been driving kasi halos dito dito lang sa muntinlupa area and alabang for how long na rin pero napansin ko lang kahit nung pasahero pa lang ako before or kahit ngayong i'm driving our car eh napansin ko bakit dumami na sa kalsada ang mga pampasaherong sasakyan (like jeepneys at tricycles) na walang mga ilaw? especially kahit brake lamps or signal lights. (pati mga motorcyclist mga walang ilaw day or night!) our car almost got hit by those s*ckers kahit defensive driving ako palagi. tapos sila pa yung tipong may ganang magalit or tumitig ng masama! one time din may kasabayan akong jeep and the other one dati eh truck, magkapantay kami ng speed (ongoing) at magkatabi lang kami ng bigla ba namang liliko pakaliwa (left lane kasi ako nung time na yun) kahit katabi pa ako, di man lang muna ako pinalampas! ang masama pa dun, mga wala silang senyas!
eh masama pa dun eh may pasahero ako sa tabi ng driver's seat at sa likod which is naka pwesto rin sa right. edi kung nabangga ako, edi hindi lang napahamak ang kotse namin pati mga pasahero ko madadali.
nakakainis lang kapag halimbawang nabangga ka na tapos ang magagawa lang nila ay mag sorry at magmakaawa sabay sasabihing wala silang pera pang ayos ng bangga tapos sasabihin pang pulubi lang kami. yan yung mga banat na nakakainis eh! why be drastic in the first place kung ayaw nila magbayad sa pagkakamali nila? maraming maaaksidente sa kagag*han ng isa eh!
i know mahirap ang buhay pero sana naman disiplinado sila at may gawin naman silang aksyon sa pagkukulang nila. delikado sila manatili sa kalsada eh, tapos karamihan sa kanila sila pa barumbado ugali.
sa mga enforcers naman na nasa sakop ng muntinlupa area, sana naman maging mausisa naman kayo hindi lang yung basta huli lang ng huli or kotong lang ng kotong! may nadaanan ako gabi one time sa may bayan, paliko ng katarungan yung jip while ako padarecho. walang senyas senyas sabay liko kahit may enforcer, wala rin siya signal pero pinalagpas lang!
ang daming jeep nagda-drag race araw araw lalo na pag nag uunahan sa pasahero yung iba magkaka away pa makabingwit lang ng sasakay, kawawa mga pasahero at ibang motorist sa kabakawan nila sa kalsada.
nasabihan ako dati lagi ng mga kamag anak ko na huwag na huwag kang babyahe kapag wala kang ilaw dahil delikado pero ngayon napaisip na ko lalo (lalo na nung muntik na kong mabangga dahil sa mga lokong yun) na para san pa ang batas kung hindi naman din nasusunod?
kahit ilaw man lang masolusyunan dito sa area natin mga fellow taga muntinlupa area at sana sa mga motorcyclist din na mahilig dumaan sa kabilang lane (opposite direction) para lang maka singit, tigilan nyo na sana yan dahil salot kayo sa traffic tuwing ongoing ang flow ng opposite lane. let's be a good driver and be disiplined na rin. sa kakasingit nyo sa kabilang lane eh lagi kayong nagbibigay ng chance na mahagip ang mga motorist na pa counter sa flow nyo eh. tsaka hindi kami ang dapat umiwas sa inyo kapag nasa linya namin kayo. bandang munisipyo pa naman halos nangyayari mga ganitong eksena (kung san meron madalas enforcer), mahiya man lang sana kayo sa abalang magagawa nyo
i admit i'm not a perfect driver pero sana kung ayaw natin ng aksidente eh sana magsimula sa atin ang pag iisip ng tama para mabago ang maling pag iisip! dapat may disiplina talaga kung yan ang punchline ng muntinlupa


Reply With Quote



