maraming kupal talaga na driver.... to be honest, siguro kelangan ng isang ampatuan na mag-drive around sa manila para tumino ang mga yan....
ang experience ko naman dati sa slex eh nadale ang side mirror ko ng isang nagmamadali na crv. sisksikan kase dahil sa trapik. merging lanes so isahan dapat. nung turn ko na, yung nagmagaling na crv, biglang dinaan ako sa bilis. hayun, kahit na alanganin na eh pinilit pa rin nung mokong kaya nadale yung side mirror ko. buti na lang eh natupi lang palabas. so binusinahan ko kaso eh deadma lang yung crv. so nung maluwag na, pininahan ko rin para matamaan ko yung side mirror niya. hayun! sapul din yung side mirror niya. aba! nagalit ang sira-ulo. hehehehe sabi ko eh "dinale mo rin ako tapos eh tinakbuhan mo pa. So ano ngayon ang gusto mo?". ang siste, biglang bumukas yung salamin nung passenger sige at nag-apologise yung sakay. lintek! driver lang pala yun at ang yabang pa. nakita ko yung amo niya eh pinagalitan ng todo yung driver. narinig ko na sinabi sa driver nya eh ganito, " barubal kang magmaneho pati kotse ko eh dinadamay mo. tumigil ka na nga jan sa kayabangan mo kung di eh sisisantehin kita!". hehehehehe tameme yung driver.
PERO... di ko po ina-advice na gawin ang ginawa ko dahil delikado. napikon lang ako ng todo kase eh di na nga marunong ng tamang protocol sa pagmamaneho eh tinakbuhan pa ko kahit na binusinahan ko na.
*sgt_taga
Naku delikado yun sir ah. hehe. Wag nalang tayo bumawi. baka makasakto
tayo ng may handgun. Tapos katulad pa ni Jason Ivler driver. Oh no.
Wala tayo magagawa dami talaga k*p*l na mga drivers sa Pinas.
Experience po namin, nasa labas po kasi yung sasakyan namin naka sampa sa gutter maluwag yung daan, tapos bigla kami may narinig na tumunog pag tingin ko nakabagsak yung side mirror namin tapos may dumaan na motor na mabilis. Nakakainis lang yung motor at ang luwag nung daan kasya pa dalawang sasakyan pero nasagi pa din yung side mirror nung sasakyan namin. Akala ko nabali, pero hindi naman pala.
Chrome po yung sa amin pero may gasgas pa din pero hindi masyado halata, maganda pag yung plastic na black, tulad nung sa mga base model na sasakyan, ayun hindi po halata siguro. hehe.
madalas ako makatama ng side mirror lalo na pag maliit na eskenita na two way ang daan.esp. in provinces. pero pag ganon nag sosorry ako agad. usually mabagal naman. mahirap minsan tansyahin pag malapad na suv dala mo.