New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 20 of 24

Threaded View

Previous Post Previous Post   Next Post Next Post
  1. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    2,975
    #6
    Mga 10 years ago siguro, pasakay ako ng MRT sa may Quezon Ave. Eh ang haba ng pila ng bilihan ng ticket, hanggang baba, dun sa EDSA na, pero tiniis ko na rin. Tapos, may sumisingit na babae, pa-simple ang diskarte para makauna dun sa pila. Siyempre, pinagsabihan ko, kasi ang tagal naming nakapila, tapos biglang sisingit. Lintek, may kasama palang lalaki, mga 6'2" siguro ang height, over 250 lbs. Lumapit sa akin, sabay sabi, "Ano ba problema mo?!"

    Syet, bigla akong namula. Akala ko katapusan ko na. (Balak ko sana sabihin, "Efren, kumusta ka na! Ang tagal na nating hindi nagkita. Ang laki-laki mo na Efren! Hehehe). Past images of my life appeared before me. Humagilap ako ng guard, eh nasa malayo pa, tapos natatakpan ng mga taong nakapila din. Muntik na talaga akong maihi sa niyerbos.

    Buti na lang, may dalawang mama din na nakapila (mukhang maton din, naka crew-cut, mga sundalo siguro), na lumapit sa aming dalawa, na sumaklolo sa akin. Sinabihan yung bardagul na ayusin yung kasama niyang babae kasi sumisingit, at kung gusto niya ng away, pati sila makakalaban niya. Kaya lumakas yung loob na pabalang din na sagutin yung bardagul: "Wala akong problema!!! Ikaw ba, meron?!"

    Anyway, pinagbigyan na rin namin kasi nag-sorry naman yung babae, nagmamadali daw. Sumakay yata sila sa 1st coach. Ako naman, dun sa last, hehehe.
    Last edited by Galactus; March 9th, 2009 at 09:11 PM.

Scary moments