New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 3 123 LastLast
Results 1 to 10 of 27
  1. Join Date
    May 2006
    Posts
    655
    #1
    Kagagaling lang namin kanina sa pagsundo sa kumander ko galing sa Alabang. Dito kami sa San Pedro umuuwi. Laging may sumasabay sa amin kaya idinadaan pa namin sya sa tapat ng bahay nila. Sa pagpasok papuntang Calendola, dumadaan kami sa may PLDT office na medyo kurbada at walang ilaw.

    Noon nakaraang dalawang linggo, pagkahatid ko kay kumander papuntang Alabang at pauwi na kami ng mga bata, habang binabagtas namin ang lugar na iyon, merong isang motorsiklo (pinapormang honda extreme) na walang ilaw ang bigla na lang sumulpot sa pagpilit na mag-overtake sa isang tricycle. Hindi ako pwedeng magpreno ng biglaan dahil merong nakabuntot din sa akin na mga motorsiklo at di rin ako pwedeng kumabig sa kanan dahil tatama ako sa gutter ng creek. Pinilit pinagkasya ng mokong ang bike nya at mapalad naman na di tumama sa sasakyan ko, ng bigla na lang nakita ko sa side mirror na sumemplang ang mokong dahil di nya napansin na may humps sa tapat ng isang Christian school. Sa sobrang bilis nya kaya sa halip na tumalon ang motor ay gumewang ang manibela at naiwan ang driver na una ang puwet na nag-slide, yong motor ay palagay ko malayo ang narating dahil patuloy ang pag slide na may mga sparks. Buti na lang walang tinamaan na kasalubong. Di na ako huminto dahil meron akong mga kasamang mga bata at saka baka ako pa ang masisi. Sobrang kinabahan ako noon at 5 araw akong di dumaan sa lugar na iyon.

    Kani-kanina naman sa parehong lugar din habang pauwi na kami meron na namang nangyari na ganoon, pero this time meron ng ilaw ang bike na umo-overtake. Dahil merong hump syempre babagal ako. Pero ang mokong parang didiretso na napakabilis sa direksyon ko. Huminto na lang ako sa may hump para hintayin sya na mapunta sa linya. Akala ko e babagal sya dahil may hump, na malapit na sa akin, bigla syang kumabig na talagang muntik ng makipag head on sa akin. Talagang napasigaw kami ng asawa ko at ng mga pamangkin namin, tapos kita na lang namin na yung motor e sumemplang din. pero parang nakahawak pa rin sa motor nya ang driver di tulad noong una. Dumiretso na rin kami kaagad, nanginginig sobra ang tuhod ko at halos di na ako makapag clutch. Pinagpawisan ako ng malamig at ang asawa ko e na shocked di na makapag-salita. Yong mga bata e talagang iyak. Hanggang ngayon e grabe pa rin ang kabog ng dibdib ko. Di na muna kami tutuloy ng Subic mamaya di ko kayang mag-drive.

    Share ko lang ito para mag-double ingat kayo sa mga walang disiplinang motorbike drivers na akala mo Tangke ang mga sasakyan. At para narin mahimasmasan ako ng konti, talagang grabe naging takot namin ngayong gabi. Di ko alam kung makakatulog kami ni Kumander.
    Last edited by bunge; May 20th, 2006 at 11:02 AM. Reason: Title

  2. Join Date
    May 2006
    Posts
    655
    #2
    Kung bumangga pa sa akin yon at sakaling namatay, kakasuhan pa rin ako ng Reckless Imprudence Resulting to Homicide? Nasa tamang linya ako.

  3. Join Date
    May 2006
    Posts
    655
    #3
    At nakahinto sa may hump...

  4. Join Date
    Mar 2006
    Posts
    1,577
    #4
    Dami ng motorsiklong ganyan. At least there were no casualties.

    My father also experienced a pizza company delivery motorcycle once cut him and suddenly lost control of the bike and fell off. My dad knowing that he'd be in court (and probably jail) if he kills the guy by running him over, he just quickly turned the steering wheel and banged his car to a thick plant box besides the road. Expense was high. The motorbike driver sure got away with scratches perhaps, but my dad lost 3 of his teeth and facial injuries. Luckily naka-recover naman, although ginawan na lang sya ng replacement for his lost teeth.

    Badtrip talaga mga ganyang driver ng motorsiklo, pero sa batas dito talo ka basta makatigok ka ng buhay, kasalanan mo man o hindi. Kaya INGAT na lang.

  5. Join Date
    May 2006
    Posts
    655
    #5
    Ang mahirap kasi ay bakit parang sila pa ang nangduduro na kailangan sila ang ilagan pag nasa kalye sila. Sila pa ang matapang na makipag head on collision.

  6. Join Date
    Mar 2005
    Posts
    8,837
    #6
    yan ang tinatawag na accident prone area

  7. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    1,528
    #7
    ....naka-witness ako ng ganyan. sa sucat, may motor na XRM rev ng rev sa tabi ko biglang lumiko papuntang betterliving completely ignoring the traffic light. ayun sumalpok sa trak (saw it from my sideview mirror). nakakapangilabot...

  8. Join Date
    Dec 2003
    Posts
    5,848
    #8
    Quote Originally Posted by scarab
    ....naka-witness ako ng ganyan. sa sucat, may motor na XRM rev ng rev sa tabi ko biglang lumiko papuntang betterliving completely ignoring the traffic light. ayun sumalpok sa trak (saw it from my sideview mirror). nakakapangilabot...
    Ouch!!!!! Sa akin naman minsan nanaginip ako ng susunod na mangyayari tipong may napanaginipan ka tapos mangyayari ng totoo yun...

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    692
    #9
    pet peeve ko yan e,undisciplined scooters&motorcycles on the road. hilig pa nila mang-cut na sobrang dikit when they overtake...niloloko ko nga si mrs na they go to a cerrtain school that teaches them all these bad habits, kasi andami ko na-encounter na ganyan almost everyday! (no offense to tsikoteers w/ motorcycles,i'm only talking about the undisciplined ones) actually, saw it on tv a coupla months back, there's an 80% increase daw in motorcycle-related accidents

    sir bunge, pag-pray natin ur kids, sana di ma-trauma.i've 2 kids myself, i wouldn't want them to witness anything like that

  10. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,470
    #10
    tsk tsk tsk marami ngang ganyan lalo na dito sa cavite. kaya ginagawa ko binabagalan ko na lang takbo ko. nung may sumalpok sa likod ko dati talagang bumaba ako at pinagalitan ko yung nakamotor. kinuha ko license nya at tinawagan ko abogado ko. talagang nag-makaawa yung nakamotor. sa huli pinagbigyan ko na tutal gasgas lang naman inabot ng kotse ko. pero talagang natakot si mokong. at least natututo sya kahit papaano.

    sana maging ok na kids mo. God bless!!!

Page 1 of 3 123 LastLast
Same Spot: Twice in 2 weeks (Deja Vu) Horrifying Experience