Kanina lang pagdaan ko sa Quirino-South Superhighway, yung Fortuner sa harap ko nilapitan ng tatlong batang hamog. Nanlilimos as usual, hindi yata pinansin at hindi binigyan ng driver.
Yung isang bata sa driver's side, nilagyan ng madaming handmarks ang mga windows sa gilid. Yung isa sa passenger's side, may hawak na stick, ipinalo sa likod ng car sa may lights area.
Buti na lang green na ang signal bago pa sila lumapit sa akin.
Kung ako lawmaker, gagawa ako ng batas na kapag menor de edad ang may ginawang kalokohan, ang magulang ang ikukulong. For sure, babantayan yan ng mga magulang nila or maski papaano magkakaroon sila ng takot.
are you guys sick?
We should changed the TITLE OF THE THREAD... Re: MOtorist - HARassing Street Beggars - only in the Phils.
he-he!
may nagbabalik......
yes we're sick!
.....& tired of these beggars (kuno!)....na ayaw magbanat ng mga buto para mamuhay ng maayos.![]()
Sa CCP meron pa din. Kids forced a cab door open and attempted to rob the passenger. Tourist ata. Ang lapit lang ng police station pero ang lalakas ng loob. Pinitikan na lang namin ng siren para madistract. The cab managed to close its door and flee.
at least naka tulong ka ba Doc Otep..hindi lang buhay nila na sagip mo pati pera nila
Particularly at the stoplight approaching CGH. Napakarami dyan mga "hugas windshield" boys. Minsan malayo pa lang pinapakiramdaman ko na kung marami sila at aabutan ako ng red light, kadalasan nagddetour ako sa Retiro then enter Blumentritt dun sa maraming Lechon, makaiwas lang sa mga kumag na yun.
Yep, message mo na MMDA para ma-aksyunan, although mga squatter to at naka tira sa sementeryo kaya hindi ata sila pwede makuha...
Ang alam ko sa may edsa ayala mga may kapansanan yung mga anjan.. Sana wag naman madamay yung mga may kapansanan sa clearing operations dahil hindi naman sila nangha-harass.
tama ka dyan sir ONILOR... YUNG mga nanghaharass lang talaga dapat... at kawawa naman yung iba lalo na mga PWD kung pati sila madadamay..
kaso nga lang it should apply to all....
wag naman liquidate agad...
madami naman pwedeng maging kaso mga yan... (like drugs, robbery holdap, theft...) at baka may mga pending case pa yan...
makulong lang yan ng isang linggo sigurado ko sainyo madadala po mga yan....
lalo na kung buwan ang abutin...
madami na akong nakausap na mga preso (city Jail sir ha.. pag sa munti kasi parang nasasanay sila dahil sa sobrang tagal ng sentence) nadadala po talaga sila pag na pasok sila sa kulungan kahit ilan araw lang...
I think its more of a psychological torture....
meron din, kaya takot na takot makulong, kasi naupakan sa loob...
isang kahang sigarilyo lang kasi minsan ang katapat nun...
Meron talagang halang na ang mga kaluluwa paps, lalo na't sanay na yang mga yan. Parehas ang kwento ng mga yan dito sa mga squa-squa sa area ko. Yun ang ripe for harvesting na. Meron pa nga dito sa area ko binatilyo ang daming kaso kahit minartilyo na ang paa eh ang tapang pa rin, pati ba naman ako gustong tarantadohin. Ayun takot na ngayon.
Tama ka paps na may nadadala talaga, yung mga latak lang naman ang dapat ma harvest eh. Ang siste kasi dyan eh pag pinabayaan mo yang mga latak eh yung mga kasama nilang may daga sa dibdib eh tuma-tapang din.
meron din talaga HALANG ang bituka...
mga ganun balang araw makakahanap ng katapat yan....
pero hindi po dapat tayo ang Katapat nila....
kaso nga lang minsan napupuno din ang salop!!! sarap talagang banatan...!!!
naku kung alam mo lang grabe ang pag pigil ko sa sarile ko sa mga ganyan...
Last edited by glenn manikis; January 27th, 2013 at 09:05 AM.
Kung pwedeng iwasan, iwas na lang. Pag hindi kaya, abot ng lima, pag hirit abutan pa ng piso plus konting ngiti. Pag nangungulit pa, sabay sabi na "ok na yan iho, next time uli".
So far effective naman!
What is 10 pesos or even 20 pesos, charge to experience at matutuhan nating I-gambit yung mga batang kalye. Or else, pwede kang magasgasan, mapaaway, o mapikon. Sira lang araw.
Alam naman natin na hindi dapat silang palimusan, pero may magagawa ba ang gobyerno pag napaaway ka sa mga batang yan. Baka tayo pa ang mapresinto.
Goodluck guys...
May time po pala.... im waiting for my wife and reading a newspaper at the back of my van with doors open then 2 batang hamog approached me and their offering their sampaguita, i gave each of then taho nalang... before finishing their taho i saw the other one glancing at the 100 peso change of their taho, that is placed on my car seat.... (yung isang kasama nya parang sumesanyas pa na "wag" sa kasama nya) then the one glancing immediately grab the loose change.... then i got a hold of his hand then they started crying and asking for forgiveness....... when i said, "dapat sainyo makulong para madala kayo!" he then tried to bite me... so i let go.....
alam nyo sir.. inoobserbahan ko lang sila.... at tinatanong tanong.... then bibigay ko din sana sakanila yung sukli..