Hehe, napagtripan ako kanina ng isang silver Exped. Simula Libis hanggang Katipunan bumuntot sakin kahit na hindi ko naman inagrabyado at binigyan ko ng daan para makalagpas. Pagbaba ng tulay ng Katipunan, tinaasan pa yung ilaw tapos mas tumutok pa. Medyo kinabahan ako kaya hinatawan ko, pero humabol parin. So, nang nakakita ako ng isang mabagal na tricycle at barikada para sa mga uu-turn, binagalan ko ng konti at ng medyo malapit na ako sa barikada, bigla akong lumiko sa lane nung tricycle. Hehe, malayo pa sa tricycle, pero kung Exped maaalangan na. Aba, humabol parin pero tingin ko nakalawit siya ng konti nung barikada kasi biglang prumeno. Muntik din niyang tamaan yung tricycle. Tingin ko lasing na galing sa gimik ang may dala.
Anyways, sa malamang may gasgas naman na yung Exped niya kaya matututo na siguro yun.