gawin?
    Pwede mo na siya kaladkarin sa police station. Andun lang sa ilalim ng flyover. Ipa-blotter mo na. Dun kami nag-pablotter ng hit and run a few months ago. Nandiyan kasi yung traffic sector na sumasakop sa Timog area.

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    4,388
    #9
    may nakita nga pala kaming pulis, tinigilan namin. kaso tinuro lang kami sa station. hindi man lang nagradyo para ipapigil ung nakabangga....

    gusto ko lang naman makita sa liwanag, pag-ayos eh di sibat na. bigla pa tumakbo. tingin ko may tinatago un eh.....

  10. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    2,849
    #10
    feeling ko natakot den yun... kaya tuloy tuloy sha nung nag papark na kayo. hehehe

    buti na lang wala serious damage sa auto nyo sir.

Page 1 of 3 123 LastLast
TCC 884: red land cruiser