Results 1 to 10 of 67
Threaded View
-
August 24th, 2007 11:21 AM #12
Here is the complete details!
source: http://www.abs-cbnnews.com/storypage.aspx?StoryID=89663
P1-milyon para sa kaso ng batang isinilid sa maleta
Nag-alok ng P1-milyong reward ang pamilya Palma sa sinumang makapagtuturo sa mga dumukot sa pitong taong gulang na si Geraldine "Dindin" Palma na natagpuang patay sa loob ng isang maleta.
Huling nakitang buhay si Dindin noong Agosto 11. Grade 1 student ng isang exclusive school sa Pasig ang bata.
Kasama pa niya ang kanyang yayang si Maritess Ontog na nagpunta sa Kumon Tutorial Center sa Pasig bago sila nawala.
Kinahapunan, nakatanggap na ng tawag ang ama ng bata mula sa mga kidnapper ng anak.
Humingi umano ang mga kidnapper ng P10 milyong piso kapalit ng kalayaan ni Dindin.
Tumagal ng apat na araw ang negosasyon hanggang sa nagkasundo ang ama at ang mga kidnapper sa halaga ng ransom.
Pero pagpunta ni G. Palma sa napagkasunduang lugar, hindi nagpakita ang mga suspek at ang bata. Dito na sila kinabahan.
Noong Agosto 16 ay napanood ng pamilya sa TV Patrol World ang bangkay ng batang natagpuan sa loob ng maleta.
Sa pagbabakasalaking si Dindin ang bata, nagpunta sila sa punerarya.
Positibong kinilala na si Dindin ang bangkay ng inang si Felma at tumugma na rin ang dental records ng bata sa bangkay.
Ayon sa pulisya, inaalam pa kung hinalay ang bata bago pinatay.
Ngayong kapiling na muli ng pamilya si Dindin, nais na lang nila ay katarungan sa kanyang pagkamatay.
Isang milyon piso ang inaalok nila sa sino mang makatutulong sa pag-aresto sa mga kidnaper.
yayaHinahanap din ng pamilya ang yaya ni Dindin na susi sa paglutas ng krimen.
Samantala, pinalaya na ng piskalya ang suspek na si Raffy Nepa dahil sa kakulangan ng ebidensya.
Isang testigo ang nakakita kay Nepa na dala ang maletang kahawig ng pinaglagyan ng bangkay.
Sa sino mang makapagbibigay ng impormasyon na makalulutas sa kasong ito, maaaring tumawag o magpadala ng text sa cell phone number 0905-295-3388.
Dindin
Thread was made nung 2018 pa po sir.
Montero Sports hot starting problem