New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 10 of 20
  1. Join Date
    Oct 2008
    Posts
    944
    #1
    been driving kasi halos dito dito lang sa muntinlupa area and alabang for how long na rin pero napansin ko lang kahit nung pasahero pa lang ako before or kahit ngayong i'm driving our car eh napansin ko bakit dumami na sa kalsada ang mga pampasaherong sasakyan (like jeepneys at tricycles) na walang mga ilaw? especially kahit brake lamps or signal lights. (pati mga motorcyclist mga walang ilaw day or night!) our car almost got hit by those s*ckers kahit defensive driving ako palagi. tapos sila pa yung tipong may ganang magalit or tumitig ng masama! one time din may kasabayan akong jeep and the other one dati eh truck, magkapantay kami ng speed (ongoing) at magkatabi lang kami ng bigla ba namang liliko pakaliwa (left lane kasi ako nung time na yun) kahit katabi pa ako, di man lang muna ako pinalampas! ang masama pa dun, mga wala silang senyas!
    eh masama pa dun eh may pasahero ako sa tabi ng driver's seat at sa likod which is naka pwesto rin sa right. edi kung nabangga ako, edi hindi lang napahamak ang kotse namin pati mga pasahero ko madadali.
    nakakainis lang kapag halimbawang nabangga ka na tapos ang magagawa lang nila ay mag sorry at magmakaawa sabay sasabihing wala silang pera pang ayos ng bangga tapos sasabihin pang pulubi lang kami. yan yung mga banat na nakakainis eh! why be drastic in the first place kung ayaw nila magbayad sa pagkakamali nila? maraming maaaksidente sa kagag*han ng isa eh!
    i know mahirap ang buhay pero sana naman disiplinado sila at may gawin naman silang aksyon sa pagkukulang nila. delikado sila manatili sa kalsada eh, tapos karamihan sa kanila sila pa barumbado ugali.
    sa mga enforcers naman na nasa sakop ng muntinlupa area, sana naman maging mausisa naman kayo hindi lang yung basta huli lang ng huli or kotong lang ng kotong! may nadaanan ako gabi one time sa may bayan, paliko ng katarungan yung jip while ako padarecho. walang senyas senyas sabay liko kahit may enforcer, wala rin siya signal pero pinalagpas lang!
    ang daming jeep nagda-drag race araw araw lalo na pag nag uunahan sa pasahero yung iba magkaka away pa makabingwit lang ng sasakay, kawawa mga pasahero at ibang motorist sa kabakawan nila sa kalsada.
    nasabihan ako dati lagi ng mga kamag anak ko na huwag na huwag kang babyahe kapag wala kang ilaw dahil delikado pero ngayon napaisip na ko lalo (lalo na nung muntik na kong mabangga dahil sa mga lokong yun) na para san pa ang batas kung hindi naman din nasusunod?

    kahit ilaw man lang masolusyunan dito sa area natin mga fellow taga muntinlupa area at sana sa mga motorcyclist din na mahilig dumaan sa kabilang lane (opposite direction) para lang maka singit, tigilan nyo na sana yan dahil salot kayo sa traffic tuwing ongoing ang flow ng opposite lane. let's be a good driver and be disiplined na rin. sa kakasingit nyo sa kabilang lane eh lagi kayong nagbibigay ng chance na mahagip ang mga motorist na pa counter sa flow nyo eh. tsaka hindi kami ang dapat umiwas sa inyo kapag nasa linya namin kayo. bandang munisipyo pa naman halos nangyayari mga ganitong eksena (kung san meron madalas enforcer), mahiya man lang sana kayo sa abalang magagawa nyo

    i admit i'm not a perfect driver pero sana kung ayaw natin ng aksidente eh sana magsimula sa atin ang pag iisip ng tama para mabago ang maling pag iisip! dapat may disiplina talaga kung yan ang punchline ng muntinlupa
    Last edited by Burai; March 25th, 2011 at 11:51 AM.

  2. Join Date
    Oct 2010
    Posts
    309
    #2
    A long read but i totally feel you, sir. And not only is that rampant in muntinlupa but THE WHOLE ****ING PHILIPPINES!!!

  3. Join Date
    Jan 2010
    Posts
    107
    #3
    The LTO should make mandatory that all vehicles must have full insurance coverage such that in an accident, the insurance will cover the cost of the repairs, especially to the other party. Too many times the excuse has been "pulubi lang kami" etc etc.. kung walang pambayad, then they should not be driving... Hence the need for insurance. Where I live, comprehensive insurance is a must. When in an accident (minor one obviously), the drivers will exchange insurance details in order to fast track repair to their cars.

  4. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #4
    change title. delete muntinlupa. replace this with Philippines.......

  5. Join Date
    Apr 2007
    Posts
    285
    #5
    Pre,

    Tubong Munti ako... san ka sa Munti?

    Anyways, talagang nakaka asar mga public transport, kahit san naman. pero dyan sa alabang palengke, talgang nakaka high blood.
    At lately dahil mura na Motorsiklo, andaming JEJE-Drivers.
    Any ways, batch mate ko si Mayor, pag nagkita kami, minsan , babanggitin ko... who knows di ba?

    Pero stay cool while driving....

  6. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    2,979
    #6
    naku hindi lang sa muntinlupa yan pre! nag-aaway pa kami ni erpats kapag binubusinahan ko yan mga yan eh! langya 2-3 minutes nila sinasara ang kalsada kapag nagsasakay! ewan ko ba parang hirap na hirap sila imaniobra sasakyan nila para itabi muna bago magsakay.....

    parang may mabigat sa kilikili ng mga yan kaya ni ultimo pagsignal bago magpalit ng lane eh hirap na hirap.... may kulani din yata sa leeg kaya hindi lumilingon sa side mirror bago lumiko..... kaya ako iniiwasan ko gumawi ng maynila... tumataas presyon ko sa maynila... kundi ako mapapatay eh ako makakapatay sa inis.....

  7. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    25,068
    #7
    Maraming ibang thread ganito din ang reklamo. Maraming ginagawang terminal ang daan, lalo sa territoryo ni walang silbing Mayor Lim. Walang consideration sa ibang tao. Kaya lumalaki ang ulo ng mga ganun na tao. Pero pag may nadale, same ole tagline: "Pasensya na lang. I'm poor so that gives me an excuse to be a drug mule."


    Oops, wrong tagline...
    Last edited by Monseratto; March 26th, 2011 at 10:59 AM.

  8. Join Date
    Nov 2007
    Posts
    2,566
    #8
    common yan dito sa metro manila.. at sa ibang probinsya

    dapat ung title ng TS is

    Pilipinas... tara na. Kulang sa Disipilina

  9. Join Date
    Aug 2008
    Posts
    965
    #9
    Quote Originally Posted by Bruks_pt View Post
    The LTO should make mandatory that all vehicles must have full insurance coverage such that in an accident, the insurance will cover the cost of the repairs, especially to the other party. Too many times the excuse has been "pulubi lang kami" etc etc.. kung walang pambayad, then they should not be driving... Hence the need for insurance. Where I live, comprehensive insurance is a must. When in an accident (minor one obviously), the drivers will exchange insurance details in order to fast track repair to their cars.
    +1 Agree with this.

  10. Join Date
    Mar 2009
    Posts
    21,667
    #10
    Hahaha. Pag ako nakakaencounter ng ganyan, tatadtarin ko sila ng busina at mura. :hysterical:

    Dati nabangga ako ng jeep, hindi ko tinantanan kahit yung operator. Kaya nagbayad naman.

    Pero yeah, nakakag*go yung mga walang headlights/tail lights/signal lights.

Page 1 of 2 12 LastLast
muntinlupa nagkakaisa, kulang sa disiplina (motorist)?