New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 4 1234 LastLast
Results 1 to 20 of 73
  1. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #1
    I saw this last night sa TV Patrol. The alleged holdupper, was being tortured, nakahubad at may tali sa ari, hinihila-hila nung "bading" na police officer, habang pinahihirapan yung inmate.

    Huwag lang i-relieve si Binayug. Sibakin na sa serbisyo! :fire:



    http://www.abs-cbnnews.com/video/nat...ll-phone-video


    Pagpapahirap ng Pulis sa suspek, kuha sa cellphphone video!

    Sa isang tago na lugar takot na nakipagkita sa ABS-CBN News si Emil. May hawak siyang video at gusto niyang makita ito ng media.

    “Unang beses ko lang po nakakita ng ganyan. Kahit sino naman magugulat,” ani Emil. Ipinagkatiwala raw ito sa kanya ng kanyang kaibigan na ngayon ay hindi niya alam kung nasaan.

    “Ayaw niya lang din na mangyari rin sa kanya iyan. Kasi may posibilidad din po daw,” dagdag pa ni Emil. Laman ng video ang umano'y ginawang pag-torture sa isang pinaghihinalaang holdaper sa loob ng isang presinto sa Maynila. Sa video, kita ang lalaking nakahubad, nakatali umano ang ari at sinasaktan.

    “Pinahihirapan niya kasi sabi matinik na holdaper daw,” ani Emil.

    Ang lalaki namang nakaputi, ayon kay Emil, ay ang hepe umano ng police community precinct sa Asuncion, Tondo, Maynila. Kita rin sa video ang iba pang pulis habang pinanonood ang pag-torture.

    “Pagkakaalam ko iyong pinakamataas iyong si Captain Binayug daw ho. Iyon, siya po iyong nagpapahirap. Siya daw po iyon,” pahayag ni Emil. Hindi maintindihan ang mga tinig sa video pero malinaw ang isinisigaw ng itinuturong umano’y hepe.

    Lalaking nagpapahirap: Dito bawal ang snatcher, ha. Bitaw, Bitaw.

    Kitang kita ang hirap na nararamdaman ng umano’y suspek kapag hinihila ang tali na nakakabit sa maselang bahagi ng kanyang katawan. Kahit namimilipit pa sa sakit ay sinasabayan pa ng hampas ng lubid sa mukha at katawan.

    Minumura pa at pilit na pinatatanggal ng lalaki ang kamay ng suspek sa kanyang ari.

    Lalaking nagpapahirap: Nakakaintindi ka ba? Bakit ayaw mong tanggalin? Bakit ayaw mong tanggalin?

    Ungol lamang ang tanging naisasagot ng biktima. Sa bawat puwersahang paghatak ng lubid, namimilipit ang biktima sa sobrang sakit.

    Ayon kay Emil ito na raw ang nakagawiang pagtrato sa mga nahuhuling mga umano’y kriminal.

    “Madalas daw ho nangyayari talaga iyan. Lalo na 'pag marami nang umiinit na holdaper. Talagang binibigyan nila ng pansin iyon. Hanggang maaari po wala pong nakakakita para po mayroon silang naa-accomplish,” ani Emil.

    Nang tanungin namin si Emil kung nasaan na ang lalaking sinasaktan sa video, “Ang sabi, namatay na raw po dahil pinalabas nga din po... nanlaban po.”

    Hindi masabi ni Emil kung kailan nangyari ang insidente at sino ang biktima. Ang tanging pagkakakilanlan ng lalaki ay ang mga tattoo sa kanyang likuran.

    Ipinakita namin kina Manila Police District director Chief Superintendent Rodolfo Magtibay at National Capital Region Police Office chief Director Leocadio Santiago ang video.

    Papaimbestigahan daw nila ito at ipapatawag ang mga sangkot.

    “I’ve gone through physical interrogation before. I’ve conducted it, but not to that extent na medyo sadistic. May boundaries, may parameters iyan, eh,” ani Santiago.

    Tiniyak naman ni Magtibay na mas mapapadali ang imbestigasyon kung lilitaw si Emil. Pero para kay Emil hindi siya nakakasiguro sa kanyang kaligtasan kung siya ay lalabas.

    Tanging intensyon lamang niya sa paglalabas ng video ay para matigil na ang hindi makatarungang gawaing ito ng mga pulis. -- Niko Baua, Patrol ng Pilipino

  2. Join Date
    Mar 2010
    Posts
    3,822
    #2
    sorry but they deserve what they get, holduppers, carnapper, rapist, akyat bahay, serial killers. they're all criminals and i can't stand them dapat ibalik na ang silya electrika para mabawasan na ang salot. mangdurukot medyo ok lang eh kasi wala naman sila sinasaktan. lalo na ang rapist at holduppers dapat talaga yan torture muna bago patayin.

  3. Join Date
    Jul 2010
    Posts
    10
    #3
    It's ok to punish criminals...pero ibang usapan kung torture. tsk tsk..ung method na ginawa dapat pang-rapist

  4. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    45,927
    #4
    buti yan lang ginawa sa kanya

    diba ang iba sina-salvage?

  5. Join Date
    Aug 2009
    Posts
    1,956
    #5
    kung talagang napatunayan or may testigo tama lang siguro yung ginawa nang pulis para magtanda...igkas yung paa ni pogi pag hinihila ni mamang pulis yung pututoy nya....

    *chua - paps di ba nasa kingdom ka?di ba jan pinuputulan sa BATHA ng daliri yung magnanakaw or nilalatigo sa harap ng maraming tao?para magkaroon ng takot yung iba pag nakita nila ganun ang parusa...

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    4,388
    #6
    actually parang hindi ako naaawa don sa holdapper. mukhang talagang sakit na ng ulo to at mainit na holdapper. kahit ilang beses ikulong yan hindi magbabago yan. oks na yang ganyan para matuto sila. kawawa lang kung napagtripan lang.

  7. Join Date
    Jul 2010
    Posts
    1,114
    #7
    malamang pabalik-balik sa presinto na yun yun at napunde na yun mga pulis.

    sa pagkaalam ko kasi kaya malakas ang loob ng holdapers ngaun/ pag nahuli at nabawi na kagad ng victim yun gamit, hindi na nagsasampa ng kaso kasi gastos pa. and so the holdaper goes free to victimize again

    and therefore, the police lagi na lang nya nakikita sa holdaper. this is true also with the malls, yun mga pickpockets or salisi. mall security turns over the criminal to the police pero yun victim umuwi na, so ano gagawin ng police, papawalan na lang yun kung di nagsampa ng kaso. pag naging routine na, siguro naisip ng pulis turuan na ng leksyon on his own

  8. Join Date
    Mar 2008
    Posts
    174
    #8
    sana ganyan gawin sa mga makukulit na PUV drivers

  9. Join Date
    Jun 2007
    Posts
    995
    #9
    I'm not in favor of torture....but sometimes it's becoming necessity to apply such especially to the so called social cancer of our society.. with this, the effect may send chill to the spines of the bad guys and..... CHR are scrambling again to raise the issue into a very big one... bringing the LEO to the court of law.

    hintayin nila na LEO or military personnel ang madale... ni boses ng CHR wala...

  10. Join Date
    Aug 2010
    Posts
    1
    #10
    kawawa talaga ung holdaper..
    kahit msamang damo sya... dapat lng tratohin sya ng tama...

  11. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    3,829
    #11
    Hmmm... Sa lugar ko salvage na pag pa balik-balik na lang sa presinto.

  12. Join Date
    Oct 2007
    Posts
    3,122
    #12
    Im also not in favor of torture, kaso yung iba sumosobra na, eh what if kung yung tinotorture sa video eh meron palang pinatay dati nung nag hold-up sila pero di sya nahuli tapos ngayon lang sya nahuli.

  13. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #13
    Sige nga....kayo ang tali-an sa etits, at hinihila-hila pa........

  14. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    40,599
    #14
    wala rin ako nararamdaman katiting na awa doon sa holdaper.

    for me if you became a criminal don't ever cry about your human, civil rights being violated. you waive your rights as soon as you started doing criminal activities.

    kung ano man gawin saiyo salvage or torture pag nahuli ka. quits lang yun

  15. Join Date
    Jun 2009
    Posts
    807
    #15
    double post
    Last edited by cktlcmd; August 18th, 2010 at 10:34 PM.

  16. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    3,829
    #16
    Tingin ko mga may malalang record lang ang subjected sa ganyan, yung tipong pabalikbalik na lang.

  17. Join Date
    Jun 2009
    Posts
    807
    #17
    Quote Originally Posted by marcdaniel05 View Post
    kawawa talaga ung holdaper..
    kahit msamang damo sya... dapat lng tratohin sya ng tama...
    Quote Originally Posted by chua_riwap View Post
    Sige nga....kayo ang tali-an sa etits, at hinihila-hila pa........


    Obviously hindi pa kayo na tutukan ng kutsilyo at na holdap??? hehehe ... nai-intindihan ko din naman yun point nyo. Pero tingnan ko lang kung ganyan pa din mai-isip nyo kung maholdap kayo.

    Pero in my case... tatlong beses na akong natutukan... pero dahil sa ma-swerte at mabilis akong mag isip at mag react... eh sa awa ng Diyos palagi ko silang nalulusutan. Kaya ni minsan... wala pang nakukuha sa akin.

    Yun last time mandurukot ng cell phone sa Robinson Ortigas, 2 weeks ago lang. Around 5pm, pasakay na ko ng bus papuntang Fairview para mag rock climbing. Napansin ko may dumudukot ng cell phone ko sa left front pocket. Ang ginawa ko binanatan ko kagad ng suntok sa mukha... eh di nabitawan nya cell phone ko. Hahabulin ko pa sana kaya lang tumakbo sa maraming tao... since lamang na ako, pinabayaan ko na kasi baka ako pa ang mabugbog. Hindi gumagawa ng mag-isa ang mga yan... parating tatlo o apat yan kaya ingat. Maga kagad na parang kamatis ang left eye nya! BUTI NGA! Ma-swerte sya wala akong kargada nun araw na yun. Kundi kahit saan sya tumakbo hahabulin ko sya.

    Sa akin lang... dapat nga pinatay na yang magnanakaw na yan. Malas lang nun pulis at pumayag syang magpa-video. Bakit tayo magpapakain sa mga magnanakaw na yan sa kulungan... dapat patayin na lahat yan.

    ...
    Last edited by cktlcmd; August 18th, 2010 at 10:30 PM.

  18. Join Date
    Nov 2007
    Posts
    2,566
    #18
    si jack bauer ba un capitan ng pulis?

  19. Join Date
    Aug 2009
    Posts
    1,956
    #19
    Quote Originally Posted by jansky View Post
    si jack bauer ba un capitan ng pulis?
    si Tony Almeida daw sir...

  20. Join Date
    Sep 2009
    Posts
    4,600
    #20
    [SIZE=2]-noong 1993 sa bacood park biktima ako ng holdap, estudyante lang ako noon muntikan nakong mapatay ng mga h*yop na yan! binasag lang naman nila ang mukha ko bago nila ako saksakin. nagkaroon tuloy ako ng matinding pagkapraning sa lahat ng jologs na nakaksalubong ko noon.
    -sister ko nasaksak sa kamay sa q.ave ng isang snatcher.
    -ate ko nasugatan rin sa kamay ng isang snatcher sa quiapo.
    -kaklase ko sa san beda sinaksak ng maraming beses ng isang holdaper sa may legarda na kamuntik na nyang kinamatay.
    -tatay ng kaklase ko napatay sa jeep ng mga holdaper papunta sa opisina sa pagasa. dakilang ama na tanging bumubuhay sa kanyang pamilya PINATAY!
    -ka opisina ko sa gobyerno si kuya rey perete, napaka-bait na tao at ni walang imik, di ko talaga lubos na maisip na sasaksakin sa leeg ng isang demonyong holdaper sa jeep. nangyari yan sa may litex commonwealth. naiwang ulila lubos na ang kanyang mga anak.
    -nursing student nakasabit sa jeep papunta sa eskwela. sinaksak ng walang ka-abog-abog ng isang demonyong magnanakaw ng cellphone.
    [/SIZE]

    [SIZE=6]NGAYON: SA MGA NAAAWA SA PUT*NG IN*NG H*NDOT NA SNATCHER SA VIDEO. PWES NGAYON PALANG SINASABI KO NA SA INYO NA MAAWA KAYO SA SARILI NINYO! KULANG PA ANG PAHIRAP NA GINAWA SA GUNGGONG NA YUN! HUWAG SANA KAYONG MAUNAHAN NG MGA LINTIK NA YAN O MGA MAHAL NINYO SA BUHAY!

    SA CHR AT CONGRESSO NA DI NAMAN MASAWATA ANG MGA PESTENG ITO.... T*NGNA NYO! WALA NAMAN KAYONG MAITULONG MGA GUNGGONG ANG HILIG NINYONG MAKIALAM!

    SALUDO AKO SA MGA GUMAGAWA NG SUMMARY EXECUTION! PANAHON NA! PUNONG-PUNO NA ANG MGA PRESO WALA NG HUSTISYANG AABOT SA MGA KAWAWANG MAMAMAYAN!
    [/SIZE]

Page 1 of 4 1234 LastLast
Cop torture caught on video