New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 3 123 LastLast
Results 1 to 10 of 24
  1. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    132
    #1
    Share ko lang.. and medyo labas ko rin sama ng loob ko...

    Woke up 6am this morning to play basketball. When I'm about to open my door I noticed my side mirror on the driver side was gone. Then I checked the other side, it was also gone. Badtrip. Then I noticed that 4 other cars parked in our apartment were also without their side mirrors. Pinakyaw yung side mirrors namin. Mukhang malaki pangangailangan nung adik na yun. Yung sasakyan ko, naka etch yung plate number ko sa side mirror pati yung isang Revo na nanakawan ganun din pero sa kanya pat. Yung isang honda city at civic at yung mitsubish adventure walang etch.

    The incident happened in Provident Village here in Marikina around 4-5 A.M. in the morning kasi sabi nung dalawang nanakawan, mga around 2-3AM na sila nakauwi and pagbaba ko ng 6AM eh wala na lahat ng side mirrors namin.

    Good luck sa nagnakaw. Ewan ko lang kung may bibili ng side mirror na may naka etch na plate number. Ingat na sa mga fellow tsikoters. Sana di mangyari sa inyo 'to.

  2. Join Date
    Mar 2009
    Posts
    21,667
    #2
    Grabe. I didn't know that mirror nappers would also get your side mirrors even though it has an etch on them.

    Goodluck kung mabenta talaga nila yun.

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    149
    #3
    I do not now if these are inter-related incidents. Two weeks ago Pinakyaw din sa loob ng subdivision sa amin 15 na sasakayan ( reported), puro side mirror din at hub cups/wheel covers; Nadale yung sidemirror at hub cups ng fortuner ko. Hanggang ngayon di ko pa nabibilahan, wala daw stocks ng toyota ( pasong tamo at bicutan pa lang yung napagtatanungan ko).

    Calamba Laguna area namin.
    Last edited by ch0k0y; August 8th, 2010 at 04:49 PM.

  4. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    132
    #4
    Quote Originally Posted by renzo_d10 View Post
    Grabe. I didn't know that mirror nappers would also get your side mirrors even though it has an etch on them.

    Goodluck kung mabenta talaga nila yun.
    Feeling ko di nya napansin yung etch kasi madaling araw nya ninakaw yun at medyo madilim sa lugar namin. At malamang nagmamadali sya at wala syang oras para silipin pa yung side mirror.

    Kapal na lang siguro nung bibili nung may etch plate number sa side mirror ko.

  5. Join Date
    Apr 2009
    Posts
    212
    #5
    Nyek! Kakatapos ko lang magpa-etch dahil naniwala akong hindi na 'yung titirahin 'pag me ukit na tapos nabasa ko 'to! Kapal nga ng mukha ng bibili ng side mirror mo sir at 'yung magnanakaw

  6. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    2,976
    #6
    Punta ka agad sa Banawe, for sure dun dinala ng kawatan yung side mirror mo. Chances are you still might be able to recover it. Pagawa ka na din ng police report to prove that your side mirrors were stolen.

  7. Join Date
    May 2009
    Posts
    442
    #7
    Palagay ko hindi na rin siguro uubra yung ipinakabit kong Side mirror guard anti theft protector. Glued lang kase siya ng Silicon sealant.. So madaling Tungkabin pag may time ang titira.. Tsk tsk.. Walang imposible ah..

  8. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    132
    #8
    Quote Originally Posted by Galactus View Post
    Punta ka agad sa Banawe, for sure dun dinala ng kawatan yung side mirror mo. Chances are you still might be able to recover it. Pagawa ka na din ng police report to prove that your side mirrors were stolen.
    Well, di ko na subukan i recover sa Banawe yun. Medyo hassle din kung hagilapin ko pa yun dun. What I did was I made sure na di ako bibili sa Banawe ng mga nakaw at mga replacement. One way of not supporting such industry and hopefully it will eventually die pag wala na nagtangkilik sa kanila.

    Nag order ako ng replacement sa Casa and meron naman sila replacement nung mirrors lang at di tulad nung dati na buong assembly. Mas mahal ng 400 pesos compared sa nakaw na price sa Banawe, pero I won't mind that extra cash, basta di lang ako magisa sa sarili kong mantika.

    Pinagdasal ko na rin yung nagnakaw. Sana wag magka cancer family nya dahil sa ipapakain nya sa pamilya nya na galing sa nakaw.

    I'm also in the process of creating my own anti-baklas/nakaw side mirror device. Pag nagawa ko i post ko dito.

  9. Join Date
    May 2007
    Posts
    932
    #9
    mabilisan kasi ang mag ganyang nakawan kaya walang time ma check kung may etch or wala. Minsan mga batang napapadaan lang na naghahanap ng junk(since may nahuli mga kapitbahay dati) pero yung ganyang maramihan, malamang may kasamang naka motorcycle yan.

    Been a victim of this 3x na. Kaya pag di safe ang lugar, tinatanggal ko nalang lagi ang sidemirrors ko. I have yet to see where to buy those sidemirror cages. Puro mga custom made ang mga sa kakilala ko.

  10. Join Date
    Jun 2007
    Posts
    995
    #10
    Quote Originally Posted by marlowem View Post
    Nyek! Kakatapos ko lang magpa-etch dahil naniwala akong hindi na 'yung titirahin 'pag me ukit na tapos nabasa ko 'to! Kapal nga ng mukha ng bibili ng side mirror mo sir at 'yung magnanakaw
    Mirror Etching is not assurance but it is somehow a sort of deterent. Then if the etched side mirror was stolen like bro Martian situation, yun lang mahihirapan ang magnanakaw na idispatsa. I've read it here in tsikot na may nanakawan din na side mirror na may etch pero noong malaman ata ng magnanakaw na may etch ipinatong na lang dun sa hood yung mirror at d na binitbit.

Page 1 of 3 123 LastLast
Side mirrors stolen