sir, sa driver's license, AFAIK pag wala yung restriction number 1, di ka makakadrive ng motorcycle kahit pa ang restriction mo ay number 2.
problem ngayon is pag nag-apply ka ng non-pro na license, parang automatic na restrictions 1 and 2 ang nilalagay nila.
*shadow3616931, sorry to hear what happened to you. tama si sir Reepicheep, pinerahan lang kayo nung pamilya. kung sa akin nangyari yun, i would've answered their charges in court. what with all the obvious violations they've committed. i'm sure with the right lawyer, kayang kaya isalba yung kaso papunta sayo.
i remembered that i read this article in the motoring section of the philippine star. sabi nila "the law is always fair, its the system that sucks". eto yung link sa article:
http://www.philstar.com/Article.aspx...bCategoryId=72
ang masasabi ko na lang sa ating mga tsikoteers, todo ingat sa pagmamaneho.
Yup you are all correct yan din sabi ng lawyer ko, actually umabot sa RTC ang case, kasi di namin pinagbigyan yung hinihingi nung FIXcalpinalabas nilang hit and run kasi di ako sinurender ng mga kasama ko, baka daw tirahin ako sa kulungan. Yun ang sinasabi kong mali wala ako kasalanan bakit kelangan ako ikulong during the time of accident.
then nakipag usap samin yung family nung namatayan na settle nalang daw pumayag na ako kasi namatayan sila and ganon din magagastos ko bayad sa appearance ng lawyer, gas, car wear and tear, board and lodging, bodyguard (delikado lugar), and most impotant is time. Insured naman yung car and nakakuha pa ko 50k sa TPL.
You know, doon ko nakita gaano ka BULOK batas sa pilipinas, lahat humihingi lalo na mga pulis at piskal
Naku, with an MC driver, buti na lang at mabagal lang ang takbo ko, subdivison kasi. Nananahimik ako mag drive, tapos may humps na sa harap ko bigla ba naman akong icut nung motor at sumabit sya sa bumper ko buti na lang yung plaka lang ang natupi. Ang malupit nun, Las Pinas Traffic aid sya na naka sibilyan. Eh di bumaba, kinatok ako hinihingi lisensya ko dahil reckles driving daw ako at nagpakilala syang pulis.
Ang ginawa ko pinakita ko lang pero hindi ko ibinigay kahit kinukuha nya. Sabay sabi ko, "Alam mo naman na subdivision ito ganyan ka magmaneho, ako pa ang kakasuhan mo ng reckless driving, eh ikaw naman ang may kasalanan"
Ang sabi ba naman eh, "Nayupi yung plaka ko pano ba yan? Bayaran mo na lang ako."
Tapos sabi ko, "Sige, anong pangalan mo at sa opisina mo tayo mag usap para malaman kung sino ang may kasalanan at baka masuspinde kapa at wala kang helmet."
Ang sagot be naman eh, "Magingat ka na lang sa sususnod."
Ikaw ang mag ingat, pulis ka nga wala kang helmet at tatanga tanaga ka pa magdrive. Tsk tsk tsk...
Sorry O.T.
R.I.P. dun sa rider.
naintindihan kita brader. a friend of mine just recently figured in an accident with a scooter rider in makati. from the traffic accident report, it was clear that the rider was at fault. pininahan ba naman siya head-on. hayun, nagkamali ng tantiya at bumagsak as sumadsad sa ilalim ng oto niya. eh kakaulan pa lang nun at medyo umaambon pa. buti na lang eh walang damage yung rider except sprain lang sa isang binti dahil sa pagbagsak. ang siste, yung pang kaibigan ko ang sumagot ng medical bills at areglo sa pamilya nung mokong na rider. aba malaki rin ang nagastos niya! walang pakialam yung rider na di naman mayaman yung kaibigan ko. ipinipilit na siya daw ang binangga nung kaliit-liit na oto nung friend ko. tsk tsk... bakit hindi nag-insist yung kaibigan ko na wala siyang kasalanan? simple lang, ang sabi nung police eh wala siyang laban dahil bodily injury ang tinamo nung rider samantalang siya eh maliit na damage lang sa bumper. mas papaburan daw ang katawan ng tao kesa sasakyan. tapos eh pag di daw umamin yung rider na siya ang me kasalanan (as if naman posible itong gawin nung mokong na rider) eh mahihirapan daw patunayan sa korte na walang kasalanan yung kaibigan ko. in other words, since wala naman apparent damage yung rider, knowing na peperahan lang siya ng mga pulis, fixcal, etc. sinagot na lang niya ang medical bills sa pagpapagamot. now whenever we talk about that event, my friend has no regrets sa gastos niya. sabi niya, tulong na lang daw niya yun. me karma rin naman daw na kapalit yan para sa tunay na me kasalanan... na alam naman namin kung sino.
sad for us motorist. wala tayong kalaban-laban sa sistema dito sa atin. from another thread, someone mentioned na "the one who has the last chance to avoid the other usually is the one at fault sa accident." sad to say, pag mc rider ang involved, bale wala itong logic na to.
ingat na lang tayo lagi.![]()
Hirap talaga dito sa atin. I also had an accident with a motorcycle nag-overtake sa akin sa right side ko when I was about to make a right turn ayun tumambling siya sa harap ko buti na lang di napuruhan. Ipinagpipilitan pa na ako daw may kasalanan kasi lumiko ako samantalang ang bagal ng andar ko at nakasignal pa ako kasi paliko nga ako at siya itong sumiksik sa gutter para mag overtake.![]()
same rants with you guys.. pero bilib din ako sa inyo at mukhang relax kayo sa mga dinaanan nyong situation with mc drivers.. im not sure pero baka pag sa akin kasi bumaba ako at mabatukan ko pa yang mga engot na yan eh.. hehe..
That happened to me as well many years ago sa Taytay, Rizal. Papasok na ko sa parking lot ng Tropical hut (near Siena College), when binangga ng motorcycle yung right fender ko. Apparently nagpatakbo sya ng mabilis while going uphill. Too late na nung downhill na sya me nakita sya na kotse, e medyo trapik papasok sa parking lot. Tumilapon sya ng malayo and while he up in the air I said to myself "malamang patay to pagbagsak." Kase nga ang lato ng tilapon nya. Pero nakatayo naman sya.
Dumating yung pulis and parents nung MC rider. Sabi nung pulis sa parents "Dalhin nyo sa ospital para ma-checkup agad." Pero nag-insist yung magulang na bigyan ko muna ng pera. Pinagalitan sila nung pulis. Inuuna pa daw yung pera kesa anak nila.
Sa presinto sabi ko dun sa parents tutulungan ko sila sa medical bills kahit wala ako kasalanan. Pero tumanggi. Kulang daw yun kse totral wreck daw yung motor. Mamaya lumapit sa kin yung pulis pulis (PO3 delos Reyes) at sinabi "Baka maminsinterpret yan ng piskal na kaya ka tumulong e ikaw ang me kasalanan. Magisip ka muna." Kaya di ko na inulit yung offer ko.
After a few days nagkita ulit kami nung parents sa presinto. nagtaas ng boses. Magdedemanda daw sila. Sinabi ko ng pasigaw dun sa parents na binabawi ko na yung tulong ko sa medical bills kase wala naman ako kasalanan. Pinakita ko yung mga pics nung position ng kotse at the time of impact. And it was obvious na wala ako kasalanan. Pano daw yung pagawa nung motor. Sabi ko "Yun pa pala. Dahil anak nyo me kasalanan, kayo magbabayad nung parepair dun sa kotse ko. At pag hindi pumantay kulay nyan, paparepaint ko ng buo yan at your expense."
Nakiusap na lang na hwag ko na sila singilin at hindi na daw sila magdedemanda. Sabi ko hintayin yung police report. Paglabas ng police report, at fault yung MC rider. Kaya wala talaga sila karapatan magdemanda. Di ko na siningil. Wala din naman pambayad e.![]()
i really rejoice when i see in the news a motorcycle rider die all by himself.. especially of his own stupidity... at least nabawasan sila.. hahaha
^^
Wala bang like button? (No offence to disciplined MC riders out there.)
Two days ago sa may Kalentong may van na nagmamaneobra paatras (slowly). Nakastop na ang ibang cars pero yung motorcycle na may angkas pa na babae and bata sobrang bilis sumingit and konti na lang salpok na sila. Di man lang makahintay. Eh yung van is service vehicle ng funeral parlor. Kung sakali diretso na sana sila sakay dun :D
Naunahan mo ako... I was about to post the same pero I hesitated at baka may magalit. Pero ganyan din feeling ko every time may nakikita akong nakasemplang na motor. Sorry to motorcyclists here- Just voicing out.
Sabagay mga motorcycle riders na tsikoteers are disciplined naman (I hope) siguro since nagbabasa sila dito.
Badtrip nga mga yan(Huwag matamaan mga disciplined "riders") parating nagmamadali. Kala mo parating may LBM. Around 80 to 90% of the time huminto na mga kotse, sisiksik pa din tong mga motor.
Ako mas natatawa kapag 2 undisciplined riders hit each other. Minus 2 agad. hehehe
hindi kaya defective yun mga motor nila? walang preno? kasi parang hindi pwdeng huminto kaya singit ng singit kahit alanganin
hihinto lang pag nabangga na![]()
Same here. Kung ako nasa position na ganyan. Baka pag mumurahin ko pa mga engot na walang pakialam sa ibang tao.
Nangiipit at nang-ka cut ako ng walang modong motorsiklo. Naiinis ako sa gawain ng mga yan. I AM A Motorcycle Rider pero nagiinit ang ulo ko pag may nakasabay na ganyan dahil di ko gawain yan.
I even fall in line sa mall entrance/exit parking booths! Sinisigawan ko ang sumisingit na motor.
Share ko lang nanayari sa akin, Traffic along quirino mag left turn going hi-way. May lokolokong Motor pinagkasya yun sarili sa harapan ko, yun sabit nung nanikita niya sumabit. wala na nagmadali nang umalis. di ko na nahabol. actually di ko na matandaan yun motor kasi parepareho itsura nila. Maybe not applicable to all, pero mga LANGAW sila sa kalye. hahahahahah