New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 2 of 3 FirstFirst 123 LastLast
Results 11 to 20 of 22
  1. Join Date
    Jan 2005
    Posts
    6,087
    #11
    Sana isumbong nung yaya or nung anak yung driver para masibak na ang lintek.

  2. Join Date
    Mar 2006
    Posts
    1,339
    #12
    thats one reason kung bakit ayaw namin mag ka driver ok lang samin ma perwisyo ng dad ko sa pag hatid sundo at least nakaka sure kami na safe kung sino mang dapat sunduin at safe din ang oto from accidents!

  3. Join Date
    Aug 2003
    Posts
    1,299
    #13
    Quote Originally Posted by Mamar View Post
    thats one reason kung bakit ayaw namin mag ka driver ok lang samin ma perwisyo ng dad ko sa pag hatid sundo at least nakaka sure kami na safe kung sino mang dapat sunduin at safe din ang oto from accidents!
    Kami rin. Sa dinami-dami ng mga nasubukan naming driver, walang matino. Kadalasan bopols magmaneho, mali-mali ang mga desisyon sa paglusot, pag-overtake, etc, e madalas pa naman kaming bumiyahe sa highway. Dati may nakuha kaming mahusay magdrive, may toyo naman. Nangungupit ng mga sukli pag nagpapagas tapos pag inutusan mo, bago makabalik ang daming detour. May mga nagsusumbong sa min na dumaan pa raw sa mga kamag-anak/kaibigan nya yung mokong na driver.
    Kaya tuwang-tuwa kami nung dad ko ngayong may mga van na automatic dahil ala na talaga kaming planong magdriver, dagdag pa siya sa pasusuweldohan mo.

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #14
    Pwede naman i-train ang driver. Driver namin dito ex-taxi driver. Kaya nung napunta samin (7 years ago), kung magmaneho parang naghahabol pa din ng boundary. hahaha. Kailangan lang tutok ka sa training and dapat set an example. There are days na yung driver ang nakaupo sa passenger seat and someone from the household is the one driving. Para lang makita niya kung paano ang tama. Saka hindi maka-goyo ng amo kasi alam niya puro marunong magmaneho ang mga boss.

    Ok naman din mag-drive mag-isa kasi kahit same routes kami, hiwa-hiwalay pa din ng sasakyan (hindi fixed and sched), so may times na nakakasabay ko yung driver sa daan ng walang sakay and naoobserve ang ginagawa niya.

    Ngayon pwede na niya i-drive yung ibang sasakyan bukod sa MB100. Pati yung bihis nag-improve na din, bongga na ang porma. hehehehe. As a safeguard, someone from the household test drives the MB100 every week. Minsan kasi mahina pakiramdam ng driver kung may mga sira or masisira pa lang. I just finished 70kms on the MB100 today. Roadworthy pa naman.

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

  5. Join Date
    May 2006
    Posts
    1,049
    #15
    Kung hindi rin lang sobrang obvious na wrong move yung ginawa ng driver, hindi ko basta basta sinisita dahil kanya kanya tayo ng style sa pagmamaneho. Naranasan ko na before na after kong sitahin, sobrang nawala sa rhythm at lalong sumama ang pagmamaneho. Ilang na ilang, at parang naging student driver, matindi ang hesitation.

    Ang pinahahawakan lang namin yung mga lumang sasakyan, at most of the time short distances lang, kung hindi man may kasamang bantay na malapit samin at mapagkakatiwalaan. :D

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #16
    Yup, dapat may freedom din sila (within reasonable bounds). I drive for other people a lot ('driver' na nga din ang tawag sa akin ng mga kabarkada ko) kaya naiintindihan ko naman ang nararamdaman ng driver namin. Pero siyempre kailangan training pa din para madisiplina. Nung una ko mag-drive sobrang taas ng accident rate ko. Walang gusto sumakay pag ako driver. Pero pinagtiyagaan naman ako turuan ng father ko. Bagsak na accident rates ko ngayon.

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    457
    #17
    If he's just a driver and endangering his children passengers, then it would be wise to contact and report this incident to the owner of the vehicle. Baka hindi siya aware na reckless ang driver niya.

  8. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    796
    #18
    Una sa lahat, dapat may malasakit sa sasakyan yung driver. Pero sa tingin ko, sa ginawa ng driver na yun, mukang wala pakialam sa pagaari ng iba. Kung sya naman ang may ari, mukang wala alaga sa sasakyan o maraming pambili ng bago.

    Marami na din ako pinag maneho na ibang tao. Usually people with cars but without ample experience driving in Manila (we'ew from Bulacan). I'm proud to say na sa dinami-dami ng pinag maneho ko dati, lahat naman sila bumabalik sa akin at nagpapamaneho uli to the extent na pag di ako ang mag mamaneho, hindi nalang nila ipapadrive sa iba.

    I can still remember what the mother of Nikki Valdez said to me when we are bound from Dagupan to Manila, sabi nya "Sa lahat ng driver na nag maneho para sa amin, sayo lang ako nakatulog sa byahe dahil hindi ako kinakabahan sa driving style mo. Sana ikaw uli ang ma-hire ng ABS-CBN sa susunod na mall tour ni Nikki".

  9. Join Date
    Mar 2006
    Posts
    1,577
    #19
    Talk about reasons kung bakit nagkakabengkong mga gulong... antaas pa naman ng mga island sa area na yan. tsk...

    Quote Originally Posted by OTEP View Post
    Madami din kasing amo na hindi tine-train ng mabuti at hindi minomonitor mga drivers nila. Walang command responsibility.

  10. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #20
    Hindi ko naman binabawalan ang driver sumampa ng bangketa basta nasa tamang lugar (iiwas sa baha, etc.) at tama ang dalang sasakyan (e.g. Pajero).

    Pareho kami ni kupaloids, dapat may malasakit sa sasakyan. Consuelo na lang sakin yung ma-compliment ako ng pasahero since I don't really get paid for driving. Minsan dala lang ng pangangailangan (kulang driver) or by request.

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

Page 2 of 3 FirstFirst 123 LastLast
Silver Hiace Commuter, Reckless Driver!!!  Pls. Read This!